06

40 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"What?! You enrolled someone with no Special Ability here in this Academy?!" Galit na sigaw ng isang matandang lalaki kasabay ng marahas na pagtayo nito mula sa pagkakaupo.

"Shut up Ronaldo. Masakit ka sa tenga." Bored na sagot ni Mateo sa matandang lalaki at umaakto pa itong naghihinunuli gamit ang hinliliit.

Napapitlag ang lahat ng nakaupo sa paligid ng conference table ng paluin ito ng malakas ni Ronaldo kasabay ng pagtingin ng masama kay Mateo.

"You shut up, Sole! This is a serious matter!" Sikmat na sigaw muli nito. "Are you damn insane? You're the Head Master of this Academy yet you broke one of your own rules?! This is unbelievable!" Galit na saad muli ni Ronaldo kasabay ng pahilot sa sintido niya.

"This is unbelievable. Nyenye~" Mapang-asar na sagot naman ni Mateo.

Akmang susugurin na ni Ronaldo si Mateo dahil sa mapang asar pa nitong banat pero bigla namang tumayo ang isa sa mga nakaupong babae. Mukhang mayaman at sopistikada.

Iniangat ng babae ang mga kamay niya sa magkabilang gilid. Tanda na pinatitigil niya ang dalawa. 

Sandali munang tumingin si Ronaldo sa babae na nakatingin din sa kanya. Ngumiti ito ng marahan at tumango. Tila pinapakalma ang matanda. 

Mariin na napapikit ang matanda bago muling umupo sa kanyang upuan. Habang ang babae naman ay umupo na din at humugot ng malalim na hininga bago ito nagsalita.

"Relax Ronaldo. Walang mangyayari sa init ng ulo." Sandali itong tumingin sa matanda na halatang nagkokontrol pa din ng galit nito.

"Great disciplinarian ka talaga, Jean bebe!" Parang bata naman na banat ni Mateo dahilan para makakuha siya ng matalim na tingin mula kay Kross. Umakto kaagad si Mateo na nag-zipper ng bibig at tinaas pa ang dalawang kamay--umaakto ng pagsuko.

"And you Mateo! Please be serious! Once and for all, be serious!" Ulit pa nito. "We are having a board meeting here, and your board members are having a problem all because of the thing that you did." Mahinahon ngunit mararamdaman ang awtoridad sa pagkakasabi ni Jean.

"I agree with Jean!" Sabat naman ng isang mukhang nasa early 30's na lalaki. "You did something big, Head Master. I heard that you even asked Shaun, Shiki, and Race to fetch that girl. Is she that important?" Ngumisi ang lalaki. "I believe, we deserve some explanations here." Dagdag pa nito.

Nakatuon ang lahat ng atensyon kay Mateo. Hinihintay nila ang pagsagot nito sa kanilang mga katanungan.

Pasimpleng sumimangot si Mateo. Medyo naaasar sa pagtatanong ng mga ito sa kanya. Pakiramdam niya ay daig niya pa ang presong ginagamitan ng Lie Detector.

Huminga siya ng malalim. Inilagay ang dalawang kamay na magkahulagpos sa conference table na nasa kanilang harapan at isa-isa munang sinipat ng tinigin ang mga kasama. Nasa pinaka-gitna siya nakaupo kaya madali niyang makita ang mga ito.

Unang sinipat ng tingin niya ang matandang si Ronaldo Salvador. Ang anak ng orihinal na Salvador na kasama niyang nagpasimula ng Sole Academy. Kung titignan ay talagang nakaka-intimidate si Ronaldo. Suot nito ang kanyang paboritong get-up na pang-Mafia Lord habang may hawak na tabacco sa isa nitong kamay. 

Hindi ito ang unang beses na nagtalo sila sa meeting ni Ronaldo. Dahil sadyang iba ang mga paniniwala nila't kaisipan sa ilang mga bagay. Kaya minsan, dinadaan na lang niya sa pang-aasar sa matanda ang inis kaysa masapak niya pa ito. Sa madaling salita, ayaw niya rito.

Sole AcademyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora