Chapter 10 : The Newspaper

Start from the beginning
                                    

Tumabi ako sa kanya kahit ang totoo medyo naiilang ako pero hindi ko iyon pinahalata. Naramdaman ko ang bigla niyang pagyakap sa akin. Nanatili lang ako sa pwesto ko at hindi tumingin sa kanya.

“Bakit ang bait bait mo Mister?” ang seryusong tanong niya.

“Hindi ako mabait.” tugon ko. Napaka strict kong boss sa mga empleyado ko. Mataas ang expectations ko at ayukong nagffailed sa laban.

“You are nice. Alam mo ba ngayon lang ako nakakita ng isang kagaya mo. Naaalala ko sayo ang dati kong boyfriend. Kagaya mo, mabait siya, sweet, maalalahanin. Katulad na katulad mo siya.” ang malungkot niyang kwento sa akin.

“Namimiss mo pa rin ba siya?” sabi ko at tumingin sa kanya.

“In my case, hindi na. Tinanggap ko na, na ako na lang mag-isa, na wala na siya.”

Bigla kong hinawakan ang kamay niya at tinitigan ko siya ng malalim.

“Nandito naman ako.” sabi ko at ngumiti siya. Ngiti na nagbigay kulay sa malungkot niyang mundo. “Gusto kong makita kang nakangiti.”

“I will.” nakangiti niyang sabi.

Kahit sobrang bigat ng kanyang dinaramdam ay nagpapakatatag pa rin siya.

Ilan pa kayang kagaya ni Cristine ang malulungkot ng sobra at ilang pang kagaya niya ang daranas ng ganitong sakit.

Sabi sa librong nabasa ko noon. Cancer ay parang isang lipunan. Habang patagal ng patagal, palala ng palala ang sitwasyon. Cancer din ang karamihan na nagiging dahilan ng kanilang pagkasawi.

Traydor daw ang sakit na cancer dahil malalaman mo lang kapag nasa stage 4 o sobrang lala na ng sakit mo. Siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yung word pa lang na cancer ay unti unti ka ng pinapatay. What more kapag nag session ka ng chemotherapy, radiation therapy at kung ano ano pa. Para kang bilanggo sa sarili mong katawan.

“Sino si Kara?”

Parang tumigil ang sandaling iyon dahil sa tanong niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang inaabsorb ang tanong niya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob at kung paano ko sasagutin ang tanong niya.

Ayukong makasakit. Ayuko.

My Ex fiancee.” biglang umiba ang expression niya. Naglaho bigla ang mga ngiti sa kanyang labi.

“Mahal mo pa ba siya?” muli niyang tanong at nastatwa na naman ako sa tanong niya.

“Ayuko siyang pag-usapan.” pag-iwas ko.

“Mahal mo pa rin siya noh?” napatitig ako ng deretso sa kanyang mga mata at ganon din siya sa akin.

Ang daming emosyon ang gustong kumawala sa kanyang mga mata. Sari sari at nakakatakot.

“I'm sorry.” ang sambit ko at ngumiti naman siya ng pilit.

“Okay lang. Sabi ko naman diba? Wag mo akong pag-aksayahan ng oras para mahalin. Ayuko naman maging unfair. Diba? Ayaw kitang madisappoint.” ang kalmadong sabi niya pero I know she's killing inside.

“Pero ikaw na ang mahal ko ngayon.” ang mahinang sabi ko pero hindi niya iyon pinansin.

“Kung dumating man yung panahon na mawawala ako. Balikan mo siya. Balikan mo siya para sa akin. Gusto kitang makitang masaya.” ang halos tila pamamaalam niya. “Hindi ako takot na mawala. Nakahanda na ako Mister sa kung saan ako hahantong.”

“Please wag ka namang magsalita ng ganyan.”

“Keep my promise.” napatigil ako habang nakatingin sa kanya. “Promise?”

His MillionaireWhere stories live. Discover now