COLLABORATION 1.1

1 0 0
                                    

Collaboration with Juan Fernando Camahalan and Mj Ronsairo

Topic: Sinong mas masaktan? Iniwan o nang-iwan?

Sa pagdilim ng kalangitan,
Namumuo ang kapighatian,
Namumugto ang mga mata
At hindi na halos makakita

Bigla na lamang linisan,
Tila asong ipinagtabuyan,
Nakakaulol na pakiramdam
Ako ay nasususklam

Masakit ang lisanin
Nang walang dahilan,
Hindi naman ako nagkulang
At hindi ako nanlamang

Pinatay ang aking damdamin
Ikaw ay di na akin,
Ang tanikala ay putulin
Upang ako ay makalaya,
At ako ay muling lumigaya.

Masakit maiwan ngunit hindi ba natin naisip
Na ang nang-iwan ay nakararamdam din ng sakit,
Dahil alam niyang kahit ano pang mangyari ay di na maipipilit
Na maibalik sa dati ang 'kay saya nilang relasyon na hanggang ngayon ay mananatili na lamang sa kaniyang puso't isip?

Oo, kapag mahal mo hindi mo iiwan
Pero sapat nga ba itong dahilan?
Upang manatili, kahit lubha na kayong nasasaktan?
Kahit ang parehong panig ay hindi na magkaintindihan?

Hindi lamang pagmamahal ang nagsisilbing pundasyon
Pundasyon ng isang matibay na relasyon,
Kailangan din ng pagtitiwala, atensiyon at paglalaan ng panahon
Dahil hindi sa lahat ng oras tadhana'y sa atin ay nakaayon

Hindi ba't mas masakit kung tayo pa ay mananatili at atin pang pipilitin?
Kahit labis labis na nating nasasaktan ang ating mga damdamin?
Bakit hindi na lamang natin tanggapin,
Na ako'y hindi para sayo at ikaw ay hindi para sa akin?

What I See Is What I WriteWhere stories live. Discover now