CHAPTER 1 ~ Folder ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Katulad nitong si Triton.

Tumaas ang sulok ng labi ko ng makita ko na namutla siya. Tumakbo siya papunta sa office table niya at may pinindot doon. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na ang malakas na tugtog.

Lumapit ako ulit sa glass door at may pinindot ako na code. Itinulak ko iyon at tuluyan na akong nakapasok sa office ni Triton.

"Ano na namang trip mo?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"Ang mapansin mo ako?"

"Right." inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagkalat ang mga papel at mga kung ano-anong balat ng mga junk foods. May mga basyo din ng alak. Tinignan ko ang paa ko at halos mapunit ang mga mata ko sa sobrang paniningkit ng makita ko kung ano ang sumabit sa takong ko. "Damn it Lawrence!"

"Ano na naman po sweetheart?!"

"Wag na wag mo akong tatawaging sweetheart! Kadiri ka!"

Tumungo ako at kinuha ko ang panty na nakakalat. Malamang galing to sa kahon niya ng koleksyon. Nandidiri na tinignan ko iyon at pagkatapos ay itinapon ko kay Triton na sinalo naman iyon agad. "Uy! Salamat! Matagal ko na tong hinahanap ah."

"Kadiri ka!"

"Nilaban ko na 'to!" nakangusong reklamo niya.

"Manyak!"

"Grabe ka naman sweetheart. Hindi pa naman kita minamanyak ah!"

Kung mahina lang ang kapit ng utak ko baka malamang sa hindi ay nakaconfine na ako ngayon sa mental hospital.This is too much. Wala akong panahon sa ganitong bagay. "We need to fucking work, Triton! Kailangan nating pabagsakin ang Claw. Nakalimutan mo na ba? Kailangan natin silang pagbayarin sa ginawa nila sa pinsan ko!"

Napahinto siya at nawala ang ngiti sa mga labi niya. Umupo siya sa gilid ng lamesa niya. "I know, Dawn. I was there."

Pakiramdam ko kahapon lang lahat ng mga nangyari. Kung paanong hindi namin nagawang iligtas ang pinsan ko...ang isa sa amin. We failed to protect her and because of that failure, we lost her. Storm Reynolds was one of the Elites agent of BHO CAMP. Isa rin siya sa pinakamahusay. We're all used to being on top that we didn't have the chance to prepare when Claw came into all our lives.

Isa ang Claw sa pinakamatinik na sindikato sa Pilipinas. Pero dahil sanay kami sa mga ganitong klase ng grupo na makaharap ay masyado kaming naging kampante. After all, BHO CAMP managed to destroy BEND. The largest syndicate group in the country. Iyon pala maling mali kami. Dahil iba ang Claw. Pinaghandaan nila ang pagkakataon na makakaharap kami. Because everything we worked hard to build were shattered into pieces because of them.

They can infiltrate or system and they can defend themselves from our devices. Isang bagay na naging dahilan kung bakit nagawa nilang hulihin si Storm nang kunin niya ang misyon tungkol sa mga Claw. They detained her, tortured her...and violated her.

Nagawang makabalik ni Storm but she's so different. Marami na ang nabago. Kahit gano'n pa man ay wala kaming balak na basta na lang siya bitiwan. We all have her back. Pero siya ang bumitaw. Hindi namin siya nagawang tulungan na makabangon ulit.

Muli siyang nawala sa amin at sa pagkakataon na ito ay permanente na ang pagkawala niya sa mga buhay namin. We all saw it. In front of our every eyes...we lost her.

"Stop this stupidity, Triton." I said in a quiet voice. Barely hiding the pain in there.

"You barely slept, you barely eat, your eyes don't have a life. Anong gusto mong gawin ko Dawn? Magpaka-zombie din na katulad mo? I need to be alert if we're doing this. I need my whole self if we will gonna bring down Claw."

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon