Chapter 25: Darwin & Lianne

13.7K 224 5
                                    

vote and comment.

papindot yung external link :)

***

-Darwin’s POV-

Pumunta muna ako sa loob ng resto bar para mag-paalam na aalis muna ako.

Pagkapasok ko dun---

*booggsh

Napaupo ako at biglang nangilo.

As I expected, suntok nya ang sumalubong sa akin.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kwelyo ko.

Inaawat na sya nung iba.

“Ano ba Macky tama na yan.”

Binitiwan nya ako at bigla syang umalis.

Tumingin ako sa kanila. Halatang galit sila sa akin pati si Zyrene parang gusto na akong sugurin kaso ang dyahe naman kasi naka-Owen sya.

Tumayo ako at pinahid yung dugo sa may labi ko.

“Sorry sa gulo na ginawa ko kanina. Pero bago ako umalis sasabihin ko na yung sikreto ko sa inyo which is di na sikreto kasi marami nang nakakaalam. Engaged na kami ni Lianne. 2 years ago nang malaman kong naka-arranged pala kami. Nagalit ako sa pamilya ko at lalo na kay Lianne kasi nalaman ko na sya ang may gusto nito. Nung time na yun may girlfriend ako at nalaman nya yun tungkol dun kaya nag-break kami at mas lalo akong nagalit sa kanila. Mabait naman si Lianne kaya gumawa ako ng paraan para kaayawan nya ako para humiwalay na sya sa akin kasi hindi ako deserving na mahalin nya.”

Umupo ako at humarap sa kanila.

“Hanggang sa nakilala ko si Cheska. Unang kita ko palang sa kanya nagustuhan ko na sya. Iba kasi sya. Ang sarap nyang kasama at lagi nya akong napapangiti. Napamahal na sya sa akin. Pero nung nakita ko si Lianne kanina na may kasamang lalaki at sinabi nya sa akin na kalimutan ko na yung engagement dun ko narealized na mahal na mahal ko na sya at yung pagmamahal k okay Cheska ay hanggang kaibigan lang. Kaya Macky alam ko nandyan ka..”

Lumabas sya at tiningnan ako. Pati yung iba sa kanya na nakatingin. Wala ng tao sa resto kasi pinaalis na nila kaya kami nalang yung nandun.

“Alam kong mahal mo sya at ikaw ang nararapat sa kanya. She deserves someone like you. I’m sorry for hurting the girl you love pero sa tingin ko eto na yung time para ipakita mong mas nararapat ka para sa kanya kesa sa akin”

Lumapit ako sa kanya.

“Make her happy pare”

Pagkasabi ko nun ay lumabas na ako.

Takte ang drama ko kanina para akong babae pero yun naman talaga ang nararamdaman ko.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon