Chapter 3

2.7K 139 1
                                    


"'Cause baby, you're a firework! Come on show 'em what you're worth! Make them go oh, oh, oh! As you shoot across the sky-ai-ai!"

Tumahol-tahol si Harry habang tumatakbo paikot sa kitchen table niya. Hinawakan niya ang wooden spoon na ginagamit sa paghalo ng chocolate pudding at ginawa iyong parang mike habang sinasabayan si Katy Perry. Mariin pa siyang pumikit at nagtatalon para makapag-concentrate sa pagsigaw ng kanyang feelings.

"Baby, you're a firework! Come on let your colors burst! Make them go, oh, oh, oh! You're gonna leave them fallin' down-awn-awn!"

Nagmulat siya at muntikan nang matumba. Sa harap ng kanyang bintana, tanaw niya si Abel sa may bakuran nito, maluwag na nakangiti at nakatitig sa kanya. Agad niyang itinikom ang bibig at ibinaba ang malaking kutsara na nababalutan pa ng kaunting chocolate cream.

Ngumisi ang binata at malakas na nagsalita para marinig niya mula sa layo nito at malakas na boses ni Katy Perry.

"Go on! Tayo lang namang dalawa dito."

Napangiwi siya. That's not exactly comforting. Inabot niya ang stereo sa may counter at pinatay iyon.

Pinatay din muna niya ang apoy at tinakpan ang nilulutong pudding. Binuksan niya ang back door at agad tumakbo si Harry palabas. Sinundan niya ito at naglakad papunta sa fence. Malapit nang bumaba ang araw at malilim na sa kanyang bakuran. Hindi niya mapigilang titigan ang binata na nakatayo at nakangiti pa rin sa katapat na side ng bakuran nito. Walang isang metro ang layo nito sa fence niya at kung iaabot niya ang kamay at iaabot din nito ang kamay nito, sigurado siyang magtatagpo iyon. Pinanood niya ang pagtama ng kahel na liwanag sa kabuuan ng binata.

The sunlight loved him. Parang pinag-iilaw noon ang golden brown na balat ni Abel. He was so handsome it was almost painful to look at him. Para itong isang Greek god na nakakasilaw tingnan sa sobrang ningning ng kaguwapuhan nito.

"Uhm..." Para siyang kindegarten na nahuling nangungupit ng cookies. " I'm really sorry, akala ko hindi masyadong malakas."

"Hindi naman talaga. Hindi naman masyadong naririnig kapag nasa loob ng bahay. Kapag 'andito lang sa bakuran." He was still smiling that awesome smile.

Napangiwi siya. "Well, kung naririnig mo pa rin nang kaunti sa bahay mo, ibig sabihin malakas nga 'yon."

Tumawa ito at ipinatong ang mga braso sa wooden fence. Doon niya nakita ang hawak nitong shovel.

"Nagtatanim ka?" Hindi niya napigilan ang pagngiti nang malapad.

Lumapad din ang ngiti nito. "No, naglalagay ako ng fertilizer. Simula na ng rainy season kaya kailangan ko nang lagyan ng fertilizer yung rose bushes. You like gardening?"

Maikli siyang tumawa at napakamot sa ulo. "Yeah. Pero wala ata akong green thumb. Nung elementary ako, pinagtanim kami ng mga puno sa garden ng school at ayun, kamusta naman ang kinalabasan ng puno ko. Two weeks pa lang patay na."

"You probably just didn't know how to take care of it. Hindi naman sensitive ang maraming seedlings pero siyempre may mga bagay pa rin na dapat iwasan at hindi dapat gawin."

"Well, yeah, pero bakit akin lang yung namatay?"

Tumawa ito. "There are many factors. Don't be too hard on yourself."

"Yeah, I sure hope so."

"Want to plant something in your backyard?"

Alangan siyang napatingin sa bakuran kung saan naghuhukay ng kung ano si Harry. "Baka sa mga paso lang. Kasi kung magatatanim ako derecha sa lupa, kung hindi mamatay yung halaman sa incompetence ko, malamang mamatay sila sa pagtakbo-takbo at paghuhukay ni Harry."

Tall, Dark, and Tangible (Complete Chapters)Where stories live. Discover now