Chapter 11 : The Truth

Start from the beginning
                                    

Nung napadaan kami sa checkpoint ng mga pulis ay nataranta siya at agad na gumawa ng paraan para hindi siya makita. Nung nasa bus station kami, narinig ko ang sinasabi ng reporter sa TV pero mabilis niya akong hinila paalis sa kinauupuan ko.

Nang araw na iyon ay napuno ng pagtataka at pagdududa ang mga kilos niya. Akala ko isa siyang takas pero hindi pala. Anak siya ng isang kilalang governor at patuloy pa rin siyang hinahanap ngayon.

"Alam kong mamamatay na ako. Gumawa ako ng paraan para makaalis ng ospital at makapunta dito. Sa lugar kung saan hampas ng alon ang maririnig ko. Sa lugar na sobrang tahimik. That's why I'm here. And you're right this is my plan bago ako mawala." ang nanghihina niyang tugon sa akin.

Pero nanatili akong matigas at manhid sa luhang nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Ayusin mo ang mga gamit mo. Ibabalik na kita.” ang utos ko.

“No!! No!! Hindi ako babalik! Hindi ako sasama sayo.”

Ewan. Hindi ko alam kung anong iniisip ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng silid niya at agad na inilagay sa malaking bag ang lahat ng mga gamit niya. Pinipigilan niya ako at halos nagmamakaawa na itigil ko na ang ginagawa ko. Oo nasasaktan ko siya sa ginagawa ko at masakit ito para sa akin but this is the right thing na pwede kung gawin.

Sinaway pa ako ni Nurse Mary pero hindi ko siya pinakinggan. Agad kong kinuha ang bag at hinawakan siya ng mahigpit ngunit nagpumiglas siya kaya pahila ko siyang hinila palabas.

“Mister tama na!! Ayuko na!!” ang umiiyak niyang sigaw.

Napatigil naman ako ng magtama ang aming mga mata. Sobrang pagod ng nakikita ko kahit na patuloy ang pag-iyak niya.

“Hector!” agad akong napabitaw sa pagkakahawak ko kay Cristine at agad na umalalay si Nurse Mary dito. She's bleeding! May dugong lumalabas sa bibig niya na siyang dahilan upang matakot ako.

Ilang sandali pa ay napaupo si Nurse Mary habang kalong niya ang kalahating katawan ni Cristine.

“Cristine!!” ang malakas kong sigaw at halos hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan.

“She's bleeding.” ang sabi ni Nurse Mary.

Agad kong binuhat si Cristine at ipinasok sa silid. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit ito nangyare.

Paulit ulit kong sinisisi ang aking sarili. Dahil sa sobrang galit ay hindi ko nakontrol ang aking emosyon at tuluyan akong nagpadala. Agad siyang inasikaso ni Nurse Mary habang ako nanatili lang na nakatingin sa kanya.

“I'm sorry.” ang mahinang sambit ko pero hindi niya iyon narinig.

Minabuti ko na lamang na umalis ng kubo at magpalipas ng oras para gumaan ang aking pakiramdam. Tuloy tuloy kong nilusong ang tubig dagat hanggang sa lamunin ako nito. Gusto kong sumisid sa ilalim upang makatakas sa sakit na nadarama ko.

Tanging sa pagtatampisaw sa dagat ang nagpapagaan ng sitwasyon. Hindi ko alintana ang pagod sa paglangoy.

Napaiyak ako dahil sa aking ginawa pero hindi iyon sapat na makita ng sinuman dahil umiiyak ako sa ilalam ng dagat. Gusto kong pumikit at kalimutan ang lahat ng ito.

Hinayaan ko ang aking sarili na mapagod hanggang sa lumubog ang araw.

Tahimik akong bumalik ng kubo. Hindi pa man ako nakakapasok ng loob ay nakita ko si Nurse Mary na inaantay ako.

“Pwede ba kitang makausap?” ang seryusong tanong niya sa akin. Tinitigan ko siya at naglakad  palayo sa kubo. Sumunod naman siya sa akin.

“Patawarin mo sana kami kung nilihim namin iyon.”

“Why? Bakit? Ako ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ko siya tinulungan marahil kasama pa rin siya ng kanyang magulang.”

“Hector, hindi mo kasalanan. Mabuti kang tao. Nagawa lang namin iyon dahil yun na lang ang paraan. Gusto ni Cristine na makabalik sa lugar na ito dahil gusto niyang makita ang batang lalaki na nagligtas sa kanya. Kailangan niyang tumakas ng ospital dahil pakiramdam niya unti unti na siyang namamatay.” ang paliwanag niya sa akin.

Seryuso ang bawat salitang binibitawan niya at maging ang kanyang mukha.

“Nakikiusap ako sayo na sana intindihin mo na lamang siya lalo na at hindi na siya magtatagal. Patawad sa nagawa kong kasalanan.”

Tumango naman ako bilang sang-ayon. Bahala na.

“Naiintindihan ko.” ang tipid kong sagot.

“Puntahan mo na siya sa loob, inaantay ka niya.”

Mabilis akong naglakad pabalik ng kubo at agad na pumasok sa loob. Kinakabahan ako at the same time nagiguilt sa ginawa ko. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko siyang nakatayo sa may pinto ng kanyang silid. Marahil inaantay niya ang pagbalik ko.

“Kumain ka na ba?” ang tanong niya sa akin.

Umiling lang ako at mabilis na pumasok sa loob ng CR. Binuksan ko ang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan. Paglabas ko ng CR ay nakita ko uli siya. Ganon pa rin ang ayos niya at deretsong nakatingin sa akin.

“I'm sorry Mister. Sana mapatawad mo ko.” ang puno ng paumanhin niyang sabi.

“Wag na nating pag-usapan ang bagay na iyon.” ang sagot ko. Iniwas ko ang aking tingin at naupo sa may bangko na hinihigaan ko.

“Nagawa ko yun dahil gusto kong maging malaya. Sa loob ng walong buwan sa ospital ay para akong pinapatay. Sa mga gamot na tinuturok sa akin. Sa mga gamot na iniinom ko para lang gumaling ako. I-I want to live with my happiness. Ayukong malungkot. Ayukong masaktan sa hirap at sakit.” naramdaman ko ang pag crack ng kanyang boses dahilan para maikuyom ko naman ang aking mga kamay. Kasalanan ko.

Hindi ko rin maimagine kong anong hirap ang pinagdaanan niya sa loob ng ospital para gawin niya ito ngayon.

“Sobrang sakit na makita ko ang mga magulang ko na nahihirapan ng dahil sa akin. Kahit gaano kaman kayaman hindi iyon sapat para gumaling ka. All I have to do is to accept the fact na mamamatay na ko.”

Napatingin ako sa kanya at tuluyan na nga siyang umiyak. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya kasunod nun ang pagyakap ko sa kanya. Mas lalo siyang humikbi ng yakapin ko siya ng mahigpit.

“Don't cry.” ang mahinang sabi ko.

“If you think na sinungaling ako. You can leave this island. Iwan mo na ako Mister.” ang halos paos niyang sabi sa akin.

Mas lalo akong napayakap sa kanya ng mahigpit dahil sa emosyong nadarama at nararamdaman ko. Kulang ang mga salita para palakasin ko siya sa kung gaano kabigat ang kanyang dinadala.

“Hindi kita iiwan.”

Mas lalo siyang napahagulhol ng iyak.

Now I understand kung bakit niya ginawa iyon. Siguro ako din ang pinadala ng Diyos na gagabay sa kanya para makarating dito. Para maging lakas niya sa lahat ng pagsubok na haharapin niya.

VOTE And Comments po :)

His MillionaireWhere stories live. Discover now