Ang tunay na kagandahan
Ay wala sa panlabas na kaanyuan,
Ito ay nasa puso ng kahit na sino man
Pusong puro kahit sa maraming problema ay dumaanNanatiling dalisay
Nanatiling tunay,
Muntikang maligaw at lumihis ng daan
Ngunit paulit-ulit na natatauhanNa oo nga, ang buhay ay puno ng mga taong mapanghusga
Dahil ang mundong ito ay hindi sakop ng pamumuno ng ating Ama,
Sabihin man nating ito ay isa kaniyang nilikha
Ngunit sa mundong ito naghahari ang siyang masamaHuwag na lamang tayong magpaapekto
Tandaang sa mundong ito walang perpekto,
Lahat tayo ay pawang mga makasalanang tao
Kaya sa halip na sila ay dinggin, sa sarili natin tayo na lamang ay magpakatotoo©Mj Ronsairo
YOU ARE READING
What I See Is What I Write
PoetryThis is basically not a story, this is a compilations of my poems. Dedicated to all the peopIe I love and to our God. It also includes all my life rants. If you can relate or if one of my poems touches your heart, please give my story a vote and fol...