Short Story

2.7K 55 2
                                    

Ayoko sana umalis sa lugar kung saan ako lumaki, ayoko iwan ang school ko, ang mga malalalapit kong pinsan at lalong lalo na ang best friend ko na si Liam.

Best friend ko na si Liam simula nung elementary palang kami. Naaalala ko pa nga ang unang araw naming magkakilala. First day of school yun at grade 2 na ako, classmate ko sya. Nasagi ko ang lapis ko na nasa mesa ko dahil may hinahanap ako sa bag ko, agad ko namang pinulot yun, kaso hindi ko nakita na inaabot rin pala ni Liam ang lapis ko kaya nagka untugan kami. Simula ng araw na yun naging close na kami, nag she-share nag pagkain pag break time, kwentuhan, tawanan, at pag tagal naging mag best friend. Lagi kaming nakatambay sa bahay ng isa't-isa. Para na nga raw kaming magkapatid, kapatid na pwede mong sandalan pag may problema ka, laging nandyn para sakin, a brother who loved me for me, at least as a sister. Ang di nya alam higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya, una palang naming magkakilala nagkagusto na ako sa kanya, yun din tuloy ang nagpapalungkot sakin dahil alam ko parang kapatid na ang turing nya sakin.

Grade six, kahit na ayaw ko may magbabago. Kailangan naming lumipat. Lumipat malayo sa kanya, parang bagong mundo ang papasukin ko. Ang malamin kong nararamdaman para sa kanya ay nandito parin, ayoko sya iwanan. Napagkasunduan naming magtawagan kahit dalawang beses manlang sa isang linggo, mag palitan ng emails pag may oras kami para lang updated kami sa isat-isa. Kaya lang magiging iba na ang lahat, hindi na katulad ng dati, di na kami magkikita sa personal, di na namin magagawa ang mga bagay na magkasama. We couldn't be there for each other, all the time anymore. Nandito sya sa pilipinas at ako sa U.S. Nakapag decide akong mag confess. Bukas.

Araw ng pag alis namin pero di ko sya mahanap. Sinubukan kung tawagan sya sa cell phone nya pero di sya sumasagot. Sobra akong nag-aalala at nalulungkot na baka nakalimutan nya ang araw ng flight namin. Umalis akong bigo at inisip nalang na may maganda syang excuse kung bakit di nya ako sinipot.

Isang taon na ang nakalipas wala manlang syang paramdam sa akin. Tina-try kong tawagan ang phone nila sa bahay paminsan-minsan pero ang sasabihin lang ng mama nya ay, "Ay! wala sya dito, sasabihin ko nalang na tumawag ka!" tapos ako malulungkot nanaman. Minsan iniisip ko na iniiwasan nya ang mga tawag ko. Pero bakit naman?

3rd year high school na ako. Tuluyan na akong nawalan ng balita sa kanya, sinubukan kong sabihin sa sarili ko na, "Okay lang yan Zoey, baka sobrang busy lang ng tao.". Kahit ganun marami parin akong naiisip. Pano kung di naman sya busy? pano kung nakalimutan na nya ako? Pano kung may girlfriend na sya kaya sobrang busy nya para kausapin ako or kahit manlang kamustahin ako? Marami akong PANO KUNG. Sumubok parin akong mag email sa kanya pero wala talagang reply. Pano kung lahat ng PANO KUNG ko maging totoo? Edi siguro kailangan ko nalang maging masaya, masaya dahil sa masaya sya. Pero bat di nya sinabi sakin?

Dalawang taon nanaman ang nakalipas at wala paring Liam. Sinubukan kong kalimutan sya. Sinubukan ko pero di ko nagawa. Hindi ko kayang kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya.

Isang linggo ang nakalipas, nakatanggap ako ng sulat na galing sa Adrress nila, dahil sa feeling ko sa kanya galing yun dali-dali kong binuksan yun. Sa sobra kong excited na basahin ang sulat nya nilagpasan ko pa ang ibang part dahil akala ko di yun importante. Kaya lang importante pala yun. Nakalagay sa sulat na may sakit si Liam at nasa coma ito. Gulat na gulat ako na napatakbo nalang ako sa parents ko para ibalita sa kanila at nakiusap na kung pwede nila akong bilhan ng ticket para makita sya. Di naman sila nagdalawang isip na payagan ako, kinunan nila ako ng pinaka latest flight pabalik ng pinas.

Dumiretso na ako sa ospital. Sobra akong nag-aalala na makita sya, baka ang lala na kasi ng kalagayan nya. Nang makapasok ako sa kwarto nya ang lakas ng kabog ng dibdib ko na kahit ako naririnig na yun.Nakita ko syang nakahiga at puno ng benda ang katawan. I felt sorry for him. All this time sinisisi ko sya dahil sa di pagpansin sakin samantalang nandito sya at nakaratay. Nakausap ko ang mama nya at nakwento nya ang nangyari kay Liam. Sa palagay raw nila tumatawid si Liam habang nagsusulat sa isang notebook kaya nabangga sya ng truck. At ang notebook na yun ay para sa akin, wala namang nakalagay na title, blangko pa ang cover. Binuksan ko yun at sinimulang basahin ang unag page.

Nakita ko ang date at agad naisip na. "Ito ang araw ng pag alis namin."

Aalis na ngayon sila Zoey, masyado akong malungkot para makita syang umalis. Kaya di ako pumunta. Pero sinubukan kong pumunta naisip kong kailangan ko ng ipaalam sa kanya na mahal ko sya bago sya umalis pero nahuli na ako. Mamimiss ko sya ng sobra. Lahat ng masasayang araw na magkasama kami, di ko yun makakalimutan. Sana pwede akong sumama sa kanya. Mahal na mahal ko sya.

Nagsimulang tumulo ang luha ko. I admired him. Gumawa sya ng diary para sakin simula ng araw na umalis ako. At ang mas kinalungkot ko ay dahil sa mahal nya rin pala ako. Nilipat ko ang pages at binasa ang huling page na sinulat nya.

Di na ako makapag hintay na makita ni Zoey ang ginawa ko para sa kanya. umaasa akong magugustuhan nya ito. Sobrang miss ko lang sya. Sana nandito sya ngayon, yakap ko at sana di na sya malayo-

Dun na naputol ang ang sulat nya. Di ko magawang maisip kung pano nangyari ang aksidenteng yun. Sinulyapan ko sya na naging dahilan ng pag tulo ulit ng luha ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Sa mga oras na yun hiniling ko na sana di nalang ako umalis para nasa tabi nya ako sa lahat ng panahong yun. Kumirot ang puso ko. Nilipat ko ulit sa ibang page pero wala ng nakasulat. Isasara ko na sana ang notebook nang may nalaglag na sulat.

Dear Zoey,

Kung tapos ka ng basahin ang diary ko gusto ko sanang ikaw naman ang magpuno sa kalahating page na natitira. Miss na miss na kita, Zoey. Sorry kung lagi kong di nasasagot ang mga tawag mo sobrang busy ko lang sa trabaho. Oo, Nagtatrabaho na ako dahil gusto kong pumunta dyn at surprisahin ka, at baka pwede ko na rin dyn tapusin ang pag-aaral ko. Hindi na ako makapag hintay na makita ka. Sorry din kung inabot ako ng ilang taon para maipadala to sayo, hindi ko kasi alam ang address mo dyn at kailangan ko pa hanapin ang mga kamag anak nyo para malaman ang address mo, tungkol naman sa email mo sinubukan kong sumagot pero sira na ata ang computer namin, balak kung ipaayos yun pag may oras ako para ma email kita minsan. Im really sorry kung naisip mong wala na akong pakialam sayo, hindi yun totoo ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Minahal na kita sa unang araw palang nating magkakilala, natakot lang ako na masira ang pagkakaibigan natin pag sinabi ko sayo dahil sa palagay ko parang kapatid lang ang tingin mo sakin. Mahal kita Zoey, mahal kita ng buong puso ko at kaya kong iwanan ang lahat para lang makasama ka.

Nagmamahal,
Liam

Pagkatapos kung mabasa ang sulat nya. Nakarinig ako ng beep galing sa makinang nasa tabi nya. Kinabahan ako. Nahulog ko ang notebook at mabilis na tumakbo sa labas para tawagin ang mga nurse.

"Nandito lang ako Liam, stay with me... wag mo akong iwan. Di ako makakapayag na iwanan mo ako. Please. Mahal kita." iyak lang ako ng iyak. Nanginginig ako. Ayoko pa sya mamatay. Di nya ako pwedeng iwanan. Gusto kong nandito lang sya sa tabi ko na kinocomfort ako at sabihin nyang hindi ito totoo.

Pero ito ang totoo. Patay na sya at nandito ako nabubuhay na araw araw binabasa ang diary nya. Sinunod ko rin ang sinabi nya, nagsusulat ako sa mga naiwan na blangkong pahina. Bumili pa nga ako ng bagong notebook dahil naubos ko na lahat ng page sa kakasulat ng kung ano-ano at di sya mawala sa bawat pahinang yun. Habang buhay ko na syang di makakalimutan. Kung pano sya naging mabuting kaibigan. Kung pano nya ako tinulungan malagpasan ang masasamang araw. Kung pano nya ako minahal ng sobra kaya ayoko syang pakawalan. Hindi ko sya makakalimutan. Sya ang inspirasyon ko sa buhay. He is the best of friend anyone could ever have. Hindi ko sya makakalimutan. I love him.

"Tara na Zoey, malalate na tayo sa school!" dinig kong sigaw ni Nathan sa pintuan. Si Nathan ang naging kaibigan ko simula ng lumipat ako sa school nila. Naging mabuti syang kaibigan, halos kasing buti ni Liam. Para nga syang si Liam. Minsan pag kasama ko si Nathan iniisip ko na pinadala sya sakin ni Liam para tulungan at iguide ako tulad ng ginawa nya sakin nung buhay pa sya. "Nandyn na!" sigaw ko.

Ito ang simula ng panibagong buhay at pagkakaibigan namin ni Nathan.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon