Chapter 18

15.1K 264 5
                                    



Dedicated kay ate Leng.. Ganda ng TDG 1 and 2 nya. Kakatapos ko lang nun at di pa ko maka-move on kay Kevin at Jersey. Waaahh basahin nyo yun promise maganda.

Yung ibang lines dito sa chapter na toh dun galing.. Pahiram lang ate Leng.

Ganda kasi nung lines kaya shinare ko muna.

*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*

Pssssttt vote and comment ha?!! Puhleeeaase!

Yiiee thank you!! Hug tayo! \(^‿^)/

Enjoy!

*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*-----*

Waahh ngayon ko lang napansin na Kevin din pala yung name ng bida dito sa story ka katulad sa TDG hahaha ang galing. Ay hanga much?

O sya ang haba na ng note masyado kasi akong madaldal.

Enjoy reading


-Kevin's POV-

Tss. Di ko pa din makalimutan yung nangyari kanina.

Nandito ako sa bahay at umiinom. Ang sakit ng puso ko ngayon. Nasasaktan ako dun sa sinabi nya kanina.

P*cha anong mali dun? She kissed me back. Alam kong nagustuhan din nya yun.

Oo aaminin ko na. Mahal na mahal ko na sya. Mas lalo ko syang minamahal araw-araw. Laging may kulang pag hindi ko sya nakikita buong araw.

Sh*t ang bading ko naman. Siguro eto nga ang nagagawa ng pagmamahal. Para gawing corny ang isang tao.

Inom lang ako ng inom nang may biglang kumatok sa kwarto ko.

Bukas naman yun kaya pumasok nalang sya.

"Kuya?"

"Oh Kath gabi na bakit di ka pa natutulog?"

Tumabi sya sa akin at kinuha yung iniinom ko.

"Ang baho mo kuya!"

"Akin na nga yan bata ka."

Hindi nya binigay sa akin at binatukan ako.

"ARAY KATH!! Sure ka bang bata ka talaga?"

"Kuya naman hindi maso-solve ng paglalasing yang problema mo!!" sabi nya at tinapik yung kamay ko nung kukunin ko ulit yung bote.

"Kath pampamanhid lang yan para makalimutan ko sandali yung problema ko.."

Kukunin ko sana ulit pero hindi talaga nya binibigay.

"What's the use of a hangover if the heart still hurts more than the head?"

[A/N: yang hangover chorva line na yan.. yan yung line galing TDG book 2 wooohh si Jersey ang nagsabi nyan :)]

Napatulala ako dun sa sinabi ni Kath. Wow lang ha grabe san napupulot ni Kath itong mga sinasabi nya?

"Kahit uminom ka pa dyan ng galon-galon ng alak in the end hindi mo pa din yun makakalimutan. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa inom kuya. Kahit anong inom mo nandyan pa din yung sakit kahit malasing ka ng sobra-sobra. Masakit na nga yang puso mo, sasakit pa yang ulo mo at masisira pa yang atay mo. Oh di ba mas dinodoble mo lang yung sakit nun Kuya hindi mo binabawasan yung problema mo kung gusto mong masulusyunan yan lahat ng bagay nadadaan sa matinong usapan hindi sa pagpapakalunod sa alak. One more thing kuya lahat ng bagay may dahilan at minsan iba ang sinasabi ng bibig sa talagang dinidikta ng puso malay mo kaya nya yun sinabi kasi may dahilan sya at sa puso nya tama talaga."

Pagkasabi nya nun umalis na sya.

Ako? Nganga!

Naglo-loading pa sa utak ko yung sinabi nya kanina.

Tagos hanggang buto lahat ng salita nya.

Teka makatulog na nga lasing na ata ako.


--Zyrene's POV--


Pagkauwi ko humiga ako agad sa kama.

Hindi ko pa din talaga makalimutan yung nangyari kanina.

Sobrang sakit pero masaya ako.

Eh? Parang tanga lang di ba?

Nasasaktan at masaya.

Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha.

Abnormal na ata ako kung kelan gusto kong umiyak dun pa walang lumalabas.

Mali na talaga tong nangyayari sa akin dapat hindi ko na sya mahalin.

Pero kaya ko ba yun? Eh lagi ko nga syang kasama. Kahit vacation ngayon may work naman kami.

Haaaayyy what a nice christmas!

Naisip ko din bakit kaya nya ginawa yun?

Mahal din kaya nya ako?

Nah imposible minsan nga lang nya ako makitang naka-Zyrene di ba?

Hayyyy bakit naging ganito ka complicated ang lahat?

Saka bakit sa dinami-dami ng lalake bakit sya pa?

Pumunta ako dun sa may cabinet ko at may kinuha na envelop.

Eto yung titulo ng school.

Oo matagal na sa akin toh. Uggh last two weeks siguro?

Ayaw ko pang ibigay sa kanila kasi..

Ahm ayaw ko pang iwan ang barkada. Masyado silang napalapit sa akin.

Walang nakakaalam dito. Kahit si Cheska. Pero aaminin ko na sa kanya bukas pati yung feelings ko kay Kevin at yung nangyari kanina.

Siguro karapatan naman nyang malaman yun. Bestfriend ko sya kaya dapat ko lang ishare yung mga nangyayari sa akin.

*sigh*

Balak kong ibigay toh sa kanila sa graduation.

Kailangan ko muna ng oras para mag-isip.

Ano na kayang mangyayari pagkatapos nun?

Paano na sila Kevin at Kath?

Magagalit kaya sila sa akin?

Ay Zyrene malamang di ba ikaw ang sisira sa pamilya nya.

Paano kaya kung sabihin ko kila Mom at Dad yung feelings ko? Maiintindihan kaya nila ako?

Arrggh ang dami ko bang tanong? Sorry naman masyado lang akong affeted sa kiss namin kanina. Ano connect?

Three months nalang. Sa loob ng three months ano kaya ang mangyayari?

Sana..sana maging masaya ako pagkatapos nito.

Kevin, mahal kita pero alam kong hindi toh tama.


*to be continued*

sorry kung sobrang ikli. Mental block ako ngayon at medyo busy.

vote and comment kayo.


My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon