Chapter 42: Cry

381 29 1
                                    

RHACKS POV






"May iniisip lang ako pero hindi na mauulit, mas iisipin ko na ang trabaho ko sa susunod. Sorry." nagulat ako sa sinabi nya at hindi pa man ako nakakabawi ng mag salita na naman sya.

"Kukunin ko na ang gamit mo." umalis sya sa harapan ko pagkasabi nun. Galit ba sya? Hindi ko naman sinasadya yung nasabi ko kaninang umaga.

"Kilala mo ba si leah?" hindi ko sya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Saan nya naman nakilala si leah? Tsk.

"Kilala mo ba?" tanong nya ulit pero katulad kanina ay hindi ko sinagot. Nagtanong pa ulit sya ng isang beses bago ko sya tingnan.

"Pwede bang kumain ka nalang dyan! Lagi ka nalang madaldal! Hindi mo ba kayang itahimik ang bibig mo? Hindi mo trabaho ang mag tanong ng magtanong kaya pwede ba gawin mo ang trabaho mo!" saglit akong tumitig sa kanya bago ako natauhan. Damn, bakit ko sya sinigawan?!

Hindi rin sya nakapagsalita agad dahil nagulat rin sya sa ginawa ko.

"Tsk!" padabog akong umalis ng dining area dahil sa inis pero hindi ako sa kanya naiinis, kundi sa sarili ko. Tangina bakit ko sya sinigawan!

Inis kong sinabunutan ang sarili ko at kulang nalang ay iuntog ko na ang sarili ko sa pader. Nskaka- frustrate!

Sobrang tahimik ng byahe namin papauwi sa bahay, sa sobrang tahimik nakakailang na. Ilang beses ko ng gustong mag salita pero ibubuka ko palang ang bibig ko ay umaatras na ako. Sa huli nanahimik nalang ako.

Sa taas na agad kami dumiretso oag uwi namin. Papasok na sana ko sa kwarto ko ng mag salita sya kaya lumingon ako sa kanya.

"Gusto mo bang kumain?" tanong nya sakin.

"Hindi na." papasok na sana ulit ako sa kwarto ko ng mag salita na naman sya

"Sorry, alam kong nagalit ka sa tanong ko. Masyado akong naging insensitive pero don't worry, hindi na mauulit." sasabihin ko sanang hindi ako nagagalit sa kanya pero pumasok na sya sa kwarto nya.

"Fvck!" ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

Padabog akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama. Inuntog untog ko ang ulo ko sa unan dahil sa sobrang inis, bakit ba hindi ako makapag salita? Fvcking fvck!

Nag cold shower muna ako para marelax pagkatapos ay nag bihis tsaka ulit ako humiga sa kama ko.

Nakailang ikot na siguro ako sa kama ko pero hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Nang tingnan ko kung anong oras na ay mag aalas dose na pala. Lumabas ako ng kwarto ko para uminom ng tubig pero imbis na sa kusina ay sa kwarto ni erikha ako dinala ng mga paa ko.

Sa study table na naman sya nakatulog, katulad ng dati. Pa-bridal style ko syang binuhat at maingat na inihiga sa kama nya. Ilang minuto ko muna syang tinitigan bago ko napag pasyahang bumalik na sa kwarto ko. Kasabay ng pagtalikod ko ang pag tawag nya sa pangalan ko

"Rhacks." para akong na statwa ng tawagin nya ang pangalan ko. Shit, nagising ba sya?

Isang minuto siguro akong nakatalikod lang bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumingon sa kanya.

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now