"Ewan ko sayo Manolo" pag iwas ko sa kanyang tingin.

"Hay naku Maris. Hindi ka pa rin nakakamove on sa akin" pang aasar nito

"Hooooy grabe ka"

"Hahaha! Kinikilig ka oh"

Hindi na ako umiimik.

Ang awkward na marinig mo ang salitang "hindi ka pa nakakamove on" sa mismong ex-boyfriend mo. Gusto ko sya hampasin. Naku naman itong si Manolo. Nakakaasar talaga.

"Sorry" seryosong boses ni Manolo.

"O, bigla kang naging seryoso dyan?" medyo pagtataray kong tanong sa kanya.

At umiling lang si Manolo, senyas na wala lang iyun.

Ang awkward. Ang tahimik. Gusto kong tumayo sa pinagkakaupuan ko at umalis. Pero nakakahiya kay Manolo.

"Sa Manila ka daw mag-aaral?" tanong nito

Tumango lang ako.

Nagliwanag ang mukha ni Manolo. Pati mata nya ngumiti sa pag-oo ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Atleast hindi ako malalayo sayo" sambit nito.

Ang saya ng mukha ni manolo, di mo na makikita mga puti sa mata nya. Susko lalo akong na awkward sa sinabi ni Manolo sa akin.

"Tigilan mo nga ako Manolo"

Biglang humalakhak ng malakas si Manolo. "kinilig ka no?"

"Graaaabe! Nakakainis ka!" sabay hampas sa braso nya.

"Hoy Manolo! Gusto mong masapak?" pagbabanta ni Loisa.

Buti nalang dumating si Loisa para irescue ako sa kahihiyan.

"Ito namang si Loisa, nagbibiro lang eh" sabay taas ng dalawang kamay, senyales na surrender na sya sa pang -aasar.

"Pwes, di ka nakakatawa!" pagtataray ng aking bestfriend.

"Tama na yan Loisa, alis na lang tayo" pagyaya ko kay Loisa at sabay belat kay Manolo.

*****

Habang naghihintay si Loisa ng pagkakataon nyang magpractice. Nagkukwentuhan kami at nagjajamming sa isang sulok ng auditorium.

"Oh Maris" inabutan ako ng Loisa ng chocolates.

"Thank you." Sabay kuha sa chocolate na bigya ni Loisa. "Huy, Loisa. Hinay hinay sa chocolates. Yung boses mo" paalala ko sa kanya.

"Sus. Okay lang yan"

Mga simpleng moments tulad nito yung makakasepanx. Pag iniisip ko yung ganitong bonding with Loisa yung pwedeng mawala pag nasa Manila na kami. Lalo na at paniguradong hindi ko sya magiging kaklase sa kolehiyo dahil magkaiba kami ng kursong kinuha.

"Loisa, paano kaya kung Communication nalang din kunin ko sa college?" tanong ko kay Loisa.

"Weh? Eh di ba gusto ng mama mo mag pre-med?" habang ngumangata ng chokolate.

Napangisi ako ng nakita ko ang ngipin ni Loisa na puno ng chokolate "Huy, ayusin mo nga yang ngipin mo" sabay abot ng salamin para makita nya ang kanyang itsura. "Uhmm, naisip ko lang, atleast pag parehas tayo ng kurso hindi mag-aalala si mama sa akin kasi kasama pa rin kita, di ba?" sagot ko kay Loisa.

"Alam mo, okay na okay sa akin yang plano mo." Sabay yakap sa akin ni Loisa.

Clingy na kung iisipin. Pero mula bata palang ako kasama ko na si Loisa eh. Malaking bahagi na sya ng buhay ko at hindi ko pa naranasang malayo kay Loisa. At ayokong isipin na mapapalayo sa akin si Loisa. Kapatid na ang turing ko dito at alam ko ding ganun din si Loisa sa akin.

******

Last day ng rehearsal. Maaga kaming pumasok ni Loisa para sya ang unang matutukan sa kanyang practice. Excited na din kami dahil after ng rehearsal nya ay mag paparlor bonding kami.

Habang nagrerehearse si Loisa. Napansin ni Sir Daniel na medyo nahihirapan syang abutin ang nota. Medyo nabahala ako dahil graduation day na bukas.

"Sir Daniel, break muna" request ni Loisa.

Inabutan ko agad si Loisa ng tubig.

"Loisa, pahinga mo muna boses mo" payo ni Sir Daniel. Tumango si Loisa.

"okay ka lang?" alinlangang pagtatanong ko kay Loisa. Naku, ayoko namang isipin nyang nababahala ako sa huling rehearsal nya.

"Napadami ata yung chocolate na kinain ko kahapon. Ang sakit ng lalamunan ko" badtrip na sagot ni Loisa.

"ibili kita ng salabat?"

"Hindi. Hindi."

Natahimik kaming dalawa. Para bang naghahanap kami ng solusyon sa problema ni Loisa. Alam ko, iniisip ni Loisa na mapapahiya sya bukas pag pinilit nyang kumanta. Pero mapapahiya din sya pag bigla syang magback out. At hindi na din sya pwede mag backout dahil bukas na ang graduation.

"Maris" malalim na pagtawag nito. "favor?"

Kinabahan ako kay Loisa. Hindi naman kasi sya madalas humingi ng pabor.

"Uhmm. Basta kaya ko?" alilangan na pagsagot ko kay Loisa. Huminga ng malalim si Loisa, na tila ba nag ipon ng lakas ng loob para sabihin ang kanyang request.

"Jamming tayo sa pagkanta ng Graduation song"

Nablangko ang utak ko. hindi nagregister sa utak ko yung sinabi ni Loisa.

"Ano ulit?" tanong ko dito.

"Duet tayo bukas" mahinang sinabi ni Loisa "baka kasi... alam mo na"

"Uhmmm" tumango na lang ako.

"Itanong mo kay sir Daniel, okay?" sabi nito.

"Wag mo sasabihing ako nagrequest"

Tumango ulit ako.

Alam ko na ang gusto ni Loisa. Alam ko na bakit nya nirequest yun. Hindi na kailangan ng paliwanag. Naunawaan ko na sya.

Into The BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon