Chapter 7

3.7K 121 12
                                    


"HERE YOU go, Harry!" Binuksan ni Janina ang pinto at hinayaang makalabas ang kanyang alaga sa kotse. "'Wag kang tatakbo! Basa 'yang semento!"

Tumahol-tahol lang ito at agad tumakbo papunta sa pinto ng kanyang bahay. Inikot niya ang mga mata at sinara ang pinto ng sasakyan. Maingat niyang sinundan ang alaga. Umulan nang buong maghapon kaya basa ang lupa at pathway papunta sa kanyang bahay. Madilim din sa paligid at tanging ang dalawang lamppost lang sa tabi ng kanyang bakuran ang ilaw.

"Harry–"

Narinig niya ang pagbukas ng isang pinto at agad kumabog ang kanyang dibdib.

"Janina."

Nagpagkit muna siya ng isang ngiti bago hinarap ang kanyang kapitbahay.

"Hi!" malapad na ngiti niyang bati habang tila nagkakarera ang tibok ng kanyang puso.

Hindi na ata siya masasanay sa pagiging drop dead gorgeous nito. He was Mr. Tall Dark and Wet right now. Basa ang buhok nito at tila kagagaling lang nito sa shower. May hawak itong tuwalya at basa rin nang kaunti ang suot nitong puting kamiseta. Tila nagmadali itong nagbihis at hindi na nagawang tuyuin nang maayos ang buhok at katawan nito.

Nag-aalangan itong lumapit. "Hi." His soft sensual mouth curved into a tentative smile.

Sinimulan na niya ang sasabihin bago pa siya mawalan ng lakas ng loob. "Uhm. Nga pala, Abel. 'Yung center na pag-iiwanan ko dapat kay Harry, okay na, nag-text sila kaninang umaga at p'wede ko na raw iwan sa Monday si Harry sa kanila."

Kumupas ang ngiti nito. "Oh."

"Salamat talaga nitong nakaraang linggo. You were such a big help. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi ka tumulong. Thank you, Abel."

Umiling ito at tila naging pilit ang ngiti. "No, it's okay. I had fun with Harry. It wasn't work at all."

"Na-transfer ko na 'yung bayad sa binigay mong account nung isang araw. Salamat talaga, ha?"

"You really don't have–"

On cue, nag-ring ang kanyang phone. Nanatili ang kanyang ngiti.

"Uhm, sige, Abel. See you around. Salamat, ulit."

Dinukot niya ang phone at tumalikod sa binata. Malalaking hakbang niyang tinungo ang pinto ng kanyang bahay.

"Marlon." Kinuha niya ang susi sa bulsa at isinaksak iyon sa seradura at pinihit.

"So, tagumpay ba? Did I interrupt your conversation with Mr. Drop Dead Gorgeous?"

Napangiwi siya sa kaibigan. Binuksan niya ang pinto at kumakawag-kawag ang buntot na pumasok si Harry. Pumasok siya sa loob nang hindi nililingon ang binata. Mabilis niyang sinara ang pinto.

"Yes, salamat."

"So, ikuk'wento mo na ba?"

Bumuntong hininga siya. "Sure."

Tinungo niya ang silid at sinimulang ik'wento sa kaibigan ang lahat lahat.

SHE WAS such a coward. Ibinaon niya ang mukha sa pahina ng binabasang Theories of Accounts. Kanina pa niya binabasa iyon para tanggalin ang isip sa lalaking nasa kabilang bahay. Hindi yon masyadong effective pero ayaw niyang sumuko. Isa pa, kailangan niyang seryosohin ang pagre-review. Oo nga at malayo pa ang licensure exam pero tama na mas maaga siyang mag-aral ngayon. Sa isiping iyon, itinaas niya muli at mukha at taimtim na binasa muli ang libro.

Tumahol si Harry at kiniskis ang ilong sa kanyang binti. Tinigil niya ang pagbabasa at binalingan ang alaga. Malalaki ang kulay tsokolateng mga mata nito at tila sinasabi sa kanyang matulog na siya. Ngumiti siya rito at sinipat ang orasan. Napasinghap siya. Hindi niya namalayang alauna na pala ng umaga.

Tall, Dark, and Tangible (Complete Chapters)Where stories live. Discover now