Chapter 6

2.9K 162 14
                                    


"Papasukin mo na rin sa loob si Harry." Hinagkan siya sa pisngi ni Marlon habang tinutulungan siyang ilabas ang mga kahon ng cupcakes mula sa loob ng kanyang kotse.

Tumahol si Harry mula sa passenger seat at umungol nang kaunti. Kinuha ng kasambahay mula kay marlon ang ilan sa mga kahon at dinala papasok sa malaking bahay.

"No." Umiling siya habang sinasara ang pinto ng kotse. "Mabilis lang naman ako. Baka makagulo lang si Harry. Bukas naman yung mga bintana at bukas din naman yung aircon."

"Okay, bahala ka. Later Harry!"

Hinagkan niya muna sa ulo ang alaga bago sumunod kay Marlon sa mansion. "Late ba ang dating ko? Ba't ang dami nang sasakyan sa parking?"

"No, tama lang ang dating mo. Medyo napaaga lang talaga ng dating yung iba."

Dumerecho sila sa malaking kusina kung saan hindi magkandaugaga ang mga staff sa paghahanda ng mga pagkain. Para silang nasa isang labyrinth ni Marlon habang paliko-liko para hindi mabangga ang mga staff. Ibinaba nila ang mga kahon ng cupcakes malapit dessert station.

"Shit! Ang guwapo-guwapo niya!"

Napalingon sila ni Marlon sa dalawang babaeng staff na parang kiti-kiting pumasok sa loob ng kusina.

"Ang guwapo grabe! Mas guwapo pa sa mga artista—"

"Ano ba'ng ginagawa niyong dalawa! Kurutin ko kaya 'yang mga singgit niyo!" Pinandilatan ang mga ito ng mayordoma ng mansion.

Napangiwi silang dalawa ni Marlon. Binalingan siya ng kaibigan. "Wanna go around for a bit? Maganda yung rose garden ng Lola ni Jake."

Hindi niya mapigila ang pagngiti. "Okay lang ba?"

"Of course, s'abi nga ni Jake dapat mag-stay ka na. Come on." Hinawakan siya nito sa siko at inalalayan siya palabas ng kitchen.

Nagpasalamat siya at isang itim na maikling bestida ang sinuot niya. Hindi iyon masyadong pormal pero hindi rin naman masyadong kaswal. Tingin niya ay tama lang iyon para hindi siya magmukhang dadalo sa party pero hindi naman magmumukhang alangan kung sisilip siya.

May nakasalubong silang tatlong babaeng staff ulit. "Ang guwapo niya, grabe!" Parang kiti-kiti din ang mga ito.

Binalingan niya ang kaibigan. "Sino ba 'yon?"

Tumawa ito at umiling. "Ah, tingin ko yung favorite painter ng Lola ni Jake. Invited kasi."

Tumango siya. "Art enthusiast yung Lola ni Jake?"

"Yup. Milyon-milyon ang halaga ng mga painting na binibili ni Mrs. Fuentes."

"Wow, ano'ng klaseng painting naman 'yan? Ginto ba 'yan?"

"Well ultra famous yung painter at parang isang brushstroke lang ata ay milyon na ang katapat."

Lumiko sila sa isang pasilyo patungo sa hardin. Nagtaas siya ng tingin at muntikan na siyang matapilok. Napatigil siya.

Malalaking mata siyang napatitig sa isang larawang nakasabit sa dingding.

"Jan?"

Hindi siya nakasagot at napatitig lang siya sa dambuhalang canvas. Nakapinta doon ang tila isang parte ng isang puno. Isang punong wala nang dahon at tila kay rupok at nipis na ng mga sanga. Wala ring kulay iyon.

Gumalaw si Marlon sa kanyang tabi. "Oh, ayan. Siya yung gumawa niya'n. Would you believe na 30 million pesos 'yan? S'abi ni Jake yung isang gawa rin niya na in-auction sa Sotheby's umabot ng fifty million pesos nung isang taon. To think na nakakabenta siya taon-taon ng halos tatlong paintings sa Sotheby's na ganyan halos ang mga presyo, tapos meron pa dito sa local auction house sa 'tin." Narinig niyang sumipol ang kaibigan. "Tingin ko mas malaki pa ang kita niya'n kaysa sa ibang CEO dito. I bet he's already a billionaire by now."

Tall, Dark, and Tangible (Complete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon