“Pagod ako, Nay. Bukas na lang.”

Drew naglakad na papasok sa kuwarto.

“Hoy, Andrew… kinakausap ka pa ng Nanay mo,” sita sa kanya ng ama. Pero parang walang narinig si Drew. Tuloy tuloy lang sa kuwarto. At naglock ng pinto.

***

Hindi makatulog si Drew. Inaalala niya ang nangyari sa kanila ni Vanessa. Bakit umabot sa ganoon? Gusto niya sisihin ang sarili niya pero… hindi niya maitanggi – nagustuhan din niya. Parang achievement yun sa kanya. At ano ang ibig sabihin ng nangyari? Mahal ako ni Vanessa?

Pero paano si Camille? Mahal ko si Camille. Ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Vanessa?

Ang daming tanong sa isip ni Drew. Mga tanong na walang sagot. Gusto niyang tawagan si Arkin. Gusto niyang magkuwento. Gusto niyang humingi ng payo. Pero naisip niyang sarilinin na lang muna ang lahat.

Kailangan ko makausap si Vanessa…

***

Wala na si Vanessa sa bahay nito noong pinuntahan ni Drew kinabukasan. Wala din sa Coffee Cat. Wala sa school. Nasaan si Vanessa?

Buong araw na hindi maka concentrate si Drew sa school. Hindi niya kayang kausapin pa si Camille. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Kaya umiwas na lang muna siya kay Camille. Pati mga kaibigan niya, hindi niya kinakausap.

“Anyare sayo, dude?” Usisa ni Arkin. “Pinag-alala mo kami kagabi. Si Mac, iyak ng iyak. Akala na-massacre ka na!”

Pero bago pa makasagot si Drew, nakita niya ang hinahanap niya! Si Vanessa… Naglalakad. Kasama ang mga taga pep squad.

Nilapitan ni Drew si Vanessa.

“Vanessa!” Tawag nito. Lingon si Vanessa. Nakita niya si Drew.

“Drew… huwag dito… mag –usap tayo mamaya. Puntahan mo ako sa Coffee Cat.”

***

Nag uusap sa likod ng Coffee Cat si Drew at si Vanessa.

“Yung nangyari kagabi, Drew – isang pagkakamali yun,” diin ni Vanessa. “Walang dapat makaalam. Kahit sino. Mangako ka – wala kang pagsasabihan.”

“Pero –“

“Mangako ka!”

Tatango si Drew.

“Sorry, Drew… Pero… ayaw na kita makita kahit kelan,” tayo si Vanessa. Naiwan si Drew.

Ganoon lang yun? Pagkatapos ng nangyari, basta na lang niya sasabihin na ayaw na niya ako makita?

Bumalik si Vanessa. Inabot kay Drew ang bulaklak at chocolates na dala ni Drew kagabi. Mga dapat ay ibibigay niya kay Camille! Naiwan niya pala sa bahay ni Vanessa.

“Hindi ko matatanggap to, Drew…” Sabi ni Vanessa.

Gustong sabihin ni Drew, “Hindi naman para sayo, yan. Para kay Camille iyan!” Pero nanahimik na lang siya. Tinanggap niya ang mga inabot ni Vanessa.

“Good bye, Drew… Sana tumupad ka sa pangako mo. Sana secret lang nating dalawa ang nangyari…”

Tumalikod ulit si Vanessa.

Tumayo si Drew at naglakad palayo. Hawak ang mga bulaklak at chocolate na balak niyang ibigay kay Camille. Kasabay ng pag-amin sana na mahal niya ito.

Malungkot na naglalakad si Drew. Nagulat siya nang nakasalubong niya si Camille. Nakatingin sa kanya.

“Mac!” Sabi ni Drew.

Nakatingin si Camille sa hawak ni Drew na bulaklak at chocolates.

Iniabot ni Drew ang mga ito kay Camille. Hindi man niya naibigay kagabi, at least ngayon, mabibigay na niya. “Para sayo, Mac.”

Ngunit sa halip na tanggapin ni Camille ang mga dala ni Drew, sinapak ni Camille si Drew sa mukha.

“Araaaaaaaaaay!” Gulat si Drew. “Bakit?”

Nangingilid ang luha ni Camille. Nanginginig sa galit. “Nakita ko kayo, Drew. Nakita kong binalik ni Vanessa yan sa yo!  Hindi niya tinanggap!”

Nagulat si Drew. “Mac.. hindi… mali ka ng intindi…”

“Kaya mo ba binibigay sa akin kasi tinanggihan niya? Siya ba ang kasama mo kagabi, Drew? Kaya hindi ka nakipagkita sa akin? Ano ako, Drew? Panakip butas? Dahil hindi tinanggap ni Vanessa… sa akin na lang? Ganoon ba, Drew?!!!”

Gusto sana magpaliwanag ni Drew. Gusto niya amuin si Camille. Pero sinisigawan na siya ni Camille.

“I hate you Drew!”

Tumakbo na palayo si Camille. Hindi na siya nahabol ni Drew. Napaupo na lang si Drew sa semento. Nagsisisi. “Ano ba tong nagawa ko?”

BAGITOWhere stories live. Discover now