"That's my point! Bastusin mo sya..." napapitik pa yata ito.


"Huh?"


"Just - don't change yourself. Kung kusa kang nato-torpe kapag kasama mo sya, labanan mo. Like what I said: Consider yourself as your enemy. Basta ang sa akin lang, wag kang magpagamit."


"Kinikilig naman ako sa'yo. Kailan ka pa naging thoughtful sa'kin?"


"Shut up! Don't you ever call me again when you're in action, understood?" heto na naman ito, nagsusungit.


"Yes sir!" animo'y parang sundalo ang kanyang pagtugon. "Oh, by the way, you should try it..."


"What?"


"Talking to me on the phone while in action..." natatawang payo niya rito.


"You bastard!" tapos nawala na naman ito sa linya.


Tatawa-tawa na lang sya. Napakasarap talagang asarin nitong dominante nyang Uncle. Then kinontak naman nya si Ayeza.


"Hello?" sumagot agad ito sa kabilang linya.


"Pretty cousin! Pahiram muna nung isa mong condo. Iyong maliit lang at may isang kwarto..."


"It's nice to hear you too, Leo. I'm fine, thank you! How are you?"


"Oh dear God! Bakit ba lahat kayo ganyan makipag-usap sa akin?"


"Eh, kasi ang tagal mong hindi nagparamdam! Hmp!"


Bumuga sya ng hangin. "Alright, I'm sorry, baby."


"Daanan mo sa'kin dito yung susi. Hmp!"


"'Wag na tampo ang baby ko... hmm? Thanks. Daan ako dyan. 'Love you!" ganito talaga sya kalambing dito sa pinsan nyang si Ayeza. Nag-iisa kasi itong babae sa kanilang magpi-pinsan.


"Teka! May iba pa akong condo na malaki at malawak ah, gusto mo? Bakit isang kwarto lang ang kailangan mo at yung maliit pa?"


"Basta... saka ko na ipapaliwanag sa'yo. Punta na ko dyan. I 'love you!"


"'Love you too, 'cous..."


Pagharap nya, isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.


"Ouch!"


Si Mica, the woman was raging mad.

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now