CHAPTER 9

144 5 0
                                    

Sinugod ka ni Kris sa hospital nung makitang pinagpapawisan ka ng maigi at mejo mainit din ang iyong leeg nung dinampi niya ang kanyang kamay roon habang pinapasakay ka niya sa kanyang sasakyan .

Hindi siya nagdalawang isip na dalhin ka sa ospital sapagkat mayaman siya at hindi niya rin alam kung anong gagawin niya sa iyo kung sakaling iuwi ka naman niya sa bahay niya. Hindi rin naman magandang iuwi ka sa bahay niyo na may sakit, baka kung anong mura pa ang matatanggap niya mula sa mga guardian mo kung sakali.

"Sir, anong nangyari sa kanya?"

"Ah, bigla na lang siyang nagcollapse."

"Ah, okay sir." Sinimulan ka na nilang icheck-up habang tulog na tulog ka.

Matapos ang halos isang oras na pagtest sa iyo, halos makatulog na si Kris kakahintay na maiuwi ka na sa bahay mo. 

"Nurse, magkano lahat ng gastos?"

"Eto po yung bill sir, kasama na ang mga gamot."

"Ah, okay, babayaran ko na, kailangan ko na kasing umuwi nurse."

"Iiwan niyo po yung misis niyo?" Hindi kayo naka-uniform at hindi naman masyadong bata ang mga pagmumukha ninyo kaya naman hindi kayo napagkamalang mga estudyante.

"M-misis?"

"Naku naman sir... "ano" po ang asawa niyo."

Hindi makapaniwala si Kris sa kanyang narinig. Hindi niya lubos maisip ang narinig niya tungkol sa kalagayan mo. Wala rin naman siyang magawa kundi dalhin ka na lang sa bahay niya at dun ka na muna papalipasin ni gabi. Tulog na tulog ka pa rin kasi.

Nung sumunod na araw, nagising ka na nga at hindi makapaniwala sa tinulugan mong bahay. Nagsimula na naman kayong mag-away ni Kris hanggang sa puntong--- 

"May ginawa ka sa akin ano?!"

"Ano namang gagawin ko sa iyo eh buntis ka na nga eh! Hindi ako pumapatol sa hindi na birhen!!" Lumabas ito sa bibig ni Kris ng hindi inaasahan, na ikinagulat mo.

Buntis daw?

"H-huwag mo nga akong lokohin. M-manloloko ka na lang sa mga ganyang bagay pa." Halos sumabog ang dibdib mo sa sobrang kaba. Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Kris? Paano kung?

Natahimik naman si Kris habang pinagmamasdan kang nagpapanic at halos maiyak na sa kakaisip ng posibilidad na mangyari ang sinabi niya.

"Salamat sa pagpapatulog sa akin dito. Uuwi na ako." malamig mong sabi at kinuha ang bag mo sa dulo ng kamang tinulugan mo.

Pero bago ka pa man makalabas hinawakan niya ang braso mo at, "Hindi ako nagbibiro Jihyun. Buntis ka." seryoso niyang sabi na tuluyang nagpatulo ng namumuong luha sa mga mata mo.

+++

after ilang months, HAHAHAH <3 Salamat po sa pagbabasa. ^^ Comment/Vote po kayo. ^^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAY FOR ONE NIGHT ( EXO's Kris)Where stories live. Discover now