Sabay apir naman nya rito. Tanda iyon marahil ng kanilang kasunduan. But he will assure na bago pa ito makakita ng mayamang mapapangasawa ay sisiguraduhin nyang masusulit nya ito. He will risk everything, matikman nya lang ito. By hook or by crook, kailangang maikama nya ito.


"By the way, fly away..." may inabot itong post card sa kanya. "...nakita ko ito sa kwarto natin."


Natin talaga? Why not huh?


"Sa'yo yata ito, oh..."


Biglang sumimangot ang mukha nya nang makita ang inabot nito. Hindi nya tinanggap iyon.


"'Wag mo ng pansinin iyan." Post card iyon galing sa kanyang Daddy Adam. Hindi nya kasi tinutugon ang mga emails nito sa kanya kaya nagpadala iyon nito. Pagkatapos ay naglakad na sya patungo sa shower room.


Naiwan namang tigagal si Cynthia. Siguro'y nagtaka ito sa biglaang pagbabago ng mood nya.


***


NAKATANAW NGAYON si Cynthia kay Leo na nakahiga sa sofa. Mahimbing na pala itong nakatulog, dahil na rin siguro sa pagod. Pagkatapos ay lumapit pa sya rito at malalim na pinagmasdan ang mukha nito.


Aminado sya na attracted talaga sya rito, sino bang hindi? Lintek, eh sa itsura nito. Guwapo pa nga yata ito sa mga artistang napapanood nya sa TV. Pero ang pagka-guwapo nito, may pagka-pilyo. Pati ngisi nito, ang naughty.


Hindi nya napigilang kumutan ito, mukha kasing giniginaw. Ewan pero parang hinaplos nito ang puso nya. Akalain mong sa oras na kailangan nya ng tulong, narito ito. Wala man syang kadugo na nariyan sa kanyang tabi, pakiramdam naman nya'y mayroon isang taong itinuturing syang isang pamilya.


Kulang ang salitang salamat. Sobra nyang na-appreciate ang pagpapatuloy nito sa kanya dito sa condo.


Tiwala rin pati sya rito dahil mukhang hindi naman ito manyak kahit nga medyo naughty. Sana lang ay maunawaan nito ang ugali nya kahit nagmumukha na syang cheap. Ganito yata talaga kapag walang kinalakhang magulang ang isang tao.


Napatitig muli sya sa guwapong mukha ni Leo. Sayang, kung nagkataon nga lang na mayaman itong si Leo eh, ito na sana ang perfect boyfriend para sa kanya. Eh, ang kaso, ordinaryo lang din itong empleyado. Sadyang suwerte lang sa kaibigan.


Pagkatapos ay muli nyang kinuha itong postcard na napulot nya sa kwarto. Galing yata ito sa father ng binata dahil nabasa nya ang print name nang nagpadala nito sa left bottom part.


Daddy Adam.


Sa likod naman non ay may nakasulat na exact address sa USA. Ito marahil iyong adress kung saan nakatira ang parents ni Leo. May nakasulat pa kasi sa harap bukod don. Siguro ay OFW ang mga magulang nitp.


Visit us, son.


Natigilan sya. Visit? Bakit, hindi ba makauwi ang mga magulang ni Leo? Hindi kaya TNT ang mga ito sa ibang bansa? Siguro nga ay ganoon ang kaso, kaya naman si Leo na ang pinapapunta ng mga ito. 

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now