02

47 3 0
                                    


"Shit! Tinakot mo kasi! Kahit kailan ka talaga!"

"What the?! Anong ako?! Wala akong kasalanan ha! I don't any have the idea that she'll be shocked because of our grand entrance! Aish! Kasalanan tong lahat ni Mateo! Hindi ako! So don't fvcking blame me!"

Bakit maingay? Anong meron?

"Why the hell do I have to do this mission with you?!"

"Aba! Anong akala mo? Gusto kitang kasama ungas ka! Kay Mateo ka magreklamo! Wag sa amin! Shi-Shi oh! Ang daldal ni Race!"

"Tch!"

Ano bang meron? Bat maingay? Nakatulog ba ako sa sala habang nag lilinis? T.V ba yung maingay?

Marahan kong iminulat mga mata ko para tignan kung saan nagmumula ang ingay. Baka kasi naiwan na naman ni Alexa na bukas nga yung TV sa sala at ako na naman ang pagbintangan na nanonood kahit hindi naman.

Ilang sandali pa akong papungas pungas bago ko naaninag ang mga nasa harapan ko. Wala ako sa sala. Wala rin ako sa kwarto ko na barong barong.

Sigurado akong nasa bodega pa din ako pero ang kaibahan lang. Hindi ako nag iisa. Medyo malabo ba ang mata ko ng dahil nga sa kakamulat lang pero nakakaaninag ako ng mga tao.

Isa? Dalawa? Hindi! Tatlo.

Alexa? Tita Alice at Angela?

Hindi e. Iba ang bulto. Iba ang katawan.

Ilang sandali pa ay luminaw na ang paningin ko at doon malinaw na nakita ko kaagad ang dalawang lalaki na nagtatalo na parang mga bata habang yung isa pang lalaki na nakaupo lamang sa isang sulok habang nakatingin sa kung saan.

Ilang beses akong napakurap habang pinanonood ko sila.

Teka.. Sino s-sila? Nasaan ba ako?!

Mabilis ko ulit iginala ang paningin ko sa paligid. Nasa bodega naman ako!

Paanong nangyaring---

Natigilan muli ako at parang pelikula na dumaan sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

Kaagad na nakaramdam ako ng takot.

Nanlalaking mga mata at nanginginig na tumakbo na palayo ako sa kanila. Narinig ko ang pagkagulat nila ng dahil sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin. Mas inuna kong makalayo sa mga estranghero na ito! 

Jusko po! Baka mga masasamang loob to sila!

Nagtago na kaagad ako sa gilid ng sirang cabinet na nakatambak dito sa loob ng bodega. Sapat na ang cabinet na ito para maitago ako mula sa kanila. Tanging kalahati ng ulo ko lamang ang nakadungaw para makita ko pa din sila.

Hindi sila mukhang masasamang loob! Sila! Sila yung nakita kong lumabas sa pintong maganda kanina!

Hindi pala iyon panaginip? Ibig sabihin totoo lahat iyon?!

"Woah! You scared me!"

Mabilis bumalik ang atensyon ko kanila ng magsalita iyong unang nakita ko kaninang lumabas mula sa pinto.

Ang pinto na mula sa sulat! Pinto na dyamante! Ang jus--

Aish! Di pa rin matanggap ng sistema ko ang mga nangyayari! Makailang beses ko ng kinurot ang sarili ko para magising ako kung panaginip man ito pero bigo ako!

"Shaun! Don't scare her! Sasapakin na kita dyan!" Sabi pa nung isang kasama niya. Ito naman iyong pangalawang lumabas mula sa pinto.

"Who the hell scaring her?! Ako?! Sa gwapo kong ito?!"

Sole AcademyWhere stories live. Discover now