Kumunot ang noo ko.
May hinihintay ba siya?

Tumingin siya sa akin at tumitig ng masama
bago siya tumalikod at naglakad papunta sa floor nila.

Weird..
Napailing nalang akong pumasok sa classroom namin.
At gaya ng dati ay wala akong pinansin kahit isa.
Sanay naman na sila sa akin.

A few minutes ay pumasok na ang adviser namin.

Good morning class!

Good morning Miss!

Okay before anything else I would like to congratulate Miss Bernice for a very heartfelt performance yesterday. Lady A really loved your performance and
She was very impressed.

Thank you miss.

You're always welcome.
Kahit kailan you never fail our class.

Tuwang tuwa naman na pumapalakpak ang mga kaklase ko.
A genuine clap.
Nakakatuwa lang nakahit ang pangit ng ugali ko sa kanila
I can see that they are proud of me.
Specially my adviser.
I hope that one day makita ko din kay Mom ang pagiging proud sa akin.

And by the way Miss Bernice,
Mr Salviejo told me awhile ago na wala si Mr Paulino mamaya.
He asked me kung pwedeng ikaw daw ang magsupervise sa
ICT hands-on ng mga Grade 10 Special Class.

As the top rank in our school isa talaga yun sa responsibilty ko.
Minsan ako ang nagsususpervise sa ibang grade level.
Kahit na pa sa Grade 10 at kahit na mas matanda sila sa akin.

Yeah sure Miss.
Sagot ko sa aming adviser.

After you 3rd subject ang scheduled time nila.
Before you go there dumaan ka muna sa
Faculty office para kunin ang mga learning materials na gagamitin mo.

Ok miss. I said.

Hayyys. kung kailan iniiwasan mo sila dun naman nananadya ang pagkakataon.
Tsssss... Pero hindi dapat nila makita na affected ako.

Third Subject ko na at hindi ako makapag concentrate dahil iniisip ko
kung paano mamaya. At mas lalong nakadagdag sa frustration ko ang pasurprise quiz
ng lecturer namin. Mabuti nalang mahilig akong mag advance reading
kaya na perfect ko naman kahit papaano.

Hinintay ko munang dumating ang lecturer namin bago ako umalis
dahil kailangan ko rin namang magpaalam.
I went straight sa kabilang building sa faculty office para kunin ang materials ko
Then pumunta ko sa Comfort Room para naman ayusin ang sarili ko.
Nandoon si Shane remember?
Baka isipin nilang mas maganda siya sa akin.
And I can't afford that thing to happen.
Lalo na ngayon at nasa boiling point ang dugo ko pagdating sa kaniya.  

Sinuklayan ko lang ng kamay ko ang wavy styled hair ko
para mas maayos lang tignan.
I put on a very light make up and sprayed my favorite perfume.
I fix my uniform at naglakad na palabas ng comfort room
diretso sa floor ng mga grade10

Apat na palapag ang building ng mga estudyante.
Sa 1st floor ang mga Grade 7, sa ikalawa naman ang Grade 8
sa 3rd floor naman kaming mga Grade 9 at sa pang-apat na palapag naman
ang mga grade 10.
Kaya naman marami ring abangers na babae at
lalaking estudante in each floors.
Lalo na kapag pababa ang mga Grade 10.

Sa kabilang building naman ang faculty room, Office of the President at ang
Office naming mga elite class.

And sa other building andun naman ang mga Grade 11 and 12.

Meron kaming gym for swimming, basketball at lahat ng laro na
pinaghahandaan ng school for the Interhigh.

Sa wakas nakarating narin ako sa room ng Grade 10 Special Class
dulo ng floor nila ang room nila Ranz.
lahat ng Special Class ay nasa dulo ng mga floors kaya naman katabi namin
sa Grade 9 ang hagdan papunta sa floor ng Grade 10.

MISS EMINENTWhere stories live. Discover now