CHAPTER 5 ~

291 6 4
                                        

Simula nun. Hindi na naman ako kinakausap ni hera. masyado talaga syang matampuhin nakakasawa na. Hay nako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya. Tuwing mag-eexplain ako. Iiwas sya.. paano ko maipapaliwanag sa kanya kung iiwas sya.. nakakainis naman oh.

Tumambay na lang muna ako sa botanical garden. Tahimik kasi yung lugar na yon at bihira lang ang mga estudyante don. Sumandal na lang ako sa isa sa mga puno at iiglip muna saglit. Wala naman kasing morning class kami kaya ayos lang matulog.

“Happy birthday anak.” Binati ako ni tatay. Pagkagising ko.

“Salamat po tay.” Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

“Anak eto ang gift namin ng tatay mo. Ingatan mo to ah” iniabot sakin ni mama yung regalo nila.

Tiningnan ko mabuti ang regalo sakin nila mama’t tatay. Isang kwintas. Napakagandang kwintas at masasabi kong mahal ito.

“Wow mama. May pangalan ko pa ah.” Tuwang tuwa ako habang pinag-mamasdan ang kwintas.

“Nagustuhan mo ba anak? Ingatan mo yan ah. Kahit anong mangyari wag na wag mong iwawala yan anak.” Niyakap ko si mama ng sobrang higpit. Ang swerte ko ng may mga magulang akong katulad nila.

“Pangako ma. Hindi ko iwawala ang kwintas na to.”

Nagtataka ako dahil biglang umulit ang pangyayari. Nagising ulit ako pero ang kinaibahan nagising ako dahil sa malakas na putukan at sigawan sa baba. Nagmadali akong bumaba at tingnan kung anong nangyari sa baba. Sumilip ako sa may hagdanan namin. Isang lalaking may hawak na baril ang nakita ko. pagkalabas nya ng bahay. Nagmadali akong bumaba.

Nakita ko si mama’t  tatay. Duguan .. 

nanginig yung buong katawan ko.

indi ako makakilos sa nakita ko..

puro dugo ..

“Alexia anak .. m-mahal ka n-namin n-ng tatay mo.” Lumapit ako kay mama non.

“Ma. Bakit. Sino ang may gawa sa inyo. Ma !”

puro dugo na yung sahig namin.

Hindi na gumagalaw si tatay.

Wala na sya ..

pansin ko din may tama din ng baril si mama.

“A-alexia. m-mahal kita anak ..” wala na din si mama..

“Mahal na mahal ko kayo mama papa ..” iyak ako ng iyak non.

“Alexia! ui .. alexia!” narinig kong may tumatawag sakin. Don ko lang naisip…

“Panaginip lang pala” sabi ko ng magising ako.

“Okay ka lang?” don ko lang napansin na si oliver pala yung gumigising sakin.

“Ha? Oo naman.” Nakangiti kong sabi.

“Akala ko kung anong nangyayari sayo kanina eh.”

“Ah. Nanaginip lang ako. Bakit ka nga pala andito?”

“Ah wala. Tumatambay lang ako dito. E saktong nakita kitang sumisigaw.”

“Oh. Ako? Nasigaw?” bago na yon ah. Nasigaw ako habang nanaginip.

“Oo. Mama nga yung sinasabi mo eh.” nakaramdam ako ng lungkot. Naalala ko napanaginipan ko pala sila ni tatay.

“Ah sige. Mauuna na ako ah.” Nag-paalam na ko sa kanya.

Eto ang ayoko pag may nagagalit sakin eh. pag-nasobrahan ako ng kakaisip sa mga bagay-bagay. Iba talaga dating sakin. Ang bigat sa pakiramdam tsk >.<

THAT NERD (ON HOLD)Where stories live. Discover now