SIMULA

77.1K 1.6K 50
                                    

SIMULA

Nagpunas ako ng pawis bago nanlalata na naupo at sumandal sa locker. Hinubad ko ang gloves sa kamay ko at kita ko ang hirap na hirap kong mga kamay. Kinuha ko ang band aid sa bulsa ng pantalon ko at kinagat ko ang dulo nito para buksan ang balot. Nilapat ko sa sugat ko ang band aid at napahinga ako ng malalim habang hinahaplos ang parteng may band aid.

Ilang sugat pa kaya ang lalapat sa kamay ko bago ako makaahon sa paghihirap kong 'to?

Umiling iling ako at nagawang ngumiti upang palakasin ang loob ko. Konting-tiis na lang at kapag nakapagtapos na ako sa kursong education ay makakaalis na rin ako rito. Hindi ko rin siguro mararanasan muli na masugatan ang mga kamay ko dahil sa paglilinis ko. Imagine, buong building na ito ang nililinis ko, syempre, may mga kasama ako pero dahil hindi pa rin sapat iyon dahil napakalaki ng building na ito. Maging ang napakalaking salamin ng building ay pinupunasan ko kahit pa takot na takot ako sa mataas. Pero kinaya ko, kung gusto kong kumita para na rin pandagdag sa baon ko at ibang pangangailangan ko.

"Ingat sa pag-uwi, Juliet!"

Ngumiti at kumaway ako sa mga co-workers ko na sila Mylene. Iba ang destinasyon ng daan ng bahay nila sa uuwian ko, kaya palaging mag-isa akong umuuwi. Kahit pagod na ay kailangan ko pa ring lakarin ang malayong daan para makarating lamang sa apartment kung saan ako nakatira. Mag-isa na lamang ako sa buhay, dahil wala na akong magulang, wala rin naman akong kapatid. Kaya kahit bata pa ay batak na ako sa trabaho para makapag-aral ako ng high school hanggang kolehiyo. Mabuti na lamang at scholar ako sa kolehiyo.

Marami pa akong nadadaan na bukas na mga establisyamento at naparaan ako sa isang fast food chain. Napahinto ako at napalunok ng biglang kumalam na ang sikmura ko habang tinitignan ang masarap na pagkain na kinakain ng mga taong nasa loob ng fast food chain. Nakakainggit ang mga taong kayang bumili ng kanilang pagkain sa mamahaling kainan. Ni minsan ay hindi pa ako nakakapasok d'yan. Kahit fastfood pa 'yan.

"Oh, Juliet!"

Ngumiti ako kay Aling Rose na may-ari ng isang karinderya. Dito, dito lamang ang palagi kong pinupuntahan para kumain. Hanggang dito lang ang kaya ng budget ko.

"Aling Rose, alam niyo na."

Naupo ako sa isang bangkong upuan habang ang lamesa ay mahaba at may balot ng linoleum. Kaharap ko ang television kaya nakinood muna ako habang hinihintay ang niluluto ni Aling Rose na order ko.

"Ang tagapagmana ng Esteban Empire Group ay namataan na nanggugulo sa isang bar. Usap-usap ay dahil napikon lamang si Greyson Martin Esteban kaya niya binugbog ang ilang kalalakihan na ngayon ay sinugod sa hospital at agaw-buhay." Balita sa t.v.

"Talaga nga naman, ang mga pinagpalang mayayamang kabataan ay sinasayang lang ang pera sa mga walang kwentang bagay." komento ni Aling Rose at nilapag ang kanin maging ang ulam na paborito ko sa lahat. Giniling na may itlog pugo.

"'Di ba, doon ka nag-aaral sa Esteban University, Juliet?"

Tumango ako kay Mang Rey na nagpupunas ng lamesang iniwan ng kakaalis lang na costumer. Asawa ni Aling Rose si Mang Rey na parehong mabubuti sa akin kaya dahil sa kagandahang asal nila ay hindi ako kailanman kumakain sa ibang karinderya dahil gusto ko sa kanila napupunta ang binabayad ko.

"Opo."

Pinagdaop palad ko ang aking mga kamay at saglit na nanalangin bago simulan na kainin ang pagkaing nakalapag sa aking harapan.

"Edi nakikita mo ang tagapagmana ng Esteban Empire?" kuryosidad na pagtatanong ni Mang Rey.

"Hindi po.." tugon ko kahit punong puno pa ang bibig ko ng kinakain ko.

The Male Ruler Woman (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon