CHAPTER 6 ~

277 7 8
                                        

Dahil Tuesday naman ngayon at wala naman akong trabaho ngayon. Okay lang ang magpagabi ako kakasama dito kay bestfriend hera. pag-bigyan na natin ang bruha XDD.

Pag kauwian namin sinama na ako ni hera sa bahay nila. Pagkadating na pagkadating namin sa bahay nila kinaladkad na nya ako papuntang kwarto nya (hindi halatang excited) Inabot nya sakin ang isang paperbag.

“Ano to?” nagtatakang tanong ko.

“Gift ko sayo yan bestfriend”

“Malayo pa birthday ko no?”

“Yay! Sorry gift ko yan. Sige na isuot mo na yan. Magbibihis na din ako”

Sinunod ko naman ang sinabi nya. Wala na naman akong magagawa eh. simpleng lang naman yung ibinigay nya sakin. Longsleeves and short lang naman. Ilang minuto din lumabas na si hera sa cr. Kagaya ko ganon din ang sinuot nya longsleeves and short.

“Yay! Tingnan mo beshie para tayong kambal” natutuwang sabi ni hera habang nakatingin kaming dalawa sa salamin. Nginitian ko nalang sya.

Wala kasing kapatid si hera. only child lang talaga sya kaya medyo naispoiled sya ng mga magulang nya. Napapagbigyan sa lahat ng mga bagay.

Ihinatid na lang kami ng driver nila sa mall at susunduin na lang daw kami kung gusto na daw naming umuwi.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa mall. Hinila na ako ni hera sa kung saan. Pasok dito labas doon. Tingin dito tingin don. Bili dito Bili don. Eto ang isa sa mga pinagkaiba namin ni hera. magastos sya ako hindi. Para sa akin kasi hindi muna ako bibili ng bagong gamit hanggat may nagagamit pa ako. Gets nyo? Mas gugustuhin ko pang ipang kain ko nalang ang naipon kong pera kaysa ibili ng mga kung ano-anong gamit na hindi ko naman masyado kailangan.

Marami na ding kaming nabiling damit. Dahil sa sobrang pilit ni hera na sya na daw ang bahala sa lahat kaya nagpa-ubaya na lang ako dahil alam ko namang wala na akong magagawa pa. Pagkatapos naming mamili naisipan namin magpahinga sa foodcourt.

*FOODCOURT

“Ui. Hera salamat pala sa lahat ah” pasasalamat ko sa kanya.

“Ano ka ba bestfriend alexia. wala yon.” Nakangiting sabi ni hera.

 Laking pasasalamat ko talaga sa babaeng to. kung hindi siguro dahil sa kanya nako hindi ko na alam kung saan na ako napadpad. Hindi siguro ako makakapag-aral at makakain ng tatlong beses sa isang araw. Kung hindi dahil sa kanya. Kaya kahit sobrang moody nyan mahal na mahal ko yan. Yay!

“Alexia !” Narinig kong may tumawag sakin kaya napatingin ako sa likod ko at nakita ko sila ..

“Ui kayo pala. Anong ginagawa nyo dito?” tanong ko sa kanila

“Ah. Wala nag-bobonding lang” sagot ni razha.

“Hi Alexia” bati ng Posadas Brother (Oliver && Owy)

“Hello” bati ko.

Napatingin ako kay razha na nakatingin kay hera. nakalimutan ko nga palang ipakilala sya kay hera.

”Ano ra----“  ipakikilala ko na sana si razha kay hera ng biglang magsalita si razha.

“Longtime no see best”  best? Tama ba ang narinig ko? O.o??

Biglang tumayo si hera at tumingin kay razha ng masama. Sabay umalis ito na wala manlang sinabi. Tumayo na din ako para sundan si hera pero bago pa ako umalis niyakap kaagad ako ni razha.

“Sana ikaw na nga..” bulong nya sa akin sabay hinaplos nya ang buhok ko.

Kahit naguguluhan ako sa binulong ni razha. Sinundan ko padin yung bestfriend ko.

THAT NERD (ON HOLD)Where stories live. Discover now