30th Fall

691 15 6
                                    

Always so proud.







Bumaba ako sa stage after ng kanta ko. This was my first ever set. Kuya Loel wanted to add some gimik daw dito sa The Icon kaya nagbigay sya sa akin ng isang proposal. Sino ba naman ako para humindi?



Baka kung pagtutuunan ko lang ng pansin yung pagrereview ko ay baka mabaliw na ako. Might as well, enjoy ko na lang din magpart time dito.




"How was your training?" tanong ko agad kay Bea nang makaupo sya sa table ko.



"Ganun pa rin.." agad naman syang nagtawag ng waiter. Iinom sya? Pasalamat ka, Beatriz, at nakauwi na ang kuya mo kundi ewan ko na lang sayo.




"Iinom ka?" tanong ko sakanya kahit obvious.




"Para 'yon sayo." tapos ngumiti sya ng nakakaloko. Kota na 'tong si Bea sakin.




Hindi naman ako gaano nagtagal doon sa table kasi last song ko na 'to for tonight. Every friday and saturday ako dito ng 9-11pm since doon maraming estudyante na nagagawi dito around UPTC.




And as I was strumming the guitar ay binasa ko na yung main part ng set ko.





"First of all.. Thank you for listening to me. I might not be the best singer here but I will try not to break your ears talaga." hinaluan ko pa iyon ng mahinang pagtawa. This isn't bad naman since first time. Maraming nakikinig while chatting with some friends and with beer companions.



"I will be joining you here every friday and saturday, same time. So.. for the last song tonight. It should fit the letter here." tapos itinaas ko ang isang envelope.





"Stages of Coping over Break Up.." halos masamid ako samantalang pagsinghap lang sa mga tao sa paligid ko ang naririnig ko. Nananadya ba si kuya Loel? He handed me this envelope kanina.





I cleared my throat. I held my guitar tight and as I open my lips to say something.. it left open. Without words. Yung mga mata ko ay nakatitig lang sa mga kaibigan na kakapasok lang at diretso sa mesa kung nasaan si Bea.





Bea was just staring intently at me. Sa mga kaibigan ko na nasa table namin ngayon ay iisang tao lang ang pinakatitigan ko. Two months.. na hindi ko sya nakita ng personal. Hindi ko alam na ganito pala yung magiging epekto nito sa akin.




Nanginginig ang mga kamay ko..




Gusto tumulo ng mga luha ko..




Gusto kong tumakbo palapit sa kanya para yakapin sya..



Tngina. Deanna. Miss na miss na kita..




Napansin ko naman agad ang palihim na pagkaway ni Bea para makuha ang tingin ko. And when I looked at her, she smiled at me. Tapos sumenyas sya sa akin na I should continue. She's encouraging me to overcome this.





Pagkapasok ko pa lang ay siya na agad ang hinanap ng mga mata ko.


Now, I am watching her strum her guitar. Tahimik lang na nagpapakiramdaman ang mga kasama ko sa table. It's as if they don't want to make mistake.




"Mapanakit, ha?" she softly laughed at the paper she was holding.




What was that again? Stages of Coping over Breakup? Nananadya ba talaga 'tong araw na 'to?




One's Greatest FallWhere stories live. Discover now