Dark Night

814 22 4
                                    

AN: This story is going to be THREE BOOK story. Pero pag-iisahin ko lang. Meaning 3 PARTS sya pero lahat ng 3 parts DITO na din. Ayako na gumawa ng edit pang story cover. Di pa naman ako marunong 😂
So parang ganto ha. After ng Book 1, lahat ng chapters after that is may II. Pag Book 3, ganon din. III. TITLE NG CHAPTER HERE 😅

*****

Unang tumigil ang grupo nila Dennise sa isang hilera ng mga tindera ng mga pagkain, prutas at kung ano-ano pa sa gilid ng daan.

"Ang dami naman yatang tao dito sa daan?" Tanong ni Gio habang ginagala ang mata.

Si Kim na ang sumagot dito. "May malapit na plaza kasi dito. Doon talaga ginaganap ang mga palaro dito sa amin." Napangiti ito nung napansin nyang nakangiti din si Dennise.

"Fiesta pa ngayon ng bayan namin... well, unang linggo ng Mayo. Pero tuloy-tuloy ang kasiyahan hanggang bago magpasukan. Isinasabay ng mga tindera na samantalahin ang pamimili ng mga gamit sa eskwela." Tumingin ito kay Dennise. "Naalala mo pa, Ma'am Dennise?"

Tumango ito. Maaliwalas ang mukha nito kesa kanina nung nag-usap-usap sila. "Hindi pa din pala nagbabago no? Kahit papano?"

"Mm-hm! Tama po kayo, Ma'am Dennise! Palagi ho ako sinasama ni Itay bago magpasukan basta ba'y may sobra sa sahod nila. Masaya ho, Ma'am Dennise!" Bibong kwento ni Jia.

Hinawakan naman ni Victon ang balikat nya saka tumingin sa paligid. Hindi ito nakangiti. Seryoso lang. "Alam ng Ma'am Dennise iyon, Jia." Tumingin naman sya sa mga kasama ng amo at sinabihan sila. "Pwede tayong magsimula dito ng pamamasyal. Kung gusto nyo ay dito tayo hanggang gabi."

"Hanggang gabi?"

"May perya din dito sa malapit."

Umiling si Roi at Annaleah kaya naintindihan naman ito ni LA. "Hindi na siguro muna. Maglalakad-lakad lang muna kami. Mamimili kung may magustuhan. Saka tayo magkita din dito sa may sasakyan at lumipat na ulit ng location."

Nagtinginan sila Vic, Kim, Mela at Bang. Alam nilang gusto din ni Jia na makapamasyal sa perya sa gabi. Mas aktibo ito pag gabi at alam nilang gustong gusto ito ng bata. Lumapit naman si Kim kay Jia at binulungan ito.

"Wag ka mag-alala. Pag nakapagtabi na ko ng sahod para sa buwan na to, mamamasyal tayo." Ngiting sabi nito. Tumango lang naman si Jia at ngimiti.

"Lilibre mo ko ng pagkain ngayon, Kuya Kim? Hindi mo pa ko mapapasyal sa peryahan eh." Pambobola ng bata.

Ngumisi si Victon sabay akbay sa bata. "Wais ka talagang bata ka. Pero sige. Kaming tatlo manlilibre sayo ha. Pobra na nga Kuya Kim mo mas ibabaon mo pa sa utang eh."

Tumawa naman sila Bang at Mela. Si Kim naman kamot ulo. "Grabe ka naman maka-pobre, Vic."

"Bakit? Hindi ba?"

"Ala eh, tunay naman. Pero ang bantot ng wording mo."

Umiling na lang si Vic. Si Jia naman nilapitan ang Kuya Kim nya. "Okay lang Kuya Kim. Mabait ka naman eh kahit pobre ka."

"Ay, wow!" Tumingin ito kay Victon. "Ano ba tinuturo mo dito sa bata, Vic!"

"Pano maging mabuti at ma-diskarteng bata! Di ba, Ji?"

Masayang tumango si Jia. Niyakap na lang sya ng Ate Bang at Ate Mela nya at giniya papunta sa mga tusok-tusok. "Tara na, Ji! Nagugutom na kami! Sunod na kayo mga kawal namin." Loko pa ni Bang.

*****

"Heh. Mukhang ang saya saya nung mga promdi ah." Singhal ni Roi habang pinapanood mula sa malayo ang mga probinsyanong kasama.

HauntedWhere stories live. Discover now