One Shot II- M.I.M.I.K

1.9K 18 0
                                    


M.I.M.I.K


Panahon ng mga Kastila~~~~~~~

"Magandang umaga Binibinig Clarisa" Bati ni Don Famador. Napatango at nakangiti ang binibini. "San ka ba pupunta?"

"Mamamasyal lang ako. Magpahangin." sagot ni Binibining Clarisa.

"Pwede po ba akong sumama sayo?" Nakangiting tanong ni Don Famador. Napailing ang Binibini kasi gusto niyang mapag-isa dahilan sa paghihilom ng pagod niya.

"Naintindihan kita Binibini, sige mag-ingat kayo." ani Don Famador. Napatango ang binibini at tsaka na umalis. Mag-isa lang siya lumakad papunta sa hardin kung saan naroon ang lahat ng mga punong kahoy sa hacienda nila.

Umupo siya sa sa gilid ng punong kahoy at napahilig dun. Huminga siya ng malalim at pinagmasdan ang mga ibong kumakanta at ang presko na hangin.

"CLARISAAA!!!" Sigaw ng isang di-makilalang boses na ikinagulat niya. Lumingon-lingon naman ang binibini pero wala naman siyang nakita. Napagpasyahan naman ng binibini na panaginip lang siguro yun at tsaka sanhi lang daw sa kapagudan niya. Bumalik na siya sa paghilig sa puno pero di nasiya makabalik sa paghinga. Kaya napag-isipan niyang bumalik na lang sa mansyon Bautista.

Lumalakad na siya sa gitna ng kagubatan ng hacienda Bautista. Pero nung dumaan siya sa may punong maraming mga sanga at ugat ay may tumawag sa pangalan niya..

"K-lar-yea-sa!!" Lumingon-lingon naman ang binibini ngunit wala siyang matapuang tao.

"Lu-map-et ka de-too" sabi pa ng isang boses na di makikilala. Nalilito din ang binibini dahil sa napakamahin-hin na boses at di niya maintindihan. Pero, ito ay ang naintindihan niya. Ang'lumapit ka reto'. Kaya lumapit ang binibini. Nakarinig din siya ng ingay ng mga yapak sa damohan kaya napalingon siya sa likuran nito. Pero wala siyang nakita kaya pinagpatuloy niya ang paglapit sa punong may maraming mga sanga at ugat na punong balite pala ang pangalan.

"S-Sino ka?" Tanong ng binibini. Pero, ilang segundo'y di ito nagsalita kay umalis na kaagad ang binibini pero napaupo siya bigla at itinabon ang kanyang tenga gamit ang dalawang kamay neto. Dahil nakarinig siya ng mga iba't ibang boses at sumisigaw pa eto. Nahihilo ang binibini kaya napahawak siya sa kanyang noo at kumapit siya sa isang punong kahoy sa gilid neto. Ilang saglit pa ay tumahimik na ito kaya napalingon-lingon ang siya. Tumakbo na siya papalayo pero sa ilang hakbang siyay tumakbo'y may biglaang sigaw na malakas at napatumba ang binibini..


Taong 2019~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Ito ay ang mansyon ng mga Bautista. Sila ang nagmamamay-ari ng hacienda dito sa lugar na kinatatayuan natin ngayon. Sila ay ang pinakamayaman at kilala dito sa Bataan. Mga mababait at matatag sila na pamilya dito dahil kay Binibining Clarisa." Sabi ng tourist guide namin dito sa mansyon daw ng mga Bautista. Ako si Clarisa Bartholome. o mas kilala ako bilang Clarise. Oo tama ang naririnig niyo. Clarisa ang pangalan ko, nagtataka nga ako ngayon  na kapangalan ko pa yung Clarisa Bautista na yun na di ko naman kilala. Baka nagkakataon lang. Pumasok na kami ngayon sa mansyon.


Dito ba kami magre-retreat? Sana walang momo. Ang laki eh at tsaka ang tanda na. Maganda naman ang design ng mansyon. Magaling siguro ang kinuha nilang arkitekto.

"Tinayo palang mansyon na ito sa taong 1840. Itinayo ito ng isang arkitektero na may dugong kastila na si Jaciento Bautista. Napa ibig siya sa isang dugong pilipina na si Gligoria Cuizon. at sila ay nagpakasal sa taong 1849. Sa tagal nilang samahan ay nakaanak sila ng isang magandang dalagita na si Gloria Bautista, ang panganay na anak. Sunod naman ay si Martiko Bautista. ang lalaking anak. Sinundan naman ito ni Clarisa Bautista. ang pinakabunsong kapatid ng mga bautista." Ah kaya pala, ang Padre de pamilya pala ang nagpatayo ng mansyon na 'to. Ang tanda na ng mansyon na ito. Bakit kaya na exist pa ito ngayon? At tsaka ang kanilang hacienda. parang walang bagkas. Maganda parin ang buong lote ng Bautista.

Ang Kababalaghang Istorya Where stories live. Discover now