Chapter 5

2.9K 144 10
                                    


Sa tingin ni Janina ay may mali talaga sa kalawakan. Really, how could someone be so nice, sweet, uber talented and drop dead gorgeous at the same time? How could someone look this freaking good even when smudged with dirt?

Napailing siya habang nakatitig sa binatang nagbubungkal sa flower bed. Nakakunot noo ito habang hinahalo ang compost sa lupa. He really had very strong features. She was sure someone manipulated his genes to make him look so darn perfect. Sa pagkakaalam niya, ang mga sanggol ay madalas tumitig din sa mga mukha na well defined. Sa madaling salita, yung mga mukha na guwapo at maganda. It was probably inherent. Kasi siya ay hindi niya rin mapigilang titigan si Abel.

"Roses require a weekly supply of five to seven gallons of water," anito habang nilalagay sa hukay ang malagong rosas. "Pero dahil maulan na ngayon, mas marami silang makukuhang tubig kaysa kailangan nila. We have to make sure the soil has adequate drainage. We're a tropical country so we have to take extra care of the roses. Kailangan lagyan ng tabing kapag masyadong mainit o kapag masyadong malakas ang ulan. We also have to prune regulary. I'll prune my garden next week, so I can show you how to do it. Okay din ang climate dito kahit papaano sa parteng 'to ng Antipolo kaya makakatulong 'yon." Ibinaling nito ang tingin sa kanya at maluwag siyang ngumiti.

"Okay. Ang fertilizer tuwing start at end ng rainy season, tapos tuwing summer din, di ba? Tiningnan ko 'yon sa internet kagabi. Ngayong naiisip ko na, dapat pala matagal na 'kong nag-research sa net para sa pagga-garden. "

"Sa panahon talaga ngayon, halos lahat ng impormasyon makukuha na sa net. That really helps a lot."

Pinagpatuloy nila ang pagtatanim ng mga halaman. Dahil hapon na silang nagsimula para hindi masyadong mainit, maggagabi na silang natapos. Hindi niya mapigil ang pagngiti habang pinagmamasdan ang kanyang hardin.

Naglagay si Abel ng isang kariton malapit sa bintana ng kanyang bahay at pinuno nito iyon ng mga namumulaklak na halamang nakatanim sa paso. Gumamit din ito ng isang lumang hagdan na nabili nila sa isang antique shop at sa kaunting kumpuni, ginawa nitong lalagyan din iyon ng mga halaman. Then there were the raised flower beds and the ornamental fences. May ilang halaman pa silang hindi naitatanim pero sa kabuuan, halos tapos na ang garden.

"You work so effing fast!" Halos magtatalon siya sa tuwa habang naglalakad sila papasok sa bahay niya.

Binigyan siya nito ng nakaka-high na ngiti nito at halos mapabuntung hininga siya sa tuwa. "You helped a lot, so it's not just me."

"Nah. Taga-abot lang ako at tagahawak, you did all the work."

Pagkapasok sa bahay, sinimulan na agad niya ang paghahain. Nakaluto na siya ng kare-kare noong tanghali para matulungan niya ang binata sa pag-aayos ng garden.

Pagkatapos kumain, ito ang naghugas ng mga pinggan. Naging routine na nila iyon. Kapag ang isa ang nagluto, iyong isa naman ang maghuhugas. Kahapon nag-protesta ito nang siya ang maghuhugas ng pinggan. Sinabi nitong nagbibiro lang ito nang sabihin nitong siya ang maghuhugas, pero hindi siya pumayag. Sa tingin niya ay tama lang iyon. Ito ang naghuhugas kapag siya ang nagluto, kaya bakit hindi siya ang maghuhugas kapag ito naman ang nagluto?

After eating and washing the dishes, they took Harry out for a thirty minute walk around the neighborhood.

They talked about themselves in their thirty minute walk. Nalaman niyang galing ito sa isang all boys school mula elementary hanggang high school. Nalaman din niyang ang sinasabi nitong accountant na kapatid nito ay kakambal pala nito.

"Identical o fraternal?" tanong niya habang pabalik na sila sa kanyang bahay.

"Fraternal. Pero may malaking hawig pa rin kami."

Tall, Dark, and Tangible (Complete Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon