One Shot IV- Unexpectable

911 18 0
                                    

Unexpectable

"Alvina!" Tawag ni Jason sa akin at tsaka siya tumakbo patungo sa akin.

"Baby! Anung nangyari sayo?" Sigaw pa niya.

"Baliw!" Sabi ko. Kasama niya pala si Cassy. Nagsama ang  magbestfriends ko. Haha!

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko at tsaka nila ako binigyan ng bulaklak at prutas. Ano to? Kakabago ko pa lang nakalabas ng ospital kahapun ah ngayon lang sila nakaisip na bigyan pa ako ng ganito?

"Musta na ang kalusugan mo alvina?" Tanong ni Cassy at tsaka ko muna siyang niyakap.


"Okay naman ako at tsaka, bat ngayon niyo lang pinagisipan na dalhin ako ng bulaklak at prutas?" Tanong  ko.

"Wala lang. Busy kami these days at hindi kami makabisita sayo dun sa ospital kaya, dinala ka namin ng ganito." Sabi ni Jason.

"Weh? Sure na busy kayo? O nagkadevelopan na?"

"Sira ka din Alvina e noh?" ani Cassy at hinampas ako sa balikat.


"Sige na. Pumasok na tayo sa skwelahan. Baka magagalit na si Sir Jerry sa'tin." sabi ni Jason at tsaka na kami pumunta sa skwelahan.



*******

"In BMI (Body Mass Index) you have to divide your weight to your height in (m)2. First, you have to multiply you height in cm to m. Then divide ito to your height and you will now get your BMI" sabi ni Sir Gevrie. Ilang saglit lang, may pumasok na isang lalaki na di kagaano ka tangkad sa akin at tsaka matangos ang kanyang ilong, maganda ang kanyang mata at ang singkit pa. Para siyang Korean, Chinese or Japanese.

Wait, diba late siya? Ba't di napansin ni Sir Gavrie? At tsaka ngayon ko lang siya nakita ah? Transferee siguro to siya.


"Ok class dismiss." Sabi ni Sir Gavrie at tsaka na nagring ang school bell.

"Girl! Aalis muna kami ah? Kasi tinawagan kami ni ma'am Corazon kanina lang banda alas quatro." Sabi ni Cassy.

"O, sige. Ingat kayo."

"Sige Cassy bbye!" sabi nilang dalawa sabay takbo. Hahay, ang dalawang yun talaga, napakasweet parang ako yung thirdparty sa relasyon nilang dalawa.

By the way, sino kaya yung weirdo, charming looking man kanina? Parang may edad na siya ah? Mga 25? Pero gwapo parin. Luh! Paglingon ko palang ay nakita ko na siyang nakatayo sa teachers table namin. Anong balak niyang gawin? Baliw ba siya? At tsaka bakit parang walang paki-alam yung mga kaklase namin? Ako lang ba ang nakakita sa kanya? Luh!

Ilang saglit pa ay kinuha ko na yung bag ko at nilapitan siya.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" Sabi ko. Nagulat naman siya kaya napaupo siya saglit.

"Hey! You scared me. Ngò" (stupid!) Sabi niya. Aba! Oo nga nerbyoso siya. At tsaka kano siya? Amerikano? ingles eh.

"Bakit ka tumayo dyan sa lamesa?" Tanong ko.


"What is lamesa?" Tanong niya. Ingles nga!


"Um--the table!" Sabi ko.

"N-Nothing, Im finding something" sabi niya. at tsaka na siya bumaba sa lamesa.


"What? Nemo? Dory?" tanong ko.

"What do you mean?" Tanong niya.

"N-N-Nothing.." sabi ko at tsaka natawa.


Ang Kababalaghang Istorya Where stories live. Discover now