“Aray ko naman. Makasigaw to.” Sabi ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tenga.
“So ano nga? sinagot mo na ba sya? ano sinagot mo sa kanya.”
“EWAN”
“Bakit ewan?” medyo nakukulitan na ako dito kay razha ah.
“Eh ano ba dapat isagot ko?” e sa hindi ko alam kung ano dapat isagot eh.
“Aish. Ano ba yan sis. Syempre kung mahal mo si Oliver at may pag-asa sya sayo. Payagan mong mang-ligaw sya sayo pero kung wala ka namang nararamdaman sa kanya. Dapat sabihin mo kaagad ng hindi umasa yung kababata ko sayo noh.”
”Okay.”
“So papayagan mo ba syang manligaw sayo o hindi?”
”S E C R E T” Sabi ko sabay ba to sa kanya ng unan. Hahaha.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
OWY’S POV.
Nasa labas ako ngayon habang hinahanap si kuya. Saan na naman kaya yun? Bigla ba namang umalis kanina. Ano kayang problema non?
Habang nag-lalakad ako. Nakarinig ako ng ingay .. Tawanan, Sigawan.
Nandon siguro si kuya.
”Ano ka ba lance .. Malay mo wala pang nangliligaw sa nerd na yun kaya hindi alam kung ano isasagot. Hahaha”
Sabi ko na nga ba at andito na naman si kuya kasama sila. Tss. Hindi pa din pala sya umaalis sa walang kwentang barkadahan na yan.
”Pero pare ang swerte nung nerd na yon kay lance.”
Andito ako ngayon sa may gilid ng puno at nakikinig sa usapan nila.
”Tama ka pare. Sa gwapo ba naman ni lance eh Papatulan pa sya. Hahaha”
“Dapat magpasalamat yung nerd na yon sa atin.”
Nerd? Sino ba yung nerd na sinasabi nila? Tsaka May pinopormahan ba ngayon si kuya? Bukod kay alexia? Parang wala naman akong nababalitaan ah. Wag nilang sabihin na si ..
”Pare. Alexia pangalan nun. Hindi Nerd”
”Wag kang mag-alala lance. Pag tapos na ang 1oo days. Malaya ka na sa bangungot. Hahaha”
Hindi kumikibo si kuya. Tahimik lang sya habang Umiinom. Ibig sabihin hindi padin nila tinitigil ang walang kwentang dare na yan. Tss. Wala talaga sila magawa. Pati buhay ng iba sinisira. Tsk
Tumayo na si kuya at mukhang aalis na.
”Sige mga pare. Una na ako.” Pag kasabi nya non. Nag-simula na sya maglakad.
Nung makalayo-layo na si kuya sa kanila. Hinarang ko sya.
”Kuya.”
”Oh. Owy anong ginagawa mo dito.” Hindi ko sinagot ang tanong nya at buong pwersa kong itinulak sya.
”ANO BANG PROBLEMA MO!!?” Sigaw nya sakin.
“G@g* KA KUYA! AKALA KO BA UMALIS KA NA SA WALANG KWENTANG BARKADAHAN NA YON HA! TAPOS NGAYON MALALAMAN KO ANDON KA PADIN. ANO BA ANG MAKUKUHA MO SA KANILA KUYA? BAKIT HANGGANG NGAYON ANDON KA PADIN!”
“BAKIT NAGING BARKADA MO DIN NAMAN SILA AH!”
"KAHIT KAILAN HINDI KO TINURING NA KABARKADA SILA! NANG DAHIL SA KANILA NAWALA YUNG IMPORTANTENG TAO SA BUHAY KO!!”
Pagka sabi ko non. Tumalikod na ako sa kanya at lumakad na paalis.
Kahit kailan hindi ko mapapatawad ang barkadahan na yon. Kahit kailan!! Kung hindi siguro sa kanila. Kasama ko pa din sya. !!
YOU ARE READING
THAT NERD (ON HOLD)
FanfictionWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 8 ~
Start from the beginning
