II. Fire

292 15 4
                                    

AN: So, sorry if the time's not appropriate. But this is the only time na magiging libre ko next few days busy ulit. So i finished this one. Short UD but this starts explaining what happened with Alister and Dennise. Listen to the song too. I simply love Kodaline and im actually planning on creating a separate story inspired by diff song. Mostly AD pero baka may maisingit rin na ibang fandoms... Since, welllllll 😆 anyway para mas dama nyo play the media. Not my top 1 kodaline song but it's appropriate for this... Who am i kidding i love all of their songs 🥴

_____________

It's been exactly five years since Dennise left Batangas to live and study in Manila.

Alister stopped what he's been doing. Tirik na tirik ang araw pero kailangan magbanat ng buto. Kung hindi, ano ang kakainin nila?

Gusto rin sana ng Itay nyang sumama sa bukid pero hindi na nya pinayagan. Parehong matanda na ang Inay at Itay nya. Kaya ang ginawa na lang nya ay nagpagawa ng meryende sa Inay na ihahatid mamaya ng Itay nya.

Naghubad sya ng salakot ng makatayo na sya sa lilim ng puno ng mangga. Hindi man ganoon kalaki ang sinasaka pero nakakapagod pa rin. Lalo kapag nag-iisa ka.

Ayaw na sanang maalala ni Ali ang tungkol kay Dennise, lalo't lalo sa araw na to pero hindi nya maiwasan...

Hindi nya maiwasan si Dennise.

Dahil lahat ng bagay ay sa kanya ang patungo.

Napadako ang tingin ni Ali sa nilulumot na bahagi ng puno ng mangga.

"A & D ∞"

Napahilamos ng mukha nya si Alister saka huminga ng malalim at lumapit lalo sa puno. Marahan nya itong hinipo.

I remember you and me
Back when we were seventeen
Drinking, kissing in the street
We couldn't get enough

Hindi maiwasan na sumagi sa isip nya ang nakaraan.

Mga bata pa lang sila noon, first year high school sya ng makita si Dennise. Advance si Dennise ng school year dahil ganoon daw talaga habang sya ay nagkaproblema sa mga requirements kaya muntikan pa hindi tanggapin sa public school.

Pero hindi nya makakalimutan noon.

Bumisita ang Don kaya naman lahat sila kinailangan na pumunta sa court. Doon nya unang nasilayan si Dennise.

Maganda ito. Maputi. Mahinhin. Parang hindi makabasag pinggan.

Napangisi ito dahil kabaliktaran ang yung makabasag ng pinggan.

Nang ipakilala sya nila Bang at Mela kay Dennise hindi nya maitago ang pagkamangha dahil para lang din itong katulad nila. Bihira syang makihalubilo sa ibang mga tao dahil nga sa naging tampulan na sya ng tukso mula pagkabata lalo na ng mga mayayaman pero ibang iba si Dennise.

HauntedWhere stories live. Discover now