Pero hindi sya susuko, not on this one. Lahat ng gusto nyang maikama ay naikakama nya. Sayang naman ang pagiging Montemayor nya kung hanggang panaginip na lang sya sa babaeng iyon.


***

SAMBAKOL ANG mukha ni Cynthia habang nakaharap sa kanyang computer, nasa opisina sya ngayon. Isang linggo na kasi ang lumipas at tapos na rin ang training nya. Ang problema ay tambak ang files nila. Nasa department kasi sya ng back office.


"At bakit nakasimangot na naman ang muse namin?" Si Merdie. Katrabaho nya ito sa department na iyon at ka-close nya na rin.


Muse ang bansag sa kanya nito dahil sya lang daw kasi ang maganda roon. 


"Kasisimula ko pa lang kasi sa department na 'to, tinambakan na ako agad ng gawa," aniyang nakalabi.


"Ayaw mo nun, marami kang overtime." Singit naman ni Gladis na katabi nya rin.


Merdie and Gladis are best friends.


Ang dalawa ay inseparable pati sa itsura. Ang sabi ay nasa mid twenties pa lang daw, pero duda siya.


"Anong masaya ron? Eh, naghahanap nga ako ng mauupahan. Dahil sa OT na 'to, lagi akong gagabihin sa pag-uwi." Tuloy lang sya sa pag-i-encode habang nakikipag-usap sa dalawa.


"Eh, anong ginagawa ng manliligaw mong de kotse?" Ang tinutukoy ni Merdie ay si Leo. "Pero infairness ah, ang gwapo ng isang iyon."


Napapailing na lang sya. Tama si Merdie, guwapo nga talaga si Leo. Sa dami ng mga manliligaw nya ay ito na ang pinakaguwapo. Ang kaso, hindi ito sapat sa kanya.


Hindi sapat ang nakikita ng mga mata at kung sakaling matututong sumigaw ang puso niya. Walang magiging sapat kung hindi rin lang niya matutupad ang kanyang pangarap. Pangarap na batang musmos pa lang siya ay kinasasabikan niya nang maganap— ang makapangasawa ng mayaman.


Ang gusto nya kasi ay mayaman at hindi basta guwapo lang. Hindi naman kasi nya maipagkakaila kahit sa sarili nya na sya ay gold digger. Aminado naman sya ron. Sa hirap ng buhay ngayon, pipiliin nya pa ba ang mukha kaysa sa pera?


"Korak ka dyan, 'day! Ang suwerte mo na kay fafa Leo, bakit hindi mo pa sagutin?" Halos napapatapik pa sa kanya itong si Gladis.


Nangunot ang noo ni Merdie. "Ang nakakapagtaka lang dyan sa Leo mo, lagi na lang naka-sumbrelo tuwing susunduin ka. Parang laging may pinagtataguan"


Kahit naman sya nagtataka. Para kasing may iniiwasan si Leo sa tuwing magpapakita ito sa kanya upang sunduin sya. Although nanliligaw na nga iyon nang lagay na iyon. Pero sa kabila noon, naaaliw sya sa binata.


It's been a week na kasi itong nanliligaw sa kanya at wala naman itong ibang ginagawa kundi ang hatiran sya ng lunch at i-sundo't hatid. Malaking bagay sa kanya iyon dahil bukod sa hindi na sya namamasahe papasok at pauwi, nakakalibre rin sya ng pagkain. Lalo na ngayong nagsisimula pa lang sya at wala pa syang budget.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon