RAZHA’S POV.
”Bakit ka lumipat dito razha?” tanong ni alexia.
“Alexia. lahat ng bagay may dahilan.” Sagot ko sa kanya. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin. Napagdesisyunan kong hindi magkwento kahit sa boyfriend ko at sa posadas brother.
“Alam ko yon. So anong dahilan mo bakit ka lumipat dito?” tanong nya ulit.
“Marami akong dahilan” at hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang dahilan.
“Nagtataka ako..” nakayuko nyang sabi.
“Saan?”
“Sa inyo ..Naguguluhan ako.”
“About ba samin ni hera?”
“Oo.” Seryosong sagot nya.
Alam ko namang magtatanong talaga sya at handa naman akong magkwento ng nakaraan.
“Gusto mo ba malaman?” tanong ko.
“Oo. Gusto ko malaman kung bakit..”
”Bata palang kami magkakaibigan na kami. Magkakaibigan kasi ang mga magulang namin kaya naging magkakaibigan din kaming 5. Si Oliver, Owy, Hera Ako at yung boyfriend ko. Laging kaming naglalaro.. nag-aasaran.. NagLolokohan kaya lang. nangyari ang hindi namin inaasahan..” huminto ako at tumingin sa kanya.
”Ano yung hindi nyo inaasahan?”
“Inasar ng inasar ni Hera ang Posadas Brother. Akala namin ng boyfriend ko simpleng asaran lang pero Napikon si owy kaya itinulak nya ng malakas si hera saktong may dumaang kotse at nabangga si Hera. Na-hit and run si hera non at dahil sa sobrang gulat naming lahat nakatayo lang kami non. Habang nakahiga si hera sa kalsada na walang malay. Dumating yung mga magulang naming lahat. Lumapit sa akin si mommy at niyakap ako ng mahigpit nakita ko namang binuhat ng daddy ni hera si hera.. at nagmamadaling isinakay sa kotse at dinala na sa ospital.”
”Pagkatapos?”
“Nagalit ang magulang ni hera sa mga magulang naming apat. Hindi ko nga alam kung bakit nadamay pa yung mga magulang namin. Eh aksidente ang nangyari. Hindi sinasadya. Simula nung araw na yon. Hindi na namin nakikita si hera. Wala na kaming balita kay hera. at simula nung araw na yon sobrang sinisi na ni owy ang sarili nya. Takot na takot sya dahil akala nya sya ang dahilan kung bakit namatay si hera. akala kasi namin noon wala na si hera.”
”Ano sunod na nangyari?”
“Pagkahigh school namin hindi na kami magkakasama sa iisang school. Kanya-kanya na kami ang posadas brother lang ang magkasama sa iisang school 2nd year si Oliver tapos si owy 1st year.”
“Tapos?”
“Nagulat na lang ako ng balitaan ako ni owy na buhay daw si hera at nag-aaral daw si hera sa school nila. Schoolmates daw sila.. pero kahit daw schoolmates sila hindi daw sya pinapansin ni hera at iniiwasan pa ito. Ang laki daw ng ipinagbago ni hera.”
”E si oliver? Kinakausap ba sya ni hera?”
“Hindi ko alam .. pero siguro? Bata palang kami may gusto na si hera kay oliver. Hindi ko lang alam kung alam ni oliver yon.”
“Eh? bakit ganon na lang makaiwas si hera?”
“Hindi ko nga din alam kung bakit eh. pero ang naisip ko lang nadahilan siguro akala ni hera. sinadya ni owy yung nangyari kaya ayon..”
“Ah.. sino ba yung boyfriend mo ha?” natawa ako sa tanong ni alexia. hindi ko pa pala sinasabi sa kanya kung sino yung boyfriend ko.
“Yay! Makikilala mo din sya balang araw.” Sabi ko sa kanya sabay tumayo na ako.
KAMU SEDANG MEMBACA
THAT NERD (ON HOLD)
Fiksi PenggemarWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
