First Draw

672 13 3
                                    

Iginala ni Gio ang mata sa paligid.

Kanina lang, naghanap sila ng magagamit sana sa pag-aayos ng van pero wala. Hindi sila nakahanap.

Pero nakakapagtaka. Dahil bukod dun ay halos kompleto naman ang gamit sa bahay. Parang hindi inabandona. Ayos pa din ang mga ilaw. May tubig din... mukhang hindi nga lang potable dahil parang kalawang ang kulay. Kaya buti na lang binitbit na nila yung galon ng tubig nila sa van kanina nung nakita nilang ganon ang tubig.

"Ganda ng bahay no? Ang bobo naman ng may-ari." Sabi ni Ella.

"Maka-bobo ha." Sagot ni Anna.

Tinuro naman ni Ella ang paligid. "Tignan mo kasi. Ayos naman ang bahay. Yung tubig nga lang hindi okay pero wala na ibang problema to eh... tingin ko ah."

"At ikaw ba naman ang iiwan mo bahay mo na hindi naka-lock. Walang caretaker. Ni wala ka ngang kapitbahay eh. Pano naman yan."

Napansin ni Ella na parang hindi mapakali si Den kaya nilapitan nya na ito.

"Besh?" Hinawakan nya ang braso nito. "May problema ba?"

Tumingin si Den sa kanya na parang nanlalaki ang mga mata.

"A-ano lang... tinanong ko sila Kim at Vic kanina." Lunok. "Hindi na daw ito kasama sa lupa ng Lolo. Hindi nga raw nila kabisado to eh. Parang ngayon lang daw nakapunta dito."

Nagulat si Ella. Tumingin kay Anna na nagtataka sa kanila. Bumulong ito. "Sigurado ba sila dyan, besh?"

Tumango si Dennise.

"Hindi pwedeng malaman nung boys na naliligaw tayo. Pagbibintangan nila sila Kim..."

Biglang sulpot naman ni Roi na may dalang makakapal na kumot at mga unan. Ganon din si Gio at LA.

"Pinoproblema nyo pa kung anong nasa isip ng owner kung bakit iniwan nyang bukas at on good condition itong bahay. Di na lang kayo magpasalamat na may matutuluyan tayo hanggang mag-umaga. Kayo ba? Gusto nyo sa van magpalipas ng gabi? Kesa dito?" Tanong ni Roi.

"Hindi ba pwedeng nagtataka lang? Tsaka... pano pag mas safe pa din pala sa van? Malay natin, mga serial killer pala nakatira dito. Tapos way nila to para i-trap tayo?"

Nagkatinginan sina Gio, Roi at LA saka tumingin ulit kay Ella. Sina Anna at Dennise naman napasapo na lang ng noo.

Maya-maya, sabay na tumawa yung tatlong lalake.

"Geez, Ella!" Hirap na hirap na sabi ni Gio. Nakahawak pa ito sa tyan.

"Ikaw, babe baka gusto mo lang naman maging artista ha. Hindi mangyayari yon. Volleyball lang ha. Volleyball lang, maawa ka." Singit ni Roi na parang hinahampas-hampas pa yung hangin.

"Ano'ng babe!" Angal ni Ella dito kay Roi. "Tigilan mo nga ko kaka-babe mo sa'kin."

"Hindi naman yung babe na endearment eh. Yung sa movie!" Lapad pa ng ngiti ni Roi tapos yung halakhak nina Gio at LA. Wala na din nagawa yung dalawang babae kundi tumawa na din.

"Ako talaga ginagawa nyon katatawanan dito sa barkadahan na to!" Nagpapapadyak pa na sabi ni Ella.

Tinakpan na ng mga kasama nya mga bibig nila para pigilan ang tawa. Nung medyo nakakaya na nilang magsalita...

"Bakit ba kasi kung ano-ano naman yung pinagsasasabi mo, Ella. Para kangbewan minsan eh. Mga movie clichès gusto mo mangyari sa buhay mo. Sira ka ba?" Loko ulit ni Roi sa kanya.

Inirapan lang sya nito.

"Oh. Oh. Baka mag-away ulit kayo ha. Teka. Maghahanap lang ako ng mga mahihigaan natin. Gio, samahan mo na ko. Roi, dito ka na lang." Tumingin ito ng seryoso sa paligid. "Baka... may serial killer na balak patayin mga mahal namin." Saka ngumisi. Natawa ulit yung iba kaya si Ella, sa inis nya, lumayo sa kanila.

HauntedWhere stories live. Discover now