“Andito na tayo.” Sabi nya pagkalabas nya sa kotse. Lumabas na din ako.
”Sige pre. una na ako. Text ka nalang kung pauwi na kayo.”
Sabay pinaandar na ni cav. yung kotse at iniwan na kami dito. Tama nga sya pumunta kami sa lugar na hindi ko alam ..
”Halika don tayo sa may puno.” Naglakad na sya papunta sa puno at umupo na don.
Sobrang namangha ako sa lugar na pinuntahan namin. Makikita mo talaga yung buong siyudad ibig sabihin nasa mataas kaming lugar .. tsaka nakakarelax kasi masyadong mahangin .. hindi din masyadong ma-araw.
“Wow! Nakakatuwa naman dito. Salamat ha!” Sabi ko sa kanya.
Nginitian lang nya ako.
Ewan ko pero simula ng makilala ko si owy. parang yun na naging chance ko na mapalapit kay oliver. Parang sya yung naging way para mapalapit ako sa kanya.
Speaking of owy.
“Oo nga pala si owy.”
“Anong meron sa kapatid ko?”
“Tuturuan ko kasi sya ngayon magpiano.”
“Ah yun lang ba. Wag mo ng intindihin yon.”
“Bakit naman. May usapan kami eh.”
“hindi yon magagalit.”
“Okay.” Umupo na lang ako sa tabi nya.
Hindi ko akalain na makakasama ko sya ng ganito ka tagal. Si Oliver Lance Posadas na sikat sa school. Kinababaliwan ng mga babae. isa sa mga pinakagwapo sa school. Isang dancer. Ano pa ba ? si oliver lance posadas na masasabi mong perfect! Si oliver na crush ko e kasama ko ngayong araw. Ang saya diba?
“Alam mo maganda dito magstargazing” sabi nya habang nakatingin sa langit.
“Tingin ko nga.”
Open space kasi yung lugar kaya maganda talaga magstargazing. Sa sobrang tahimik
nakaka-antok na. pumikit muna ako saglit ..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
”Alexia. Gising na.” nagising ako na nasa tapat na kami ng bahay nila. Ang pagka-alam ko kanina nasa may puno lang ako tapos ngayon andito na ako sa loob ng kotse ni cav. nagteleport ba kami ?
“Tulog ka kasi ng tulog.” Sabi nya sabay bumaba na sa kotse. Bumaba na din ako.
“Salamat pre.” sabi nya kay cav.
“Sige pre. una na ko.” sabay pina.andar na ni cav. yung kotse nya at umalis na.
“Pasok ka muna sa bahay.”
“Wag na. uuwi na din ako.” Madami pa kasi akong kailangan asikasuhin sa bahay. Kaya tingin ko sobra na yung pag.gagala ko ngayong araw.
“Kain muna tayo.”
“Wag na.”
“Sige na kahit dyan lang sa MinuteBurger.” Ang kulit nya din no..
“Hay nako.” Yan na lang nasabi ko. sobrang mapilit. Tsk >.<
Nagsimula na kaming maglakad papuntang MinuteBurger. Tahimik lang kami non habang naglalakad.
“Ang ganda ng kwintas mo. Bagay sayo.” Hinawakan ko naman yung kwintas na suot ko.
“Bigay sakin ng mama ko yan bago sya nawala.”
“Bago nawala?”
“Wala na kong mga magulang.”
BINABASA MO ANG
THAT NERD (ON HOLD)
FanfictionWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
