Para akong nabunutan ng tinik ng makitang tulog parin---- teka? Kung tulog sya, bakit nya tinawag ang pangalan ko? Napapanaginipan nya ba ako?

Nakita ko nalang ang sarili kong nakangiti dahil sa naisip ko. Damn, para akong tanga!

"Goodnight Erikha." sabi ko bago nakangiting lumabas ng kwarto nya. Bakit ba hindi mawala wala ang ngiti ko!






*************************
ERIKHA'S POV

"Sorry, alam kong nagalit ka sa tanong ko. Masyado akong naging insensitive pero don't worry, hindi na mauulit." walang emosyong sabi ko bago pumasok sa kwarto ko

Saktong pag sara ng pinto ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kahit anong punas ko ay hindi sila tumitigil, parang gripong tuloy tuloy sa pagdaloy ang mga luha ko. Napa upo ako sahig at hinayaan ko nalang na umiyak ako ng umiyak

Parang may kung ano nakatusok ngayon sa puso ko dahil sa sobrang sakit. Parang nakakasikip ng dibdib sa sobrang sakit

Kalahating oras rin siguro akong umiyak bago ako tumigil. Tumayo ako at nag shower muna para mahimasmasan, for sure maga ang mata ko nito bukas.

Pagkatapos kong mag shower ay nag palit na ako tsaka umupo sa study table ko. Wala akong ganang mag aral ngayon pero hindi ko alam kung bakit dito ako na upo kaysa sa kama ko, wala rin naman kaming assignment ngayon, mabuti yun dahil wala talaga akong ganang mag aral. Ang gusto ko lang ngayon ay tumulala at mag isip.

Mukang hindi ako pwedeng mag artista hahahahaha. Hindi na ako magpapakabobo, alam ko kung ano ang tinutukoy nila kanina, nagkukunwari lang akong hindi ko alam.

Parang nananadya naman ang utak ko dahil paulit ulit kong naaalala ang nangyari kanina.

"Pwede bang kumain ka nalang dyan! Lagi ka nalang madaldal! Hindi mo ba kayang itahimik ang bibig mo? Hindi mo trabaho ang mag tanong ng magtanong kaya pwede ba gawin mo ang trabaho mo!"

"Totoo ba talaga ang balita rhacks? Girlfriend mo ba talaga yung babaeng kasama mo?"

"No. She's not my girlfriend."

"Pwede bang kumain ka nalang dyan! Lagi ka nalang madaldal! Hindi mo ba kayang itahimik ang bibig mo? Hindi mo trabaho ang mag tanong ng magtanong kaya pwede ba gawin mo ang trabaho mo!"

"No. She's not my girlfriend."

"Pwede bang kumain ka nalang dyan! Lagi ka nalang madaldal! Hindi mo ba kayang itahimik ang bibig mo? Hindi mo trabaho ang mag tanong ng magtanong kaya pwede ba gawin mo ang trabaho mo!"

"No. She's not my girlfriend."

"Argh!" inis kong ginulo ang buhok ko at inuntog untog ang ulo ko sa table.

Oo na, sige na, umasa na ako. Umasa akong may feelings sya sakin kahit konti, yun pala wala naman. Hindi naman ako umasa ng sobra, konti lang naman eh, mga 30% siguro.

Siguro nga gusto ko na sya, ay hindi pala siguro, gusto ko na talaga sya! Baka nga mahal ko na eh, hindi naman ako iiyak ng ganito kung hindi diba?

Ang tanga tanga ko no? Umaasa sa wala, umaasa sa taong may gustong iba. Feel nyo ba ako? Umasa ka na rin ba kayo sa taong iba ang gusto? Kung oo, tara inom tayo!

Sa sobrang pag iisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala. Nakatulog ako habang umiiyak






---------

Bakit ako nandito? Nasa dalampasigan lang naman ako, paano ba ako napunta dito?

Umihip ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko, ang lamig pakshet. Kitang kita ko ang buwan mula dito sa kinatatayuan ko, bilog pala ang buwan ngayon?

"Bakit nandito ka?" napatingin ako sa nag salita. Kailan pa sya napunta dito?

Magsasalita palang sana ako ng mag salita ulit sya

"I'm so sorry, hindi ako ang para sayo dahil may iba na akong gusto. Sana mahanap mo rin ang para sayo. Sorry ulit." sasagot na sana ako ng may mag salita na naman. Yung totoo? Bakit ayaw nila akong pagsalitain

"Rhacks!" napalingon kami sa babaeng tumatakbo papunta kay rhacks. Halos yupiin nya na si rhacks sa sobrang higpit ng yakap nya dito. Teka? Sino ba sya?

"Leah..." napaatras ako ng marinig ko ang pangalang binanggit ni rhacks. Parang salaming unti unting nabasag ang puso ko ng makita kong yumakap sya pabalik kay... leah

"Tara na?" umalis na silang dalawa at hindi man lang nagpaalam sakin. Ano nakalimutan na nila ako, ganun?

Ang nagawa ko nalang ay tanawin sila habang magka holding hands

"Rhacks." mahinang bulong ko





☆☆☆

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now