“Ano yun?” tanong ko kagad.
“SORRY.”
“Para san?”
“Kung nung mga nakaraang araw eh hindi kita pinapansin.”
“Ako nga dapat ang mag-sorry.”
“Hindi. Naiintindihan ko naman eh. Siguro medyo nabigla kita.”
Hindi ako nag-salita. Hindi ko kasi mahanap sa utak ko ang dapat isagot. Yumuko na lang ako non at sa baba na lang tumingin.
“Pero Alexia. Seryoso ako. Handa kong patunayan sayo na hinding-hindi kita lolokohin. Na hindi ka magsi-sisi sakin. Handa kong patunayin sayo kung gaano kita ka mahal.”
Napangiti ako non. Mahal nya ako. Mahal ko din sya. Hindi ko aakalain na parehas pala kami ng nararamdaman.
“Uulitin ko ulit ito ..” lumapit sya sakin. Hinawakan nya ang mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
“Maari ba akong manligaw sayo Ms. Marga Alexia Villagracia” nakangiting sabi nya.
Naalala ko bigla yung sinabi Ni Razha sakin kagabi. .
”Syempre kung mahal mo si Oliver at may pag-asa sya sayo. Payagan mong mang-ligaw sya sayo pero kung wala ka namang nararamdaman sa kanya. Dapat sabihin mo kaagad ng hindi umasa yung kababata ko sayo noh”
Siguro alam ko na ang isasagot ko. Hindi na ewan kundi…
“Ahmm. Oo?”
“Yay! Bakit patanong?” bigla nyang pinisil yung pisngi.
“Awww. Masakiitt. Tamaa na Oliver.” Pagkasabi ko non. Itinigil na nya ang pagpisil sa pisngi ko at niyakap ako bigla. >/////<
“Salamat.”
“Para saan?”
“Kasi pumayag ka.”
“Hahaha papahirapan kita.” Biro ko sa kanya :)
“Kakayanin ko naman.”
Masaya kaming nag-kwkwentuhan ni oliver pa balik sa canteen. Ikinuwento ko na din sa kanya yung about kila razha. Nakapatid ko nga si razha. Alam na din nya na hindi na ko nagtatrabaho sa restaurant.
Iniwan nya na ko sa canteen nung nakarating na kami. Nasabi ko nga kasi sa kanya na ikkwento ko pa kay hera yung about samin ni razha. Sinabi ko na din kay oliver na baka. Sabihin ko na din kay hera na pumayag na akong magpaligaw sa kanya.
“Hera.” tawag ko sa kanya. Sabay umupo na sa harapan nya.
“Ui. Ang tagal mo naman. Eto binilhan na kita ng makakain para di kana pumila pa don.”
“Salamat.”
“Syempre bestfriend kita eh.” Napangiti lang ako sa kanya non.
Pagkatapos namin kainin yung binili nya sinimulan ko na ang pagkwkwento sa kanya. Mula umpisa. Syempre katulad ko medyo nagulat din sya.
“At bestfriend. Ano .. “ nag-aalinlangan talaga ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi pero naisip ko mas mabuti na talagang maging honest ako kay hera..
“Bakit ano yun?”
“Ahhmm. Kasi si oliver.”
“Si oliver? Anooo?”
“Ahmmm. Kasi ..”
“Anoo ngaaaa?”
“Pumayag na ako magpaligaw sa kanya.”
“WHAAAATTT!!” Napatayo sya non kaya napatingin ako sa mga tao na nakatingin na sa kanya.
“Ui. Hera! umupo ka nga!” Umupo na sya non.
“Ahm. Sorry Medyo nabigla ako. Hahahaha Congrats! Congrats!!”
“Luh? Bakit ka nag-ccongrats dyan.”
“Huh. Oo nga no?”
“Sige bestfriend. Una na pala ako aa. Pinapatawag kasi ako kanina sa Laboratory. Sigee” pagka-sabi non ni hera. kaagad na syang umalis.
Alam kong may mali. Ramdam kong nasaktan sya. Siguro tama si razha na may gusto talaga si Hera kay Oliver at ngayon ako na bestfriend nya ang nililigawan ng taong gusto nya. Tss. Parang naiinis ako sa sarili ko.
WRITTEN BY: TRYNEWTHINGS
--------------------------------------------------------------------------------------------
A/N : AHM. SA MGA NAG-BABASA PO NITO KUNG MERON MAN PO. GUYS! SORRY KUNG ANG TAGAL TALAGA NG PAG-UD KO. SORRY! BUSY EE. PERO AYON NGA NAKAPAG-UPDATE DIN SA WAKAS :")))) BTW. GUSTO KO LANG PO SABIHIN NA MAMIMILI PO AKO ISA SA INYO NA ISASAMA KO PO SA "THAT NERD" :))) TAPOS MAG-DEDEDICATE DIN PO AKO :"))))
AHM AYON SALAMAT SA MGA NAG-BABASA PO NITO :")) ILOVEYOUALL.
DEDICATED TO PARA KAY :")) "shairrrrrra" <--- SYA KASI ANG PINAKA UNANG NAG-COMMENT SA THAT NERD NUNG NAG-SISIMULA PA YON :")) THANKYOU. SHAIRA :")))
SORRY KUNG MEDYO MAGULO YUNG STORY.
COMMENT PO KAYO KUNG NALILITO PO KAYO OH NAGUGULUHAN NA :")) PWEDE DIN PO KAYO MAG-SUGGEST SAKIN :")) YAY! COMMENT, LIKE AND VOTE :")))
-------- JEA <3
YOU ARE READING
THAT NERD (ON HOLD)
FanfictionWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 8 ~
Start from the beginning
