part #2

1.9K 67 0
                                    

Mala anghel na mukha. Matang kay amo na parang laging maiiyak may mahahaba at malalantik na mga pilik mata. cute na ilong at higit sa lahat may mala hugis pusong labe na kulay pula.

Sya si angel Villarial namulat sa kamusmusan ng kahirapan. Tanging nanay na lamang nya ang kasama nya sa buhay. Iniwan sila ng tatay nya simula ng ipinag bubuntis pa lamang sya ng kanyang ina sa sinapupunan..

magkagayon man hindi nagkulang ang kanyang ina sa pagpapalaki at pag aaruga at pag bibigay ng pagmamahal sa kanya. Nakatira sila sa probinsya. May maliit na tahanan na gawa sa pawid at kawayan payak na pamumuhay na kailanman ay hindi nya ikinahihiya kanino man.

Sa kasalukuyang nag-aaral si angel sa paaralang elementarya sa knilang barrangay.

Ang brgy ng San Sebastian.
Sa murang edad tumutulong na si angel sa mga gawain sa knilang bahay.. mula sa pag luluto at pag lilinis ng bhay. Meron din syang maliit na taniman ng gulay na pinag kukunan nila ng pang ulam sa araw araw, at kung minsan naman na madami ang aning gulay ay binibinta nya ito sa murang halaga sa kanyang mga kapit bahay' at dahil malawak ang kanilang bakuran ay nag lagay din sya ng hardin na punong puno ng nagagandahang mga rosas at mga wild orchids" na nag mula pa sa kabundukan. Nakukuha nya ito sa tuwing nangunguha sila ng pang gatong na kahoy.

Isa din ito minsan sa mga pinag kukunan nya ng pang baon sa school. Itinitinda nya ito sa bayan tuwing araw ng linggo.
Ang kanyang ina naman na si aling trining ay gumagawa ng mga kakanin na kanilang inilalako sa knilang baryo. Kilala c aling trining sa kanyang masasarap na lutong kakanin. Specialty nya ang pagawa ng puto at kakaning gawa sa malagkit na bigas. Kung minsan tumutulong si angel sa kanyang ina sa paglalako. Lalo na kapag wala syang pasok sa eskwelahan.. at dahil sa nakikita nyang hirap na dinaranas ng kanyang pinaka mamahal na ina, kaya ipinangako nya sa sarili na balang araw ay mabibigyan niya ito ng maayos at magandang buhay, na hindi na kailangan pa nilang mag lako ng kakanin, ang kahirapang ito ang mag sisilbi nyang sandata upang maka ahon sila sa kahirapan.

Hello po sa inyo.. ako po si angel. 12" yrs old na po ako. At kasalukuyang nag aaral ng grade six sa paaralang san Sebastian elem. School. Gaya po ng nabasa nyo. Dalawa na lang po kmi nang nanay ko na magkasama sa buhay. Sabe sakin ni nanay iniwan kami ni tatay nong ipinag bubuntis pa lang ako. Ang kwento sakin ni nanay nag-paalam ito sa kanya na mag tutungo ng maynila upang kitain ang matalik na kaibigan, dahil sa inaalok na trabaho sa tatay ko, ngunit matapos yun ay hindi na nakita pa itong muli ni nanay' at ni sulat oh tawag ay hindi nito nagawa.

Wala ding alam na paraan para makontak ni nanay ang tatay ko dahil malayo ang probinsya namin sa maynila. At isa pa hindi nya alam kung saan ito hahanapin.

Pero kahit ganon ang nangyari ni minsan ay hindi ako nag tanim ng galit sa aking ama, hinahanap ko pa rin ang pagmamahal at kalinga ng isang ama. Siguro may reason kung bakit nya kami iniwan oh kung bakit bigla na lang syang nawala.

Maraming taga baryo namin ang ang dududa sa kasarian ko, tinatanong nila si nanay kung BABAE" daw ba talaga ako, may nag sasabe na ang ganda kong bata.. kaya nagugulat sila kapag sinasagot sila ni nanay ng hindi.. isinasama kasi ako ni nanay sa pag lalako dahil wala syang mapag iwanan sakin, na labis kong ikinatutuwa, dahil nakaka gala ako at nakaka kita ng ibang batang gaya ko, binibigyan din ako ng mga damit ng kakilala ng nanay, at mga pinag lumaang laruan,

mayron din akong dalawang matalik na kaibigan. Si marie at boyet

si marie ay kaidaran ko lamang samantalang si boyet ay labing pitong taong gulang na. Lagi kami mag kakasama tuwing araw ng linggo. Tinutulungan kasi nila ko mag binta ng mga tanim kung orchids sa simbahan.
Iisang baranggay at baryo lang din ang aming tinitirhan.
Minsan hindi naiiwasang mapa away ng mga kaibigan ko dahil narin sa pag tatangol nila sa mga umaaway sakin. Lalo na ang mga batang babae. Na laging masama ang tingin sakin. Wala naman akong ginagawa sa knila pero lagi nila ko inaaway at ginugulo na hindi ko na lamang pinapansin dahil ayaw ko ng may ka away, mabigat sa pakiramdam at masakit sa puso. Lalo na at pinalaki ako ni nanay na puno ng pag mamahal, kailanman ay hindi nya ako minulat sa masamang bagay. Kaya ang away ay isa sa mga kina aayawan ko.

Pauwi na kami galing sa aming eskwelahan "

Haisst... Salamat naman pahinga na natin bukas mas gusto ko talaga kapag walang pasok kain tulog at nood ng tv, tapos gagala sa inyo bff" Ani  marie.

Total wala naman tayong gagawin bukas kasi araw ng sabado. Punta na lang tau sa bundok. Mukhang marami na ulit ung bunga ng mga prutas don naka ngiting sabe ni boyet.

Bukas talaga ang pag punta ko don para kumuha ng pang gatong ni nanay. Paubos na din kasi ung pang gatong na kahoy sa bahay na kinuha ko noong nakaraang linggo, Mag hahanap na rin ako ng mga bagong orchids at iba pang uri ng bulaklak na maari kung maibinta sa linggo.

Sige punta tau bukas"" masayang sabe ni marie..

Sabay sabay na lang tau bukas angel" Sa bahay mo na lng kami pupunta ni marie para makatikim na din kami ng mga kakanin na gawa ni nanay trining ani boyet..

Oh sige antayin ko na lang kayo sa bahay bukas" .. ingat kayo sa pag uwi..

Sanay marami naming makuhang orchids bukas, para malaki ang kitain ko, malapit na din ang graduation namin at kailangan kung maka ipon ng pera para sa high school.  Ayaw ko nang umasa kay nanay sa mga simpling bagay, alam kung hirap na sya sa pag lalako ng kakanin,

Kaya ko toh'" at kakayanin ko!

TRANSWOMAN LOVEWhere stories live. Discover now