CHAPTER 2

232 2 0
                                    

Short update ^^ Sorry guys, mejo... may pagka mature po ito. Sana basahin niyo pa rin kahit paano.

+++

Kim Ji Hyun

Nakakaduling na ang ilaw sa buong kwarto, nakakabingi talaga ang mga tawa at pagkanta ng mga taong nasa loob, masama na ang pakiramdam ko, pakiramdam ko nga, hindi magtatagal, mahihimatay na ako, kaya napagdesidyunan ko na lamang na biglang lumabas sa kuwarto ng unti-unti, upang hindi nila ako makita, at pumunta sa may hardin para makalanghap ng masarap na hangin, amoy usok ng sigarilyo din kasi yung hangin sa loob.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto lumanghap ako ng preskong hangin na binibigay ng malamig na gabi at mga puno sa paligid ng hardin. Amoy na amoy ko rin yung sarili kong amoy alak. Lumalakas na ata ang pang-amoy ko eh. *hick* HAHAHAHA---

Napangiti ako sa isang taong nagwawala sa kanyang kotse na nakapark sa may parking lot malapit sa hardin. Para siyang tangang bakla. *hick*

Hindi ko siya kilala, pero pamilyar na pamilyar ang mukha niya, ewan ko ba kung saan ko siya nakita, sa mga classes, or baka naman sa library, malay ko ba... hin... di... ko... na... ma..

KRIS

Nakita ko yung isang babaeng nakatayo sa labas, intoxicated siya tulad ko at nakangiti sa akin. Pinagtatawanan pa ata ang pagwawala ko, o baka naman, pokpok siya at inaakit niya lang talaga ako. Napatigil naman ako sa pagwawala habang pinagmamasdan siya. Pamilyar ang mukha niya, nagkita na ba kami? O baka naman nasa iisang paaralan lang kami?

Iaandar ko na sana yung kotse ko para naman makaalis na, pero bigla na lamang siyang hinablot ng isang lalake na may katangkaran. Hindi ko ba alam, pero parang masama ang kutob ko sa lalakeng iyon.

Napaka-amo naman kasi ng mukha ng babaeng yon, kaya hindi naman ata siya isang bayaran. Hindi ba?

Hindi ko inaasahang lalabas ako ng kotse ko at biglang tumakbo papunta doon sa may hardin kung saan nagpupumiglas ang babaeng yun.

Nakatalikod yung lalake kaya bigla ko na lamang itong sinuntok sa  kanyang bandang batok. Patay ba? o baka nahimatay lang? Kung alin man ang nangyari sa kanya ay wala akong pakealam. Basta nagulangtang siya sa malamig na damo ng hardin. Mas gumaan nga loob ko nung nasuntok ko siya.

Nakita ko yung babaeng kani-kanina lamang ay nagpupumiglas na nakatulog na sa malamig na lupa. Binuhat ko siya at ipinasok sa loob ng aking kotse.

+++

Mahaba-haba din ang tinakbo ng kotse ko bago makarating sa underground garrage ng bahay ko. Mabuti na lang at gabi na, walang masyadong traffic at walang pulis na magrereklamong nagoover speeding ako.

Pinilit kong gisingin yung babaeng hindi ko kilala, ngunit hindi talaga siya magising. Lasing na lasing nga ata, itsura pa lang, buti nga at hindi namatay sa sobrang alchohol sa inumin niya. Tsk.

Inalalayan ko siya papunta sa loob ng bahay at saka inakyat sa kwarto ko. Madumi din kasi yung guest room at eto lang yung malinis na kwarto. Wala namang masama, meron ba? Makikitulog nanga lang siya, mag-iinarte pa ba siya?

Inilapag ko siya sa kama ko ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nasagi ko yung paa ng kama at naibagsak ko siya sa kama habang ako naman nakapatong sa ibabaw niya. Ang init ng katawan niya...

*splak!!!*

Aray... Napikit ko ng marii ang mga mata ko, nung bigla niya akong sinapak. Nabigatan ata sa akin, buti rin sinapak niya ko para matauhan ako.

Bumangon ako mula sa pagkakapatong sa kanya at iniayos ang pagkakahiga niya sa kama. Buti na nga lang at malaki-laki ang kama ko.

Masyadong mainit ang katawan ko ngayon kaya kahit groggy na ako, naligo pa rin ako. Pagkatapos nun ay nagsuot ako ng sando at boxer's, sinarhan ang ilaw at tuluyan nang nahiga sa kama ko.

"P-please, inside me now..."

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang ginawa sa akin nung babaeng yun. Sht. Akala ko pa naman disente siya!!! Tae. Hind naman pala... nagpapalit palit ako ng posisyon hanggang sa makaharap ko yung babaeng sinama ko kanina.

Kung gamitin kaya kita

+++

PAY FOR ONE NIGHT ( EXO's Kris)Where stories live. Discover now