KABANATA 14

47.1K 1K 38
                                    

❗spg ❗🔞

KABANATA 14

"Hindi pa naman biyernes santo pero bakit ang mukha ng isa d'yan ay parang gano'n na?"

Napahinga ako ng malalim sa pagpaparinig nila Teri. Sinuot ko ang cap ng uniform ko sa trabaho habang nakaupo at hindi ko namalayan na natulala ako.

"May problema ba, Juliet?" tanong ni Mylene na nagmemeryenda.

Umiling ako kahit na meron naman talaga akong problema na sa tingin ko ay hindi ko na dapat pang problemahin.

Mula ng gabing nagkaroon ng malaking gulo sa pagitan ko, ni Lincoln, at syempre ni Greyson. Mula noon ay hindi ko na nakikita si Greyson.

Umuwi ako sa mansyon, pero sabi ni Ma'am Maqi ay hindi daw doon matutulog si Greyson. Dapat nga masaya ako at hindi ako ginugulo ni Greyson, pero meron sa loob ko na hindi mapakali at nais ko na mag-explain na hindi ko alam kung dapat pa ba?

Lumipas ang Enero kung saan ay doon ako simulang bullyhin muli nila Sophie. Tapos Pebrero nung magkaroon ng Anual Party kung saan ay gabi para sa mga graduate. At Marso at Abril, grumaduate ako ngunit sa mga buwang iyon ay hindi ko pa rin nakikita si Greyson.

Nalaman ko lang na sabihin sa akin ni Ma'am Maqi na sinama ni Sir Gab si Greyson sa ibang bansa upang harapin ang mga business partner at stock holder na nasa ibang bansa nakatira.

Hindi na nga rin sumama sa marcha si Greyson dahil tapos na pala ito sa major niya at ang company na ang haharapin niya.

Inaamin ko na nakaka-miss din pala ang Demonyong iyon. Tuwing matutulog ako ay pinaglalaruan ko ang remote ng pader para ibukas sara na para bang lilitaw si Greyson kapag ginawa ko iyon. Akala ko nga nung natutulog ako ay nakauwi na siya dahil naalimpungatan ako na bumukas ang pader, pero nahigaan ko lang pala ang remote kaya bumukas.

"Kung nag-e-emote ka dahil tatlong araw ka na lang rito, 'wag ka ng malungkot. Mabuti ka pa nga at nakatapos na ng pag-aaral at makakasahod ka ng malaki sa larangan na kukunin mo. Malaki na rin ang sahod ng public teacher noh."

Ngumiti ako kay Paula na dalawang burger ang nilalantakan. Bawal sa kanya ang diet, sabi niya.

"Syempre, mamimiss ko pa rin kayo." sabi ko kaya nagkatinginan sila kaya nagtaka ako.

"Talaga? Mami-miss mo kami?"

Tumango ako at nagtataka na tinignan sila. Parang iisa lang ang nasa isip nila sa klase ng tinginan nila.

"Edi, palagi ka na lang dumalaw rito at magdala ka ng meryenda namin. Sawang-sawa na ako sa burger."

Natawa ako sa sinabi ni Paula. Talagang may pahabol pa siya.

"Sawang-sawa ka na sa lagay na iyan, ha, Paula? Kulang na lang gawin mong apat 'yan para ma-solve ka."

Napailing si Mylene at tumingin sa akin. Napahinga siya ng malalim at tumayo bago lumapit sa akin.

"Kapag may time ka ay puntahan mo kami. Saka 'wag mo kaming kakalimutan na...,"

"Na?" tanong ko dahil binitin pa niya.

"Na ilibre kami."

Hinampas ko siya sa braso kaya tawang-tawa ang lukaret. Kahit kailan mga walang pinagbago. Sabagay, kapag manlilibre ay palagi ako ang nililibre nila dahil mas kapos ako sa buhay. Pero ngayon na naka-graduate na ako at hinihintay ko na lang ang result ng board exam ko ay siguradong magbabago na ang buhay ko.

Excited na akong magturo sa mga bata sa Angel's foundation.

"Guys, may blind item ako.."

Napatingin kami kay Teri na si Ms. Blind Item. Naupo kami ni Mylene at tinignan siya.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon