"Kamusta naman ang isang linggo mo sa bagong bahay?"
Nakangiti siyang nagtaas ng tingin kay Marlon. Naka-angat ang isang kilay nito sa kanya habang hawak ang attendance sheet ng mga empleyado ng Froilan's, ang restaurant kung saan sila nagta-trabaho.
Hindi niya mapigil ang pagluwag ng ngiti. "Okay naman." Tinanggap niya ang attendance sheet at inilapag iyon sa desk para sipatin mamaya. Kailangan niya iyon sa pagche-check ng payroll.
"Walang maingay na kapitbahay?" usisa nito.
Hindi niya napigil ang pagtawa. "Wala. Ako na ang maingay na kapitbahay ngayon."
"Hm. Okay. Yung cupcakes na-order ni Jake, sa Saturday ha. You want me to pick them up?"
"No. Okay lang, ako na lang ang magdadala. Parang feel ko kasing makakita ng mga celebrities kahit sandali lang, okay lang ba?"
"You can come as a guest, you know."
"Pfft. Ano'ng guest? Eh kayo lang naman ni Jake ang kilala ko do'n?"
"Well, it's Jake's grandmother's party, so okay lang."
"Not when everyone attending are celebrities!"
"It can't be helped. Financier ang Lola ni Jake at malalaking tao ang mga kliyente niya at marami sa kanila mga artista at celebrity."
"Exactly." Madamdamin siyang tumango. "Kaya nga hindi ako bagay do'n. Isa pa, sigurado ka ba na kailangan ni Jake ng mga cupcakes ko? Eh di ba yung pastry chef na kinuha nung Lola niya yung nanalo sa Hongkong Food exhibition nung kailan lang? Na-news pa nga si Penny San Diego sa Inquirer nung kailan."
"Well his Lola loves your cupcakes, so that's the end of it."
"Hm..."aniya at ibinalik ang atensyon sa spreadsheet at sa pinoprosesong mga purchase orders.
"So," narinig niyang untag ng kaibigan. "You have no news to share?"
Napatingin ulit siya sa kanyang matalik na kaibigan mula pa noong kindergarten. Nakaangat pa rin ang isang kilay nito at hindi niya napigil ang pagtawa. "Ay Marlon, wala. Sige na, shoo. Hindi porque anak ka ng may-ari hindi ka na dapat nagta-trabaho. Bumalik na sa HR. Thanks sa pagdala nitong attendance sheet."
Sumimangot ang kaibigan at humalukipkip. "You're not keeping secrets, are you? Come on, what happened to best friends forever?"
"Eh di best friends forever pa din. Go, kailangan kong matapos 'to in an hour para makauwi na 'ko."
"You're keeping something from me. I can feel it. It's not a guy, is it? Ipakilala mo muna sa 'min para magisa. Tingnan mo, tama yung forecast namin ni Jake dun sa ex mo. Wala ka bang tiwala sa 'min?"
Naiiling niyang binalingan si Marlon. "Drama Queen ka rin talaga, ano? Wala pa namang kailangang ik'wento, we're just friends—"
"Aha!" Mayabang itong namaywang. "S'abi na nga ba. Who is he? S'an kayo nagkita? Ano'ng trabaho—"
"Lower your voice!" gigil niya rito. Pasimple niyang sinulyapan si Mrs. Trinidad, ang head accountant na nasa kabilang cubicle. " 'Wag kang makulit, next time ko na lang ikukuwento. I really need to finish this because I need to get home early. Iniwan ko si Harry sa kanya kaya nakakahiya naman–"
"I don't believe this. Nag-progress sa gano'ng level ang relationship–"
"There's no relationship. Sa Monday ko na lang ikukuwento, okay?"
Napakunot ito. "Bakit hindi bukas o sa Sunday? P'wede akong pumunta–"
"Well, may pupuntahan ako bukas at baka busy din ako sa Sunday."
VOUS LISEZ
Tall, Dark, and Tangible (Complete Chapters)
Roman d'amourJanina never really understood why most romance pocketbook heroes were assholes and playboys. Sa totoong buhay, sinong babae ang magkakagusto sa mga lalaking suplado, domineering, palikero at may emotional quotient ng isang comatose na koala bear? I...