One Shot III- Biyernes (Friday)

1.3K 21 1
                                    

Biyernes (Friday)


"Guys, tara na baka mapuno na yung beach resort sa Lianga!" Sabi ni Welma.

"Sandali! Nag-iimpake pa kami" sigaw ni ford kasi nasa loob pa siya sa kanyang silid, nagiimpake.

"Sige, tatawagan ko lang yung resort na pupuntahan natin para makapagreserve" sabi ni welma.

"Ok!" Sabi ng lahat. Andito kasi sila sa isang hotel kasi trip ng kanilang barkada na magbe-beach.

"Are we all pack up?" Sabi ni Jessy while nakasumbrero pa.


"Yeah! Excited pa nga ako eh" sabi ni Kent.


"Then, let us now go to the beach!" Sigaw ni welma at tsaka na sila sing alisan. Papunta sila sa Lianga. Lugar sa Surigao del Sur kung saan maraming beach resorts.

"We are now here guys!" Sigaw ni welma at tsaka na sila bumaba ng van.

"O, san na yung room natin?" Tanong ni Helbert.

"Sandali tatanungin ko muna sa manong" sabi ni welma at tsaka lumapit sa isang manong na nagwawalis sa gilid ng beach.

"Manong, san ba namin malaman kung saan yung mga rooms namin?" Tanong ni welma. blanko ang reaksyon ng manong at tumitig parin ito sa dalaga.

"Uh-- welma, baka di nila naintindihan yung sinasabi mo. Tubong bisaya kasi to sila dito.." singit ni Jessy..

"As if! Kung taga bisaya sila, they can also understand tagalog!" Sabi ni welma.

"Mabuti pa't ako nalang ang magtatanong.." sabi ni Jessy

"Uh-- manong, aha dapita diri para makangutana mi ug aha dapita among mga kwarto?" (San banda ba dito dapat namin malaman kung saan yung mga kwarto namin?) Sabi ni Jessy.

"Naa sa likod anang swimming pool day, naay tindahan diaa, dia ka makahibalo ug asa dapita inyo kwarto" (nasa likuran ng swimming pool nayan hija, may sari-sari store dyaan na pwedeng malaman niyo kung nasaan yung hinahanap niyo) sagot ng manong.

"Sige salamat manong!" Sabi ni Jessy..

"Anong sabi daw?" Tanong ni kent.


"Andun sa likod ng swimming pool nayan. Dun natin malaman ang itatanong daw natin." Sabi ni Jessy at tuluyan na silang lumakad patungo sa destinasyon nila.


"Ah-- sir, kami po yung tumawag sa inyo bandang 4pm. Nasaan yung priniserve namin na mga kwarto?" Tanong ni welma.

"Kayo po ba yun? Sa gayon ay nasa taas ng cottage 20 hanggang 24." Sabi ng counter.

"Hay salamat, marunong at nakapagintinde tung counter na ito." Bulong ni kent.


"Maayong salamat sir!" Sabi ni jessy at tsaka na sila tumungo sa rooms nila.





BANDANG ALAS 6:00 PM
FRIDAY





Jessy's POV

"Guys! Lumabas na kayo dyan kasi may pa bonfire dun sa baba!" Katok ni Welma sa amin.

"Sandali lang!" Sigaw ni ford at tsaka niya muna ako niyakap-yakap.


"Ano bang meron ba't naging moody ka ngayon?" Tanong ko kay ford

"Wala lang, gusto lang kitang mayakap" sagot niya kaya hinawakan ko yung kamay niya.

"Kung ano man yun, mahal kita ford" Hin-hin kong sambit sa kanya.


Ang Kababalaghang Istorya Där berättelser lever. Upptäck nu