Victoria mentally scolded herself for hurting Ramcel. Mabilis itong naglakad palayo sa kanya kaya naman hinabol nya ito. “Ramcel, wait!” Naabutan nya ito sa hagdan. Hinawakan nya ito sa braso para mapigilan. “I’m sorry. Please don’t go. Dito ka lang sa tabi ko.” Ramcel just stared at her stonily. “Baby…”

“Fine,” sa wakas ay sabi nito. “Ano bang gagawin ko?”

Napangiti na si Victoria. “Tulungan mo kami sa mga upuan.” Kinuha nya ang kamay nito saka sila sabay umakyat. She’d make it up to her later. She knew she had to tell her about her apprehensions but not now. Mag-e-enjoy muna syang makasama ito.

Ipinakilala nya si Ramcel sa mga kasamahan. Akala mo na-starstruck ang mga teenagers sa ganda ng asawa nya. Hindi makapagconcentrate ang mga ito dahil panay ang sulyap ng mga ito kay Ramcel, na itinali ang buhok nito at oblivious sa paligid habang concentrated sa pagliliha ng upuan. Sinaway lang ng teacher ang mga estudyante kaya nagpatuloy ang mga ito sa ginagawa.

“So, is it hard to do that on your own?” Victoria teased. Ramcel turned to her. Some of her loose hair fell over her face and gave a striking effect on Victoria. Napalunok sya dahil she wanted to kiss her wife right at that moment. “I did it for you during our first year. Sabi ni Helena, ibang tao ang gumawa nyan for you the rest of the years.”

“I didn’t ask them. They volunteered,” depensa nito.

“Kasi may crush sila sayo at ikaw naman sinamantala mo,” she pointed out.

“Hindi ako tumatanggi sa grasya,” natatawang sabi nito. “And in return, I gave them my beautiful smile.”

Victoria rolled her eyes but she laughed. Gusto nya tuloy itong batukan. “Parang gusto na nga kitang itago eh. You are distracting them,” she whispered. Nakakunot ang noong bumaling si Ramcel sa mga teeneagers na nakatingin rito. Nginitian nito ang mga estudyante na biglang inalis ang tingin kay Ramcel at nagkunwaring busy sa ginagawa. “Linisin mo na lang kaya yung bubong ng school?”

“Ayoko. Eh kung mahulog ako? Worse, my fingers might get fractured. I can’t pleasure you anymore,” Ramcel whispered back and naughtily smiled. “I still have my tongue but…”

Pinamulan ng pisngi si Vi kaya hinampas nya sa braso si Ramcel, na tumawa. “Yang bibig mo,” saway nyang natatawa rito. Buti na lang busy sa pagbibigay ng utos ang teacher sa ibang mga estudyanteng naroon kaya walang nakakarinig sa pinag-uusapan nila.

Pagkatapos maliha lahat ng mga upuan, sunod naman nila itong nilagyan ng varnish. Napadaan muli ang Daddy nya kasama sina Olivia at Abby. Nagpaalam na itong pupunta sa kabilang school at didiretso pagkatapos sa city hall. Her father thanked Ramcel and Olivia again for the help then invited them to have dinner with him at his house on Friday. Olivia graciously accepted.

Pag-alis ni Mayor Alonzo, Olivia turned to Ramcel. “Do you still need my car?”

“Yes,” ngumiting tugon ni Ramcel.

“Careful. If you put a dent on it, I’ll snap your neck,” Olivia threatened while giving Ramcel a sweet smile. Inabot nito ang susi ng kotse sa kaibigan. “Enjoy.” Olivia gave Victoria a smile before addressing the teacher. “Ma’am, it’s almost lunch. Kain na po muna tayo. May konti po kaming hinandang salo-salo para sa lahat.”

“Tara, lunch tayo,” anyaya ni Ramcel.

“Saan?”

“Dyan lang. Let’s go.” Kinuha nito ang kamay nya saka sya hinila palabas ng room.

Pagdating sa ground, nasalubong nila si Maristela, na napatitig sa magkahawak nilang kamay bago tumingin sa mukha ni Ramcel. Victoria didn’t remove her hands from Ramcel’s. Mas magdududa ito pag ginawa nya yun.

SINCE NINE Book 2: ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon