KABANATA 6

42.5K 1K 41
                                    

KABANATA 6

Napahaplos ako sa madulas na pantulog na kulay kahel na hanggang tuhod ko ang pinakasaya nito. Para akong naging mayaman sa itsura ko. Kahit sa pantulog ni Cienti ay mamahalin na tila ang sinasahod ko ay barya lang para sa pantulog na ito.

Napahinga ako ng malalim habang nakaupo sa napakalambot na higaan. Sobrang laki para sa iisang tao. Kasya siguro ang tatlo o apat na tao sa laki. Tapos may parang pinakabubong pa at may kurtinang puti sa bawat haligi ng tukod na kumokonekta sa higaan at pinakabubong ng higaang gawa sa kahoy.

I feel like I'm a princess. I dream this, but not to this situation. Parang tinanggap ko na rin na payag ako na maging nobya ni Greyson kung mananatili ako rito. Hindi ko pa naman alam kung saang lugar ba ito sa pampanga, hindi ko kasi pinansin ang daan dahil sa kabang nararamdaman ko habang kasama ko si Demonyo sa sasakyan.

Nahiga ako at tuwid na tuwid ang pagkakahiga ko dahil parang nakakahinayang na gusutin ang tuwid na tuwid na higaang ito.

Napatingin ako sa pader at nanlaki ang mata ko na unti-unti iyong bumukas kaya agad akong nagkumot at nagtalukbong. Pumikit ako at pigil na pigil ang hininga ko.

God. Hindi ako safe sa bahay na ito. Kung ang siraulong demonyong ito ay nakakonekta sa kinaroroon ko. Basta-basta na lang pinipindot ang pader ng wala man lang pahintulot sa akin. Paano na lang kung nagbibihis ako? Shocks! Nais ko ng lumubog.

Narinig ko ang magaang 'yang hakbang at napalunok ako ng hawiin nito ang kumot ko.

"Are you sleeping yet?"

Obvious ba, Demonyo? Natutulog na ako kaya tsupi na! Please, 'wag mo akong gagapangin, kundi lalaban talaga ako.

Lalong nagpigil ako ng hininga at nanigas sa kinahihigan ko. Naramdaman ko ang paglundo ng higaan ko at ang pagdikit ng katawan niya sa akin. Napadilat ako ng tuluyan ng hilahin niya ako pahiga na nakatagilid at nakaharap sa kanya.

Sumalubong sa akin ang seryoso niyang tingin, hindi gaya ng inaasahan kong nakakaloko at nakangisi niyang labi.

"Hindi mo na kailangan na magpanggap na tulog para lang iwasan ako." aniya.

Humawak siya sa baywang ko habang nakaunan sa ulo niya ang isang braso habang nakatagilid din siya ng higa habang nakatitig sa akin. Nasisilaw ako sa nakalitaw niyang dibdib, dahil lumuwag ang pagkakatakip ng itim na may halong abo niyang roba. Napakaputi ng dibdib niya at malaki ang dibdib dahil sa masel.

Hindi ako makatingin kaya babangon sana ako pero hinapit pa niya ako palapit sa kanya kaya napasinghap ako at napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang maliit niyang nunal sa baba ng mata niya sa dulo ng kanan niyang mata.

"I want to sleep beside you." bulong niya at pumikit na siya habang nagka-gano'n ang ayos niya. Napatitig ako sa mukha niya. Kapag pala natutulog ay ang amo ng mukha niya at ang ganda pa lalo ng feature ng mukha niya. Parang babae na lalake, gano'n.

Nais kong bumangon ngunit masyadong mahigpit ang pagkakapulupot ng isang braso niya sa baywang ko. Hindi ako makagalaw at hindi din ako makatulog kung siya ang katabi ko. Amoy na amoy ng ilong ko ang bagong ligo niyang katawan na mabango at panlalake ang ginamit na pabangon na nanunuot sa ilong ko.

Hinintay ko na makatulog siya ng tuluyan, pero tila hindi ko na rin mahihintay iyon dahil pumipikit pikit na rin ang mga mata ko.

Napasinghot ako habang bangong bango ako sa unan kong matigas. Napangiti ako at niyakap ito pero napadilat ako ng may napagtanto ako. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Greyson. Halos umakyat ang dugo sa ulo ko ng makita ang sarili ko na nakahiga padapa sa katawan niya habang ang mga binti ko ay na nasa pagitan ng hita niya.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ