"Hi," a man, probably older than me, greeted me.

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. Ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang hubad niyang pang-itaas. His tanned skin was so bright under the sun.

"Oh! You probably find me weird. I just saw you from a distance and wondered if you want some company," he said smoothly.

Ngumuso ako dahil sa nag-uumapaw na kumpiyansa niya sa sarili. The way he spoke to me showed his confidence and poise. Mukhang babaero ang isang ito.

"Hm, I was just about to leave and go back to the hotel. Hindi ko naman kailangan ng kasama," sa abot ng makakaaya ko ay pinalabas kong maganda ang mga salitang iyon.

Nagkamot siya ng ulo. Doon ko napansin na medyo napahiya siya sa sagot ko.

"Excuse me," paalam ko sa kaniya at umambang aalis nang iharang niya ang kaniyang sarili sa daraanan ko.

Kumunot na ang aking noo. Is he a pervert? Pero ang lahat ng narito sa resort ay kilala nila Celine at Vans. Imposibleng masamang tao ito. Hindi naman siya mukhang staff dahil heto nga siya at mukhang nagpapasaya at ibinabalandra pa ang katawan.

"I have to go..." I said to him.

Ngumiwi siya at itinagilid ang kaniyang ulo sa akin. "Ang suplada mo naman. Makakalimutin pa. We were already introduced by Lorenzo but it seems like you've forgotten about me," aniya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. Ang dapat na pag-alis ko ay pinalampas ko muna. Tinitigan ko ang kaniyang mukha at inaalala kung sino nga ba siya. Marami silang ipinakilala sa akin ni Lorenzo. Hindi ko na nga matandaan nang tama ang mga pangalan nila.

"Ikaw 'yong pinaiyak ni Lorenzo," aniya.

Parang bumbilyang umilaw sa aking isipan ang mukha nang lalaki. Naging pamilyar ito sa akin lalo na nang banggitin niya ang insidenteng iyon sa simbahan.

"West?" I uttered unsurely.

Kumislap naman ang mga mata niya at saka malawak na ngumiti. "That's me!" he happily said.

Napangisi na lang din ako kahit na nawiwirduhan nga ako gaya ng sabi niya. Siguro ay nakikipagkaibigan lang ang isang 'to. There's no harm with meeting new people. It's fine with me. Noon siguro ay maiilang pa ako pero ngayon ay marami nang nagbago. Nakatulong din sa akin ang mga naging kaibigan ko sa ibang bansa upang mapataas ang self-confidence ko na kulang na kulang noon. Kaya nga ako humantong sa mga maling desisyon dahil doon. Gusto ko nang mabago ang pananaw ko ngayon.

"Sorry, nakalimutan kita. Marami lang kasi akong iniisip kaya hindi kita agad naalala," pamumanhin ko.

Umiling siya. "It's okay. Kahit na ako naalala pa kita. Elaine," he said with the same confidence he sported just a while ago.

Natawa na lang ako. Ilang sandali pa ay may mga lumapit na ring ibang lalaki sa amin. Then I remembered that they are the groomsmen of Vans. Kahit na malabo sa aking isipan ang pangalan nilang lahat. But one guy caught my attention and he was also the one I found strange before. Kakaiba talaga ang tingin sa akin ng isang ito. I was curious why.

Hindi na rin nagtagal ay si Lorenzo naman ang tumatakbo palapit sa amin. Napapalibutan ako ng mga hubad na lalaki! Nakakailang naman sila! Pero hindi ako makaalis dahil panay na ang pakikipag-usap nila sa akin maliban na lang doon sa tahimik na nagmamasid lamang.

"Mga pare..." usad ni Lorenzo habang inilalagay ang basang braso sa balikat ko.

I shrugged his arm off me but he just let it stay there.

"Kung gusto niyo pang umabot sa kasal ng pinsan ko, mabuti pang lumayo na kayo sa babaeng 'to. A vulture is waiting to attack all of you. Baka hindi na kayo abutin nang bukas," ani Lorenzo.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now