"Eh, gwapo rin naman itong si Rudolf, ah..." sabay baling ni Gladis sa lalaki na katrabaho rin nila.


Isa rin itong si Rudolf na nanliligaw sa kanya. Guwapo nga talaga ito, basta wag mo lang tititigan nang matagal kasi may nagbabago.


"Cynthia, wag ka nang mapili. Sige ka, baka mapunta ka pa sa bungi!"


Napakibit balikat na lamang sya sa pambubuska ng dalawa. Matibay siya sa mga tuksuhan dahil lumaki yata siya sa lugar na ang almusal ay puro panunukso at pang-aasar.


"Pero para sa akin, si Mr. CEO pa rin ang pinakaguwapo sa lahat..." namumungay pa ang mga mata ni Merdie habang binabanggit ito.


Biglang napaangat ang mukha niya sa narinig. "CEO ng kompanyang ito?" curious na agad nyang tanong. 


"Oo," sagot ni Gladis. "Dating president, na ngayon ay acting and soon to be the CEO na ng Montemayor-Saavedra. Wala pang nakakakita rito nang malapitan pero kinababaliwan na ng mga kababaihan. Tindig pa lang daw kasi ay yummy na. May sabi-sabi pa na may itinatago raw iyong kapilyuhan. Ang hot ng description, 'no?"


"You mean, wala pa talagang nakakakita sa kanya?" tanong nyang muli. Lalong kinain ng kuryosidad.


"Meron naman nang nakakita sa bagong CEO, pero mostly ay higher-ups lang. Tamad kasi iyong um-attend ng mga company parties kaya bihirang makita. Wala ring masyadong tagarito sa department natin ang nakakakita sa kanya kasi iba ang daan niya, maging elevator na sinasakyan," salaysay ni Merdie. Matagal na kasi ang mga ito sa kompanya.


"Hay naku, dzay! Kahit likod lang niya ang natanaw namin last year sa event ng company ay guwapong-guwapo na kami. Ang tangkad, ang lapad ng balikat, saka ang tangos ng ilong kahit sa malayuan!" Parang kinikiliti si Gladis habang nagkukwento.


Nainingkit bigla ang mga mata ni Cynthia. Kalabisan nga siguro ang biglang naglaro sa isip niya, pero hindi niya mapigilan ang sarili. Parang may magnet na humila sa kanya sa posibilidad na 'what if magkrus ang landas nila ng batang-bata at guwapong CEO ng kompanya?' 


Umatake bigla ang pagiging ambisyosa niya. Ano nga kaya kung magkita sila ng CEO? Matipuhan kaya siya nito? Bata palang ay aware na siya na walang ipinamana sa kanya ang mga yumaong magulang maliban sa kanyang 'ganda', ang tanong lang ay kung sa taste ng CEO ng isang malaking kompanya ay uubra ba siya?


Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na mag-asam dahil pangarap niya talaga na makapangasawa ng mayaman. Kung papalarin siya sa CEO, aba ay parang package na iyon. Guwapo na ay mayaman pa.


"Hoy, Cynthia! Mukhang masama ang nasa isip mo, ah." Nakamasid na pala sa kanya si Merdie. "Hindi maa-afford ng beauty mo ang isang Montemayor kahit maligo ka pa ng milyong beses. Gumising ka habang maaga!"


Hindi na lang siya umimik.


***


LEO was so excited to see her again, pero kanina pa sya naghihintay ay hindi pa rin nagpapakita ang dalaga. Damn that woman, ngayon nya lang yata naranasang maghintay para sa isang babaeng hindi niya kaano-ano. Anyway, naisipan na nyang puntahan ito mismo sa opisina nito.

It Started in the Elevator✔️Where stories live. Discover now