Napapikit ako ng mariin. Parang gusto ko pang lumaban na ayaw ko na.

Walang katapusang problema.

Huminga ako ng malalim at nag mulat ulit ng mga mata para tignan ang paligid.

Puro mga taong naka lab gown ang aking nakikita at lahat sila nag kakagulo.

Kita ko sila dahil transparent lang naman itong kinalalagyan ko.

Nagawa kong lumingon sa gilid ko dahil medyo sanay na ako sa katawan ko.

Wala na roon ang kinalagyan nila Ream. Gising na kaya sila?

"Gising na ang limang bata, matapos ang siyam na taon!"

"Oo nga! Ibalita na kaagad natin ito kay boss!"

"Tara! Samahan mo ako at kayong tatlo naman ay maiwan dito, para bantayan ang batang Montilla."

Ito ang mga narinig ko sa anim na nagkakagulong mga naka lab gown o mga scientist din ata.

May lumapit na isa sa kinalalagyan ko. "Kailangan ka muna ulit naming patulugin pansamantala, mararamdaman mo na ulit ang iyong katawan pag gising mo."

Nakatingin lang ako sa ginagawa nila. May inilabas silang syringe at doon nila ito tinurok sa mga nakakabit sa transparent capsule na ito na nakakonekta rin sa katawan ko.

Unti-unting bumigat ang aking pag hinga at bumibigat na ulit ang talukap ng aking mga mata.

Kapag tuluyan na muli akong gigising, hindi na ako mangangako ngunit gagawin ko ang lahat para sa mga mahal ko sa buhay.

I will face the consequences, alam kong may masasaktang muli sa gagawin kong plano.

For now, kailangan kong makausap ang ama ni Nolan na si Marco. At pagkatapos ang mga kaibigan ko naman ang aking kakausapin, kahit na masaktan ako kapag sinabi ko sa kanila ang katotohanan.

Tuluyang dumilim ang aking paligid at nalunod muli sa pagkakatulog.

Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog nang may marinig akong boses.

It was husky but it's like a lullaby to my ears. Parang nawala ang nakadagan sa aking puso nang marinig kong muli ang boses na iyon.

"Xyxy..."

Ang nakapikit kong mga mata ay nagmulat. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng kanyang mukha.

Napatitig ako sa mga mata niyang kulay tsokolate, na parang ang daming gustong sabihin ngunit wala akong mabasa.

Katulad nga ng sinabi sa akin ng scientist kanina na may itinurok sa akin, naramdaman ko na muli ang aking buong katawan.

Inangat ko ang aking sarili sa pagkakahiga at bahagya ko siyang itinulak para lumayo sa akin.

Nakabukas na ang transparent na capsule na kinalalagyan ko.

"R-Ream." Medyo namamaos din ang boses ko.

"Lets go, Xyxy. We're running out of time." Nagtataka man ay umalis ako sa transparent capsule at agad lumapit kay Ream.

"Nasaan ang bantay sa kwartong ito?" tanong ko, dahil sa pagkakaalala ko kanina pinabantayan ako ng ibang scientist sa iba pa nilang kasamahan.

"I'll explain it later." Hinila na niya ang aking kamay at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Pagkalabas sa kwarto kung nasaan ako kanina ay nasa main research center na kami at nanlaki ang mga mata ko dahil napakagulo roon.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay ni Ream.

Napatakip naman ako sa aking tenga nang may marinig akong mga putok ng baril.

I Saw the Future OnceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora