03

35 5 0
                                    

Makailang beses akong napakurap at napalunok ng laway dahil sa hindi ko malaman ang dapat kong maging reaksyon sa nakikita ng dalawang mata ko sa ngayon.

Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng katinuan at para bang nasisiraan na ako.

Sana nga ay ganoon na lang! Sana!

Pasimple kong sinulyapan sina Shaun, Shiki at Race. Bakas sa mukha nina Race at Shaun ang pandidiri pero kahit ganoon ay parang sanay na sila sa nakikita dahil naaatim nilang mapanood ito. Habang si Shiki naman ay wala man lamang mababakas na ekspresyon sa mukha. Hindi ko malaman kung naiinis o nadidiri ba siya sa nakikita pero isa lang ang sigurado ko, hindi siya natutuwa!

Lagi bang ganito dito?

Muli akong napatingin sa harapan namin ng sumigaw siya.

Ang dahilan ng nararamdaman kong hindi ko maintindihan kung ano ba.

"WELCOME TO SOLE ACADEMY!"

Masiglang sigaw ng lalaki na nasa harapan namin. 

"GO! GO! WELCOME! YEAH!"

Muli niya pang sigaw at nagsimula na naman siyang sumayaw na parang isang cheerleader gaya ng ginagawa niya kanina pa.

Hindi man ako ganoong maalam dahil nga ilang taon akong nakulong sa bahay nina Tita Alice pero sigurado akong hindi normal ang nakikita ko. Ang rason? Dahil hindi ito magawang tanggapin ng sistema ko! Alam ko at ramdam ko na hindi maganda ang nasasaksihan ko sa ngayon!

Isang hindi naman ganoong katandang lalaki. Siguro ay nasa 40's na siya. May balbas at bigote. Malaki ang pangangatawan at lalaking lalaki kung tignan. Gwapo rin siya kaya naman hindi ko talaga malaman bakit nakaya niyang suot ng damit na gaya ng sa isang cheerleader!

Oo! Nakapang-cheerleader siya! Iyon bang labas pa ang tiyan at naka-maikling palda. Naka-wig pa ng siya  na kulay pink na pig tail na kakulay din ng kanyang damit.

Sa tingin niyo, normal ba ito?!

Kung alam ko lang na ito ang bubungad sa akin sa pagsama ko kina Shaun baka nagdalawang isip na--hindi nagtatlong isip pa ako. Mas natatakot ako sa pwede kong kahinatnan ngayon. Baka matuluyan na akong mabaliw!

"Yay! Welcome!!"

Sa wakas! Natapos na rin siyang sumayaw pero nag-pose pa sa huli. Naka taas ang dalawa niyang braso sa ere habang hawak ang pompoms sa pareho niyang kamay. Malawak ang kanyang pag-ngiti na akala mo'y masayang masaya siya sa kanyang ginawa. Na para bang nakakatuwa ang ginawa niya!

Nasaan ang nakakatuwa?!

Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong takpan ang mga mata ko sa bawat galaw ng katawan niya. Ngunit masyado akong natigilan at nabigla sa nakikita ko kaya hindi ko na nagawa. Natuod na lang ako. 

"Done with your shitty dance? I'll fvcking leave now."

Natauhan ako at napatingin sa nakasimangot na si Shiki. Napalunok kaagad ako dahil sa dilim ng mukha niya ngayon!

"Nakaka-hurt ka naman ng feelings Shiki! Aray ha!" Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalaking kanina ay sumasayaw. Umakto pa itong sinasaksak ang puso pero napanganga na lang ako ng mapasin kong iba na ang suot niyang damit. 

Naka-amerikana na siya at talagang pormal na pormal ang porma at suot niya!

Paano siya nakapagpalit?!

Mabilis na hinanap ng mga mata ko kung saan niya maaaring itinilapon ang kanyang kasuotan kanina ngunit hindi ko na ito nakita pa.

Imposible!

"Mateo, you're getting crazy again! Tignan mo, tinakot mo tuloy itong si Lyra. Tch!" Paninisi ni Race doon sa lalaki.

Nakunot ang noo ko ng mahimigan ko ang paraan ng pakikipag-usap ni Race sa lalaking nagngangalang Mateo. Halatang mas matanda sa kanya ang lalaki pero para bang magka-edad lang sila kung kausapin niya ito.

"What's new? Para namang may bago sa mga trippings niyan ni Mateo. Everything is awful." Dagdag pa ni Shaun sa sinabi ni Race.

Lalo pang nangunot ang noo ko. Hindi ko kasi nagustuhan na para bang wala silang galang sa mas nakakatanda sa kanila. Gayundin naalala ko pa ang pagmumura ni Shiki sa harapan ng mas nakakatanda sa kanya. 

Hindi maganda iyon!

Pero biglang napalitan ng kaba ang nararamdaman ko ng mapansin ko biglang pagsama ng timpla ng mukha nitong si Mang Mateo. Mukhang di niya nagustuhan ang sinabi nina Race at Shaun. Mukhang hindi rin niya nagustuhan ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya! Sumama ang tingin niya sa dalawa mga ito!

Galit siya? Malamang! Hindi ba naman siya galangin?!

Napalunok pa ako ng mariin ng unti-unting lumapit ang nagagalit na si Mang Mateo. Ngunit natigilan ako ng mapansin ko na para bang wala man lang pakielam ang tatlo sa galit na pinapakita ni Mateo. Hindi ko alam bakit sila ganito? Para bang sanay na sila sa ganitong eksena!

Ako ang natatakot e!

Hindi ko alam pero napapikit ako sa takot. Baka kasi ano ang gawin niya sa kanila, sa amin!

Patuloy lamang ako sa pagpikit ko at naghihintay ng susunod na mangyayari. Napapalunok pa ako ng mariin ng dahil sa kaba. Lalo pa akong kinabahan ng makaramdam ng malakas na ihip ng hangin na dumaan sa magkabilang gilid ko.Ngunit iba sa inaasahan ko ang sumunod na nangyari. Naramdaman kong may humawak sa tuktok ng ulo ko ng marahan na tila tinatapik ako. Napapitlag pa nga ako sa pagkagulat ko.

"I'll let it pass for now because you did your mission very well. But the next time na laitin nyo ang maganda kong sayaw ay humanda na kayo sa akin." May diin at seryosong sabi ni Mang Mateo.

Halos malaglag ang panga ko ng dahil sa aking narinig.

Nagagalit siya dahil nalait ang kanyang sayaw?!

"Ito naman si Mateo! Hindi na mabiro!" Narinig ko pang sagot ni Shaun habang natawa ng pilit.

Sunod ko namang narinig ang mga yabag papalayo. Idinilat ko ang aking mata para makita na ang nangyayari. Nasa harapan ko si Mang Mateo at nakapatong pa rin ang isang kamay sa tuktok ng ulo ko. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanya dahil nakakaramdam ko ng hiya.

Muli akong nakaigik ng naramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko. Nang tumingin ako sa likod ay nakita ko ang malapit na mukha ni Shaun sa akin. Ipinantay niya ang mukha niya sa akin dahil para tumungo siya ng kaunti.

"Una na kami, Lyra. Tapos na ang trabaho namin." Nakangiting sabi niya.

Binitawan na niya ako at sumunod na sa papalabas na sina Race.

"Bye! Bye!" Kaway naman ni Race habang palabas na nga siya sa pinto.

Si Shiki naman ay tuloy tuloy lamang sa paglabas na parang hindi ako nakikita!

Teka! Palabas na sila?! Iiwan nila ako dito?!

Hahabol na sana ako sa kanila. Hindi naman kasi pwede iyong ganito! Sila ang nagdala sa kin dito tapos iiwan nila ako sa hindi ko kilala.

Handa na sana akong alisin ang kamay ni Mang Mateo sa aking ulunan at sumunod sa tatlo ng matigilan ako sa sumunod na sinabi ni Shaun ng muli siyang humarap sa akin.

"You don't have to worry. He's the head master of Sole Academy. Siya na ang bahala sayo." Ngumiti pa siyang muli bago tuluyang makalabas. Dahan dahan na ding sumara ang pintuan.

Para naman akong naestatwa ng dahil sa narinig ko. Makailang beses pa akong napakurap at pagtapos ay unti-unti kong itinuon ang aking paningin sa lalaking kaharap ko. Sinalubong niya ang tingin ako ng isang malapad na ngiti at kumindat pa siya.

H-Head Master?!

Itong lalaking ito na sumalubong sa amin sa kakaibang paraan. Ang lalaking nagpilit sumayaw at magdamit na isang cheerleader at ang lalaking hindi ko malaman ang trip sa buhay ay ang Head Master ng Sole Academy?!





NILOLOKO NIYO BA AKO?!


Sole AcademyWhere stories live. Discover now