TGH Special 1.: Marcus and Jenina

57.4K 834 33
                                    

Hi guys! Namiss niyo ba sina Sanjun at Ethina? Oww, thank you. But sorry to say pero hindi para sa kanila ang SPECIAL CHAPTERS na ito, kundi para kina Marcus at Jenina. Alamin naman natin ang love story ng dalawa. :D ENJOY!

TGH Special 1.: Marcus and Jenina

Jenina's POV

"Ethina pwede bang bilisan mo naman diyan!" Sigaw ko sa habang karga-karga si Sanjun Jr. Nasa kusina kasi si Ethina at pinagtitimpla si Sanjun Jr. ng gatas. Napatingin ako sa relo ko habang karga si Sanjun at dinuduyan-duyan sa kandungan ko. "Ang tagal naman ng babaitang 'to." Maktol ko.

Mayamaya pa, dumating na si Ethina dala ang gatas ni Sanjun Jr. habang shini-shake pa. Nanglaki naman ang mata ko ng pagtingin ko sa kanya, para siyang nanay na may sampung anak na sa hitsura niya. Halos laglag na ang sleeve niya at kita na ang strap ng bra niya, magulo ang buhok, pawisan ang noo at ang haggard ng fez.

"Jusmiyo Ethina, anong nangyari sayo? Para kang may sampu ng anak!" Singhal ko sa babaita. Naupo namann 'to sa tabi ko't binuhat si Sanjun Jr. tsaka pinadede.

"Ano ka ba Jenina, kapag nagka-anak ka na, mararanasan mo rin 'to. Aba, tutok na tutok yata ako kay Sanjun Jr. Tapos kagabi, pinuyat pa ako nito. Ayaw matulog." Maktol din niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Eh bakit kasi di mo paalaga sa asawa mo?" Sabi ko rito't inayos na ang sarili ko.

"Ano ka ba, paguwi ni Sanjun ng gabi pagod na 'yun noh, alanging ipaalaga ko pa," Sagot ni Ethina tsaka inayos ang pagkarga kay Sanjun Jr. na ngayoy patulog na sa kandungan niya. "Tinanong niya nga ako kung gusto ko ng yaya, pero ayaw ko. Gusto ko ako lang magaalaga kay Sanjun Jr. ko." Dagdag niya pa. Mas lalo akong natawa at tiningnan siya ng pang-asar.

"Aba, kina-career mo na ang pagiging Mrs. Alcantara ah?"

"Gaga. Eh ikaw? Ano na ba talaga kayo ni Dr. Marc?" Tanong niya. Napabuntong hininga naman ako sa tinanong niya at ngumiwe.

"Kami? Hay nako Ethina, ewan ko ba sa lalaking 'yon. Daig pa ang babae sa kasungitan at kaartehan." Maktol ko, siya naman ang natawa ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tawa pa."

"Eh kasi naman, naalala ko. Dati ganyan din kami ni Sanjun, pero look, heto na kami. Naki Jenina baka sa umpisa lang yan. Aba malay mo. Kayo rin ni Dr. March...di ba?" Napangiti naman ako sa pang-aasar ng gaga.

"Loka ka, wag mo nga akong pakiligin. Swerte mo lang talaga."

"Hoy, di swerte yun ah! TADHANA, yun ang tawag 'dun."

"Tadhana, aba kailan ka pa naging korni 'teh? Di bagay. Osya diyan ka na nga't bantayan mong mabuti yang inaanak ko." Ani ko't sinukbit na ang shoulder bag ko at naglakad na palabas.

Tiningnan ko ang oras at sana di pa ako ma-late. Teka, saan ba ako pupunta? Ah, kay Marcus, nagusap kasi kami kagabi na magla-lunch kami ngayon. Dumaan muna ako rito kay Ethina para manghiram ng sapatos. Aba dati siya ang nanghihiram sa akin 'nuh, ako naman ngayon. Ang kaso lang, pinagalaga pa ako ng bruha sa inaanako dahil maghuhugas lang daw siya ng mga bote ng gatas ni Sanjun Jr. Grabe, kaya naman natagalan ako. Sana nandun pa siya.

Chineck ko ang phone ko kung may text or missed call man lang si Marcus pero wala naman. Sumakay na ako sa taxi. Nang malapit na ako sa hospital ni Marcus, nag-retouch ako ng make-up ko, lipstick at blush on lang naman tsaka ako lumabas. Kailangan kong maging maganda sa harap ni Marcus dahil baka di niya na ako magustuhan. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Nakakalito rin siya kung minsan, hindi ko mabasa. Minsan kasi nahuhuli ko naman siyang nakatingin sa akin pero bigla na lang akong iirapan ko what. Nagtataka na nga ako baka may dugong berde siya eh. Pero okay lang, dahil kahit na kampon siya ni Diego, gagawin ko siyang tunay na lalaki gamit ang alindog ko.

To Get HerWhere stories live. Discover now