CHAPTER 8 ~

329 11 20
                                        

Andito kami ngayon ni Razha sa loob ng bahay nila. Iniintay lang namin yung mga magulang nya. Iniisip ko nga kung ano ba yung kailangan kong malaman. Yay.

“Daddy Mommy.” Tawag ni razha sa mga magulang nya.

“Good Evening po Tito tita” Bati ko sa kanila.

Lumapit yung mommy ni razha at niyakap ako ng mahigpit. Matagal syang nakayakap sa akin at naramdaman ko nalang na umiiyak na yung mommy ni razha.

“Tita bakit po? May problema po ba?” tanong ko. 

“Wala anak. Masaya lang ako.” Naguluhan ako sa sinabi ng mommy ni razha.

“Po?” nagtataka kong sabi.

“Alexia anak ka namin.” Sabi ng daddy ni razha.

“Ay baka nag-kakamali po kayo.”

“Alam na namin na wala ka ng mga magulang. Pero hindi sila ang tunay mong magulang.” –sabi ng mommy ni razha. Habang umiiyak.

“Hindi ko po kayo maintindihan.”

“Ate. Ganito kasi yon.” Ate? Kailan pa ako tinawag ni razha na ate?

“Ipina background check ka namin. Kaya alam namin kung sino ang mga magulang mo at saan ka nakatira.”- sabi ng daddy ni razha.

“At ipina DNA test ka namin and eto na yung result ng DNA test.” Ibinigay sa akin ng mommy ni razha ang isang envelop at naglalaman yun na ..

“Anak nyo po ako? Pero papaano nangyari yon?”

“Mahirap lang kami noon ng papa mo. Nung ipinanganak kita. Wala kaming pambili ng gatas. Sobrang hirap kami sa buhay. Nagka-sakit ka at kailangan mong dalhin sa hospital. Naconfine ka ng ilang linggo. Lumaki ng lumaki yung bill namin sa hospital at wala na kaming maisip na paraan para mabayaran yung bill. May lumapit saming mag-asawa. Hindi sila mayaman pero kayang-kaya nilang bayaran yung bill namin at ang kapalit non IKAW.”

Napaluha ako sa sinabi ng mommy ni razha. Hindi ko alam kung paniniwalain ko ba oh ano.

“Dahil sa wala na kaming magawa pa. ibinigay ka namin sa kanila. Pero bago ka namin ibigay sa kanila. Isinuot ko muna sayo ang kwintas na suot mo ngayon.”

Napahawak ako sa kwintas. Totoo ba talaga ‘to god?

“Patawarin mo kami anak. Hindi namin sinasadya na ibigay ka. Pero mas ginusto namin nasa kanila ka dahil alam namin kaya kanilang buhayin.” Niyakap ulit ako ng mommy ni razha. Oh mommy namin.

Pagkatapos non. Kumain na kami. Medyo nahihirapan padin akong intindihin yung mga nangyayari pero siguro makakasanayan ko din ito pag tagal.

Umakyat na kami sa kwarto ni razha. Dito muna daw ako matulog. Ayos lang naman saakin yon. Atleast makakabonding ko pa ng matagal si razha.

Nakahiga na kami non ni razha ng simulan nya ang pagtatanong.

“Kamusta na kayo ni oliver?”

“Wala. Feeling ko galit sya kanina .. ” sagot ko.

“Bakit?” bumangon na sya kaya bumangon na din ako.

“Ewan ko.”

“Ano ba nangyari?”

“Hay. Ganito kasi yon. Kahapon kasi kasabay ko syang umuwi dapat. Kaso iniwan nya ako.” Paliwanag ko.

“Bakit ka naman nya iniwan?”

“Tinanong nya kasi ako kung pwede nya akong ligawan.”

“OMG!! TALAGAAAAAA? SO ANO NA? KAYO NA BA? ANO SINAGOT MO SA KANYA????” Hindi halatang interesado sya? tss.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THAT NERD (ON HOLD)Where stories live. Discover now