CHAPTER 1

22.9K 261 18
                                    

"Look Pransya, Crisboy is here". Si Irene na kaibigan ni Francine. Tinuturo nito ang lalaking nasa likod nila.

 "Where?" excited na tanong niya.

 "At my back, 'yong mataas na lalaki ha, hindi 'yong lowered. Transferee siya pero may kaibigan na agad siya. Balita ko kasi snob siya."

Nilingon niya ang lalaking tinuro ni Irene. Umiinom ang mga ito ng softdrinks. Ang isang ay may katamtamang taas, malinis tingnan at may kaaya-ayang mukha na palagiang lumalabas ang mapuputing ngipin sa madalas nitong pagtawa. Sa tindig at porma nito halatang nagmula ito sa magandang pamilya. Ang kasama naman nito na medyo matangkad dito ay hindi masasabing marumi lalong hindi naman "neat and clean." Kung susuriin gaya sa isang pariwarang estudyante ang porma nito. Polong medyo lukot at hairstyle na wala na yata sa uso. The guy looks rough kahit na naka school uniform ito. Maputi na kung maputi, mga labi na hindi naman pinahiran ng kung anong pampapula ngunit tila rosas ang kulay niyon. At ang ilong nitong may katangusan na bagay sa magandang hugis ng mukha nito. Yes, he is fine-looking, comely, well-formed o kung ano man ang dapat na itawag sa admirable features nito pero ayaw niya sa mga gwapong hindi marunong mag-ayos. Kung susuriin hindi bagay na maging magkaibigan ang mga ito. Sa paningin niya hindi magkalevel ang mga ito. Isang mayaman at isang dukha. Hindi talaga bagay.

"Ang poor naman."  bulong niya sa sarili.

She's not into him. She needs a rich and wealthy guy. Iyon bang humihiga sa pera. Iyong kaya siyang buhayin at bilhin lahat ng mga luho niya. Higit sa lahat ay kayang  tulungan ang mama niya sa pinansyal na aspeto at maiahon sila sa kahirapan. Sawa na siyang maging mahirap. Pakiramdam niya salot sa lipunan ang mga gaya nila na kinakaawaan at pinandidirihan ng mga taong nakakataas sakanila. Ume-extra sa paglalaba ang nanay niya. Namatay ang tatay niya matapos nitong mahulog mula sa ikaapat na palapag ng gusaling ginagawaan and that was seven years ago. Simula noon mag-isa na siyang binuhay ng ina. Pilit na pinupunan ng kanyang mama ang kakulangan ng pagkawala ng kanyang papa. 

Ayaw niyang magmukhang kawawa sa mata ng mga tao kaya nga puro may sinabi sa buhay ang pinipili niyang maging kaibigan. Wala siyang ipinagkaiba sa tindig at porma ng mga ito. Hindi naman siya kaputian ngunit makinis ang balat niya na siyang iniingatan at inaalagaan niya. Sakto lang ang taas niyang 5'4 para sa balingkinitan niyang katawan. Katamtamang tangos ng ilong, labi na natural ang pagkakapula, mga mata na may kaliitan ngunit bagay sa mukha niyang hugis puso. What she loves that most is her wavy her. Feeling niya isa siya sa mga bida sa Korean drama. Bumalik ang diwa niya sa kasalukuyan ng marahan siyang yugyugin ni Irene.

"Siya ba 'yong pinag-aaksayahan ninyo ng panahon nila Jenny? Parang wala namang kakaiba sakanya. Gwapo lang naman, ang hilig ninyo talaga sa gwapo."

 "Sus naman Pransya, hanggang ngayon ba naman hindi ka pa sanay sa'min?" pumalatak ito. "Alam mo ba narinig ko na suplado siya. Hindi ba dapat maging friendly siya sa'tin dahil transferee siya? Buti may naging kaibigan pa siya. What hurts the most, hindi niya pinansin ang smile ko." himutok nito.

"Aba, may guts pa siyang magsuplado ha, lakas ng loob. Bagay lang pala sakanya ang crooked name niyang Crisboy."

"Ano ka ba, Crisboy lang ang tawag ko sakanya. Based sa info na nakuha ko, Christian ang totoong name niya at boy naman dahil I want him to be my boy." 

May kislap ang mga matang dinakma nito ang braso niya.

"O, ano'ng problema mo?"

"Simple lang, kailangang makita ko siyang nakasmile. Ang dami akong naririnig na curious kung ano ang itsura niya kapag nakatawa. Hindi lang 'yon, gusto ko din siyang makilala. Para kasing, iba siya sa lahat." Napahugot ito ng hininga. "Ah, basta basta! Ano kaya kung magapapansin ako, tayo if you want to join?"

The Arrogant's Servant (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon